Chapter 7

7.4K 301 202
                                    

Chapter 7 

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Napatingin pa ako sa orasan na nasa bed side table kung anong oras na. Alas diyes na pala. Tamad kong in-straight ang katawan ko habang nagmuni-muni sa kisame. 

Teka lang… 

Agad akong napabangon ng upo nang marealize ko na hindi naman ganto kaganda ang kwarto ko. Tumingin pa ako sa paligid. Puro kulay white o kaya brown lang ang makikita ko. Agad kong tiningnan ang damit ko, iyon pa rin naman ang suot ko. 

Pilit kong inaalala kung anong nangyari kagabi pagkatapos kong maparami ng inom dahil sa binibigay sa akin ni Gail. Pilit ko rin tinitingnan kung kanino kwarto ito. Hindi naman ganto yung guest room nina Gail at Iver. Hindi rin ito kina kuya Nathan. Napatingin ako sa bintana na may malaking kurtina na kulay cream, bahagya kong nakita ang labas. Mukhang hindi ito bahay. 

Tumayo ako para tingnan ang labas. Hinawi ko ang kurtina at napansin kong nasa isang condo ako. Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto hanggang sa nakakita ako ng banyo, dumeretso ako roon para maghilamos at magmumog. 

Binuksan ko ang isang drawer dun para tingnan kung may extra tooth brush ba na bago. Kina Gail at Iver kasi merong ganon. Nakahinga akong maluwag nang makakitang may bagong tooth brush. Nagsipilyo na ako, natigilan ako nang unti-unting lumilinaw ang mga ala-ala ko kagabi. 

Shet! Inuwi ako ni Jonas?!! 

Napasabunot ako sa buhok ko habang nakalagay pa ang toothbrush sa bunganga ko. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. 

Nakakahiya ka. 

Ang dami ko nang ginawang bad shot sa crush ko. Paano niya ako magugustuhan? Papakita ko ba yung diploma ko noon? Yung mga medals ko? Or yung mga certificate of with high honors? 

Pero hindi naman siya mataturn on don! E valedictorian iyan paano ko siya ma-impress. Wala na atang kaakit-akit sa pinagagawa ko sakaniya! Sumuka pa talaga ako habang pinapanood niya ako. 

Isa akong kasuka-sukang babae! 

Ahhhhhhh!! Sumisigaw nalang ako sa isip ko habang tinatapos ang pagsisipilyo ko. Akala ko pa naman magkaka-love life na ako bago mag graduate pero mukhang naudlot pa ata!

Pero crush niya naman ako diba? Feeling ko lang. Nagdm naman siya sa akin sa twitter. Tinatanong kung kumain na ba ako, huwag ako papalipas ng kain, nagagalit siya kapag kulang tulog ko, tapos nag good morning din siya! Crush niya naman ako kaya he will accept my flaws right? 

Pero syempre umaasa lang ako sa simpleng gesture niyang iyon! E sa nakakakilig naman talaga kapag chinachat kang ganon ng crush mo diba? 

Napailing nalang ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sakaniya. Lumabas na ako sa banyo at kinuha ang hoodie ko na nasa sofa. 

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto hanggang sa marinig kong may kausap siyang isang lalaki. 

"Hindi mo pa siya nahanap?" Dinig kong tanong ni Jonas sa kausap niya. Nasa kusina sila, mukhang naghahanda ng pagkain. 

"Paano ko hahanapin ang taong ayaw pahanap?" Sagot ng lalaki. Naramdaman ko ang kaunting pait sa sinabi niya. 

"Mahal mo pa siya, kuya?" Balik na tanong ni Jonas. Kuya? Sa pagkakaalam ko, wala siyang kapatid kaya sino ang kausap niya? Maybe cousin? "Hindi na," 

"Kung hindi na bakit nandito ka pa rin kung saan katabing unit mo ang unit niya noon? Umaasa ka pa rin na babalik siya?" Mukhang personal na ang pinag-uusapan nila. Gusto ko nang magpakita dahil parang hindi ko pwedeng marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now