Chapter 9

7K 228 82
                                    

Chapter 9

"Hoy babaita ka, ano itong nalaman ko sa iba huh?" Salubong sa akin ni Gail sa classroom, mamaya pa yung duty namin. Sabay din kaming naglakad ni Jonas kanina since dadaanan naman niya ang UB papunta sa SLU hospital. 

Umupo muna ako tiyaka inayos bag ko sa upuan. Pagkatapos ay sinara ko ang black na hoodie na suot ko. Malamig ngayon, lalo na't umaga. 

"Ano?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang nabalitaan niya. Kahit nga siguro mag-Manila siya next year, masasagap niya pa rin ang balita sa Baguio. 

"May nakakita sa'yo sa labas ng amper, may kasama kang gwapong Louisian!" Akala ko naman kung ano ang sinasabi niya "Siya ba ang nag-uwi sayo? Tiyaka sa SOM iyon ah? Iyon ba ang crush mo?" Dagdag na tanong niya pa. 

"Jonas Lorenzo Tan. Kaibigan ni kuya Nathan." Sagot ko sakaniya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na crush ko siya dahil ako ang magsisilbing tulay ng love story nila. 

Masakit iyon ah. 

"Ay teka. Familiar yung surname! At name?" Natigilan pa siya para mag-isip "Ah! Siya iyong kinausap ko noon kung alam niya saan banda ang building ng mga SEA!" 

"Yeah, naikuwento ka nga niya sa akin." Tamad na wika ko. 

"Teka lang! Kilala niya ako?" She pointed herself. Bahagya akong nagising para humanap ng salitang pwedeng idahilan! 

"Ah oo. Nakita niya yung mga IG story ko." I lied. Hindi ko pa nga siya nakikitang mag view sa IG story ko. 

"Oh I see. Tan. Chinese. Tan. Shet?" Bigla ulit siyang natauhan nang may naalala siya "One of the most powerful and one of the wealthiest family?" Namilog pa ang mata niya. 

"Yeah, you can say that." Tamad na sagot ko sakaniya. 

"Gwapo sana kaso mas attracted ako sa mga SEA." She pouted. 

Napatingin kami nang pumasok si Iverson. Muntik na siyang malate. Stress nanaman siguro kay Averianne. 

"Bakit ikaw na ang naghahatid ngayon kay Averianne?" Tanong ni Gail. May driver kasi sila at iyon ang naghahatid kay Averianne. 

"Nag-off yung driver namin. Umuwi sa probinsiya nila, namatayan" sagot ni Iverson sa akin bago binuklat ang libro niya. 

Nagsimula na rin ang klase namin. Pati narin ang duty namin. Syempre wala nang mas nakakapagod pa sa pagiging nurse. Biruin mo may papasukan ka na subject sa school tapos maliksi kapa dapat kumilos sa ER. 

Nag-unat ako ng kamay at batok habang papasok ako sa headquarters namin. Hihintayin ko na rito ang dalawa. Mukhang hindi pa sila tapos sa ginagawa nila. 

Kinuha ko ang cellphone ko para makapaglibang at makibalita kung ano nang nangyayari sa socmed world. Pagka-open ko palang ng data ko ay nag pop up na ang message ni Jonas. 

@jonastan: hey. Done duty? Don't forget to drink water. Stay hydrated. 

Tss. May shinare pa naman ako noon sa facebook na stay hydrated is the new I love you pero mukhang hindi ganon kay Jonas. 

@daisheen: yup duty done. 

@daisheen: just waiting for Gail and Iverson :) 

@jonastan: we're not yet done :( 

@daisheen: why? 

@jonastan: may biglang pinagawang paper ang prof namin tungkol sa corona virus. 

@jonastan: overtime with Nathan. 

Bago pa ako makapagreply kay Jonas ay nagtext na si kuya Nathan sa akin. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now