Chapter 12

6.7K 246 103
                                    

Chapter 12

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang at naka coat ako ngayon kaya hindi ko masyadong inaalintana ang lamig. Nasa kalagitanaan kami ng assumption road pabalik sa General Luna kung saan nakapark ang sasakyan niya nang sinabi niya iyon. 

"Wh-what?" Kunwari ay hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin. Nandito kami ngayon sa side walk. 

"That guy," he even pointed his finger as if Jonas was there. "Jonas, he's the one you're referring to right?" 

Nagpakawala ako ng pilit na tawa, I want to deny his accusation! 

"Huy! Hindi iyon no. Ang daming med students sa SLU, hello?" Kunwari ay natatawa ako dahil nagsabi siya ng kahibangan pero ramdam ko sa tawa ko ang kaba. 

I love how Iverson's being an observant person but not until now. 

"Don't lie. Don't deny." Seryoso ang mukha niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. 

I feel unease with his stare. 

Napasulyap ako sa mga sasakyan na dumadaan ngayon sa assumption. Should I tell him the truth or should I justify my lie earlier? 

"Daisheen," banggit niya sa pangalan ko na para bang winawarning-an niya ako na huwag magsinungaling sakaniya. 

"Yes, you're right." Hirap akong lumunok pagkatapos kong sinabi iyon. 

"Did you set a date for them?" Dagdag na tanong pa niya. Bakit ba ang talino nito? Nakakainis. 

"He asked for my help." Mahinang pagdadahilan ko. 

"You can say no," he paused. "Sometimes, we need to learn how to say no to save ourselves from pain." He added.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya, pwede akong humindi pero pumayag pa rin ako. 

"Do you like someone right?" Siya ngayon ang natigilan sa sinabi ko. Lumandas pa ang takot sa mga mata niya. "Don't worry, I won't ask who she is," dagdag ko bago ko sasabihin ang talagang sasabihin ko. "Gaano mo siya kagusto?" This time he is the one who avoided my stare. Pero bumalik din sa akin pagkatapos ng ilang segundo. 

"Gustong-gusto." Sagot niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. Bahagyang kumunot ang noo ko pero pinagsa-walang bahala ko nalang ang pumasok sa isipan ko. 

"Na kahit anong request niya sa'yo, you'll always say yes right? That if that makes her happy, you'll always say yes right?" Natigilan ulit siya sa sinabi ko. Ngumiti ako ng malungkot sakaniya "That's the reason kung bakit hindi ako makahindi sakaniya. There's something on him that made me say yes." Dagdag ko bago ko siya tinalikuran. 

Nagsimula na akong maglakad. Sampung steps na ang nagawa ko pero hindi ko parin naramdaman ang presensiya niya na nakasunod sa akin. Pero nang nasa tapat na ako ng Jollibee, naramdaman ko na ang bahagyang pagtakbo niya para makahabol. 

"You're right, maybe we are made to be soft for someone we love." Bahagya pa akong natigilan dahil sa sinabi niya kaya siya naman ngayon ang nauuna sa paglakad. 

Sinundan ko agad siya ng mahimasmasan ako. Ang lalim naman ng pinaghuhugutan niya. Gusto ko man siyang tanungin pero parang ayaw niya pang sabihin ngayon. 

Always remember that, even if he or she is your best friend you must respect his privacy. 

Pumasok na ako sa front seat ng kotse niya. Tahimik niya lang pinaandar iyon. Alas otso na, tatlong oras din pala kami sa porta. Pero traffic pa rin dahil rush hour. 

Dahil tahimik naman si Iverson na nagdadrive, kinuha ko nalang yung cellphone ko para mag browse sa social media. Nakita ko naman yung post ng kaklase ko nung high school na Louisian. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now