Chapter 30

7.3K 195 244
                                    

Chapter 30

"What?!" Gulat na tanong ko sakaniya. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. 

What did he just say? 

"I said-" I cut him off. 

"You know what, you can forget someone without using anyone!" Hindi ko alam kung bakit na-offend ako sa sinabi niya. 

Hindi porket may gusto pa ako sakaniya ay pwede niya akong gamitin para makalimutan si Gail! 

"No. That was not what I meant." marahan na sabi niya. Tila ba nastress dahil mali ang pagka-interpret ko. 

"I mean, how can I say this?" Hirap na sabi pa niya "Help me to forget her, don't update me anymore about her. She left me dumbfounded." seryosong sabi niya pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ako. 

"She has a valid reason to do that." Pagtatanggol ko sa kaibigan ko. 

"Even so," desididong wika niya sa akin "Even if she has a valid reason, it's not right to leave someone with so many question on his or her head. Nobody deserves to be treated like that, nobody deserves to be ghosted by someone they like." Depensa niya. 

Napaiwas ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Bawat salitang binibigkas niya ay galing sa puso niya that made his words right. He's right, nobody deserves to be treated like that, to be left with so many questions running on your heads, to be left asking what did you do wrong, why he or she did that. 

"And yet, you don't have the right to use someone for you to move on with your past." Sagot ko nalang sakaniya. 

"You avoided me ever since I courted Gail. You avoided me more when she said yes. I wonder why?" Hirap akong lumunok sa tanong niya "Look, I made you my friend because I can see something good in you that we can be friends." Right, friends. Hanggang doon lang. 

"I didn't avoid you." Pagdedeny ko pa kahit halata na niya iyon. 

"Yeah right," tamad siyang tumango na para bang napipilitang um-agree sa sinabi ko "Can we be friends now? Just like before?" He ask. 

"We're still friends." Which is true. Nawala ba iyon? 

"How can you say you're my friend when you muted me on twitter?" Farmer ba siya? Hindi pa siya tapos doon? 

"I didn't." Pagdedeny ko ulit. Parang ilang beses ko nang dineny ang totoo sakaniya pero tamad lang siyang tumango. 

"If you say so." Kibit-balikat na sabi pa niya. 

Dalawang linggo ang lumipas simula nung graduation namin at simula rin nung nawalan na ng paramdam sa amin si Gail. Nagtatanungan kami lagi ni Iverson kung nagparamdam na ba si Gail sa isa samin pero hindi pa. 

At sa dalawang linggo na iyon, Jonas and I started communicating. Dahil siguro bakasyon namin halos oras-oras kaming magkachat. Ewan ko ba, hindi kami nauubusan ng topic. Maybe because I'm interested with him kaya hindi ako nauubusan ng topic. Siya rin naman hindi nauubusan ng topic ang pinagkaiba nga lang namin, he's not interested in me. 

Wala ngayon si Papa dahil nasa trabaho, samantalang si Mama naman ay nakina kuya Nathan, aalis daw kasi sila ngayon ni tita. Kaya ako lang mag-isa sa bahay ngayon. 

A typical me, naka on ang TV pero nagbobrowse ako sa social media. Ewan ko ba kung bakit sinisindihan ko pa ang TV kahit hindi ako nanonood, siguro para hindi ko mafeel na alone ako. Minsan nga nagpapasound na ako sa cellphone ko pero nakasindi pa rin ang TV, weird ko minsan. 

@jonastan: i'm outside. 

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? Tiningnan ko agad ang suot ko, shorts and yung shirt na pang P.E namin sa SLU. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now