Chapter 14

6.5K 286 146
                                    

Chapter 14

Sa oras na ito, alam kong ang score na tinitingnan ko ngayon ang magdidikta kung aasa pa ba ako o hindi na. Pero kagaya ng sabi nila, mapaglaro nga ang tadhana. Bagsak balikat akong tumingin kay Gail na ngayon ay malungkot din dahil sa resulta. 

SEA: 73

SAMCIS: 75

"B-R-A-V-O TEKNO-KOMERSIYO!" Malakas na sigawan ng nasa kabilang banda.  

"Bravo tekno, tekno-komersyo~" They even sing their cheer nung bleachers cheer competition. 

"Aww. Sad ang baby ko." Nakangusong wika ni Gail sa akin. Tiningnan ko naman ngayon ang mga players na nagkakamayan, masayang-masaya ang mga nakasuot na jersey na dilaw. 

"Tara na." Anyaya ni Iver sa amin bago pa mapuno ng estudyante ang exit. Agad akong tumayo tiyaka hinila si Gail na mukhang gusto pang magluksa keysa sa crush niya na natalo. 

"Last game niya nalang ngayon, graduating na siya." Maiyak-iyak na wika pa niya. Napailing nalang ako dahil masyado talaga siyang attach sa crush niya.

May mga kaibigan kasi talaga tayo na akala nila jowa nila ang mga crush nila. 

"Wait lang! CR lang ako!" Sabi niya nang madaanan namin ang rest room. Hinintay ko nalang siya sa labas dahil mukhang maraming estudyante ang mga magrerest room. 

"You okay?" Tanong ni Iver sa tabi ko. Tipid akong ngumiti sakaniya. "You really like him, huh." He hissed. 

"Kagusto-gusto naman kasi siya." I defended. 

Ewan ko ba, kapag kasi ngumingiti si Jonas mayroon kung ano sa mga ngiti niya na nagpapangiti sa akin. Kapag tumawa siya, parang ang sayang pagmasdan ng bawat halakhak niya. Ang dali niyang makahatak ng emosyon. 

And he is really caring. Lagi niyang papaalalahanan na kumain at magpahinga rin minsan. Huwag puro school works para hindi madrain ang utak. At para raw marami pang energy sa med school. 

"But he already like someone else." Marahan na wika ni Iver. Tila maingat niya itong sinabi para hindi ako masaktan o ma-offend. 

"Ewan ko? Go with the flow nalang," kibit-balikat na sabi ko "Sabi kasi nila, kapag iniwasan mo ang isang taong gusto mo para makalimot, lalong hindi mo lang siya makakalimutan." umiling siya sa sinabi ko. 

"Kaya mas gugustuhin mong nasa tabi niya?" He asked "Huwag kang magpapaniwala sa mga sabi-sabi. Hindi ba kapag kasama mo siya lalo kalang mahuhulog sakaniya? Hindi mo maiiwasan na bigyang kahulugan ang mga pinapakita niya sa'yo kahit na wala naman talaga ito para sakaniya?" Bahagya akong napaisip sa sinabi niya. 

Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko ngayon. At wala akong masyadong oras para i-over think pa iyon. Graduating student na kami, wala akong oras para sa ibang bagay. Baka mawala pa ang pinaghirapan ko sa loob ng tatlong taon para sa isang bagay na walang kasiguraduhan. 

"Huy! Seryoso ng pinag-uusapan natin diyan ah? Share niyo naman!" Bahagya akong napatalon ng sumulpot na si Gail sa tabi namin. 

"Nag-uusap lang kami sa research natin, baka gusto mo ng tumulong?" Sarkastikong wika sakaniya ni Iver tiyaka naunang naglakad ulit sa amin. Ang ending, nakasunod lang kami sakaniya. 

Sinuot na ni Gail ang coat niya dahil malamig na. Eight thirty na natapos ang game. Habang pababa kami ng hagdan, kasabayan ang mga estudyanteng kakatapos lang manood na mukhang hindi pa nakakamove on dahil nagkukuwentuhan pa sila. 

Hindi ko alam kung bakit pinagkukuwentuhan pa nila e pare-pareho naman nilang napanood? 

"Ang sungit talaga ni Iverson ngayon, pansin mo?" Bahagya pa akong siniko ni Gail para bumulong sa akin. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now