Chapter 2

10.8K 347 149
                                    

Chapter 2

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Gail bilang pagtawag sa akin. Mabilis akong lumingon kay Jonas para makapagsorry.

"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya!" Kinakabahan na wika ko sakaniya.

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil parang naestatwa siya. Sinundan ko ang tingin niya, nakatingin kay Gail na ngayon ay papalapit sa amin.

"Hey. I said I'm sorry," ulit na wika ko sakaniya. Mabuti nalang at nakuha ko na ang atensiyon niya. Napangiwi pa siya nang tiningnan niya ang white coat niya.

"You should watch your way next time," wika niya niya habang nakangiwi at chinecheck ang coat niya "I can't use it now," napailing pa siya habang sinasabi niya iyon.

"I can wash it!" Kinakabahan na suggestion ko sakaniya. Hindi ko alam, kaba dahil nabuhusan ko siya or kaba dahil gusto ko siya pero pwede namang both.

"Okay," nagulat ako dahil pumayag siya. Kinuha ko na ang coat niya at nilagay sa paper bag na dala ko. Yung lunch box ko lang naman ang nakalagay doon.

"Hey!" Bati ni Gail na nasa tabi ko na ngayon. Ngumiti siya kay Jonas bago tumingin ulit sa akin "What happened?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ah. Hindi ko kasi napansin. Nabuhos ko yung kape sakaniya," turo ko kay Jonas habang inaayos yung coat niya sa paper bag ko.

"Tara na! Malelate na tayo sa duty!" Wika ni Gail tiyaka kinilingkis ang braso niya sa akin.

"Ah. Una na kami. Papabigay ko nalang kay kuya yung coat mo. Pasensiya na," pagpapaalam ko kay Jonas.

Pero syempre echos lang yung papabigay ko kay kuya. Mas okay na ako yung magbigay! Tumango lamang siya sa akin. Ngumiti sakaniya si Gail tiyaka nagpaalam na.

"Kaklase siya ng kuya mo?" Tanong ni Gail habang naglalakad kamu papunta sa university, may isang subject pala kami bago ang duty.

"Ah oo," tanging sagot ko.

Ewan ko. Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko kung sino ang mga natitipuhan ko. Wala rin namang pake si Gail sa mga lalaki, mas focus niya pa ang pag-aaral keysa sa lalaki. Tiyaka, umaasa na rin siya na may isang lalaking nakalaan sakaniya, chinese tradition.

"Hay nako! Hindi na nga kami magkasama ni kuya sa isang university, nacocompare pa siya sa akin sa bahay!" Wika ni Gail habang nagliligpit kami ng mga gamit namin.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi sa SLU pumasok si Gail. She hates comparison, who would love comparison?

Lalo na yung kuya niya ay nakagraduate ng Magna Cum Laude sa pre-med. Magkabatch sila ni kuya at magkablock din.

"Nakakainis pa yung isa naming tita na wala raw akong panama kay kuya kahit na mag magna cum laude ako ngayon! Kasi mas mataas ang SLU keysa sa UB, duh!" Maarteng rant sa akin ni Gail.

Naikuwento rin kasi sakin ni Gail na may isang tita siya na hindi kasundo. Masyado raw itong masungit at maldita. Kung pagbabasehan ko sa kuwento niya, magkaugali sila kaya siguro hindi magkasundo.

"Wala rin naman kasi sa ranking ng school iyan. And at the end of the day, kapag naging doctor na. Skills ang pinakaimportante," sagot ko sakaniya. Tumango-tango siya dahil sa sinabi ko.

"Tama! You're right. You know what, tell that to my aunt na pinaglihi sa sama ng loob," she rolled her eyes. Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Dapat nga BS Biology ang pre-med ni Gail kaso nga lang iyon na ang kinuhang kurso ng kuya niya. Kaya nursing na ang kinuha niyang course. Because she hate so much kapag kino-compare siya sa kuya niya. They are really close that's why she hate it when they're comparing them.

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now