Chapter 24

6.4K 245 97
                                    

Chapter 24

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Iverson dahil may batang nakabunggo sa isang babae sa may gilid namin na nakakuha ng buong atensiyon ko. 

Kaagad kaming napatayo ni Iverson dahil sa nangyari, nilayo ni Iverson ang bata pagkatapos ay inalalayan ko ang babae. Mabuti nalang at hindi natapunan ng McCoffee ang batang lalaki! 

"Hey, babe. I'm sorry, are you okay?" Tanong ng babae sa batang lalaki. Agad na tumango ang bata na mukhang gulat pa sa nangyari. 

"Yes po, tita." Napabuntong hininga ako ng marinig ang bata. 

"I told you to wait there." Sabi ng babae tiyaka nilagay ang tray sa isang bakanteng lamesa. Yung McCoffee lang naman ang natapon kaya may pagkain pa sila sa tray. 

Napatingin ako sa batang lalaki ng mapansin kong pamilyar ang mukha niya. Lalong kumunot ang noo ko dahil pamilyar talaga ang mukha niya, hindi ko alam kung dahil may kamukha siya o nakasalubong ko na siya dati. 

"Are you really okay?" Lumuhod pa yung babae para matingnan kung okay lang ba ang bata. 

"Yes tita, don't worry po. And I'm sorry po." Ang cute! 

"Dianna, what happened?" May isang babae naman ang lumapit ngayon na may kasamang batang babae sa kanang kamay niya habang naglalakad. 

"It was just an accident, Desiree." Sagot nang tinawag na Dianna.

"Mommy!" Sigaw ng batang lalaki tiyaka tumakbo doon sa babae. Pinansin ko ang dalawang bata at wala namang ganon pagkakaiba sa agwat nila. 

Kambal. 

Nagpasorry ang babaeng tinawag na Dianna tiyaka kinuha ang tray, lumapit sa babae kasama yung dalawang bata. Nagtawag din siya ng crew para linisin ang nasa gilid ng mesa namin, naghingi rin siya ng paumanhin sa crew dahil sa abala. 

"Pamilyar talaga yung features ng lalaki sa akin," sabi ko kay Iverson habang dahan-dahan umupo. "Pati yung batang babae. Kambal sila no?" Iniisip ko pa rin kung saan ko ba nakita iyong ganong mukha pero nagkibit-balikat nalang ako "Maybe I saw them once on the hospital." Sagot ko nalang sa sarili ko "Anyway, what did you just say earlier? Hindi ko kasi masyadong narinig e." 

"Ah wala. Sabi ko kumain ka na." Napa-make face ako sa sinabi niya dahil hindi naman ata ganon eh. Pero kumain nalang ako kagaya nung sinabi niya. 

Ganon lang kabilis ang araw. February na, meaning Panagbenga at Prelims na. Last day of prelims ang araw ng mga puso. 

"Hassle sa traffic! Nagsisidatingan na mga turista!" Agad na ranta ni Gail sa amin pagkapasok niya palang niya sa headquarters. Mamaya pa pa kasing Eight o'clock ang duty namin pero nandito na kami ng seven dahil baka maipit pa kami sa traffic. 

"Mabuti nga hindi ka late." wika ko sakaniya. Umupo siya sa upuan niya madalas dito tiyaka naglapag ng gamit. 

"Kung mamaya pa siguro ako baka late na! Ang traffic sa town! May mga turista na tapos rush hour pa!" Napailing nalang ako habang nakangiti dahil sanay na ako sa mga ranta ni Gail. 

"Kumusta naman ang progress ng research natin diyan?" Tanong ni Gail kay Iverson na ngayon ay seryosong nakatingin sa laptop. Pinoproof read niya yung gawa namin. 

"It's better than yesterday.” Sarkastikong wika ni Iverson. Nag peace sign lang si Gail dahil hindi niya nagawa ang kalahati sa parts niya at si Iverson ang umako roon. 

"Ayos lang mahilig ka naman sumalo." Natatawang sabi ni Gail. Napataas ang kilay ni Iverson tiyaka nailing. Nagtaka ako sa reaksiyon niya dahil alam kong wala naman ibang kahulugan ang sinabi ni Gail. "Oh? Bakit ganyan reaksiyon mo? May masama ba sa sinabi ko?" Inosenteng tanong ni Gail. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now