Chapter 21

6.8K 231 103
                                    

Chapter 21

"Ano? Punta ba tayo?" Tanong ko kay Gail habang palabas na kami ng hospital. Kakatapos lamg kasi ng duty namin. 

Nakikinig lang sa amin si Iver habang tinatanong ko si Gail na mukhang pagod na sa duty. Sa ER kasi siya na-assign ngayon. 

"Kailan ba? Nakalimutan ko na kasi yung date na sinabi ni Jonas." She said. Medyo napahinto ako sa sinabi niya parang nagugulat nalang ako lagi kapag nababanggit niyang magkachat sila ni Jonas kahit wala naman nakakagulat doon. 

"Sa November 28, 4PM daw. Thursday." Gusto ko talagang mapanood ng live ang Cup of Joe. Kahit na hindi kami nagcecelebrate ng pasko, pupunta lang ako para sa Cup of Joe, after non pwede na ako umuwi. 

"May duty tayo." Singit agad ni Iverson sa amin. Tumingin kami sakaniya. Naglalakad kami ngayon sa parking-an dahil hahatid kami ni Iverson. 

"Huh? Pwede naman palipat ng 6AM sa duty." Depensa ko kay Iverson. Nakita namin ang kotse niya kaya sabay-sabay kaming pumasok doon. 

"How about your subjects after duty?" He asked bago in-start ang kotse. 

"I can skip." Pabulong na wika ko. Humarap siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. 

Hello? Graduating na ako, ngayon lang ako mag skip ng class. Kahit nga minor subjects lang noon pinapasukan ko eh. 

"Wow! Kakagulat ka gorl!" Singit ni Gail sa likuran kaya kaagad akong napatingin sakaniya. "Crush na crush mo yung Louisian na med ah?" Masayang wika niya dahil parang achivement na magca-cut ako ng class.

"Ano? Tara na?" I asked her. Siya lang ang pag-asa ko dahil mukhang wala naman balak sumama si Iverson. 

"Hindi ko sure eh," malungkot na sabi niya "Baka bumaba kami ulit sa November twenty-seven. May sakit kasi si lolo." Dagdag pa niya. 

"Edi absent ka ulit?" Nag-aalalang wika ko. Tumango siya. 

"Oo. Baka sa Sunday nalang ulit kami umakyat non." Napatango ako tiyaka napanguso. Kung wala pala akong kasama edi ako nalang mag-isa? 

Charot. Nakakahiya naman at hindi ako Lousian. 

"Malapit na Finals natin, second week of December." Pagpaalala ko sakaniya. Baka kasi makaligtaan niya sa sobrang busy niya. 

"Nope. Nagbabasa ako kapag nagbabantay sa hospital. No worries, narereview rin ako ni kuya and Jonas." Ngumiti siya sa akin. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. 

"Ni Jonas?" Paninigurado ko. Tumango siya sa akin habang nakangiti. 

"Yup. He's video chatting me to review me." Masayang sabi niya sa akin. Dahan-dahan akong napatango. 

Why would I think he's only doing it for me? 

Dumeretso ang tingin ko sa dinadaanan namin. Nahahagip ng gilid ng paningin ko ang pagtingin sa akin ni Iverson pagkatapos sabihin ni Gail iyon. 

Sabi na e, dapat talaga hindi ako nag-assume. Naging friendly siya sa akin dahil kaibigan ko yung gusto niya. Kinaibigan niya ako dahil may gusto siya sa kaibigan ko. Ano pa bang hindi malinaw doon para umasa ako? 

"And besides, nandiyan din ang notes ni Iverson!" Pang-aasar ni Gail habang hawak sa kanang kamay niya ang cellphone niya, mukhang may ka-chat. Maybe it was Jonas. 

Tahimik lang ako buong biyahe simula nung in-open ni Gail iyon. Silang dalawa nga lang ni Iver ang maingay ngayon sa kotse. 

Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba na ako tiyaka nagpaalam sa kanilang dalawa. Bigla akong nawala sa mood dahil don o baka malapit lang dumating ang period ko. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now