Chapter 11

6.7K 254 61
                                    

Chapter 11 

Dumating na ang order namin. May iilan na rin kaming nakitang RRL ni Iver, sinave na namin iyon para hindi na namin hanapin pa. Mamaya, itatransfer ko sa laptop ang mga naresearch namin para hindi ma-full ang phone ko. 

“So magkabatch kayo nina kuya?” Tanong ni Gail kay Jonas. Marahan na tumango si Jonas habang inaayos namin ang mga pagkain sa lamesa. 

Me and Gail took a photo with it. In-snap pa nga namin sa isa’t-isa para hindi mawala ang sticker namin. Umabot na nga ng sa isang libo ang sticker namin sa snapchat. 

“Yes,” marahan na sagot ni Jonas. Nagsimula na lang akong kumain, hindi na ako nakisali sa usapan nila. Samantalang si Iver naman ay nagmamasid lang sa aming tatlo. Hindi naman din siya madaldal kaya hindi na ako nagtaka. 

“Wow, so graduating na kayo niyan!” Masayang sabi sakaniya ni Gail. Mabuti nalang at medyo kumportable sila sa isa’t-isa kaya siguro hindi na kakailanganin ni Jonas ang tulong ko. 

“Yup, but we need to take the post graduate internship then review for board exam then board exam.” Tumango-tango si Gail sa sagot ni Jonas. 

“But what made your heart pursue doctor?” curious na tanong ni Gail habang kumakain kami. 

“My dad is a doctor,” kibit-balikat na sabi ni Jonas “We also own a hospital. When I was a kid my dad used to bring me to the hospital almost everyday and that inspired me to become a doctor,” wow. They also own a hospital. 

“How about your mom?” medyo naiilang na tanong ni Gail dahil baka hindi sila okay ng mom niya. 

“My mom is a lawyer,” napataas ang kilay ko sa sinabi niya. He didn’t mention his family to me. Sabagay, hindi naman ako nagtatanong at isa pa, bakit niya sasabihin sa akin?

“Wow! How come you didn’t take law?” oo nga, buti hindi siya nag law? Magaling pa naman siyang humanap ng loop holes sa kuwento at kaagad siyang may naiisip na paraan para ron. 

“I don’t know? Maybe mom didn’t bring me to court.” He chuckled and that makes Gail chuckle too. 

“How about you? Why?” Napanguso si Gail bago sumagot. 

“When I was a kid, I really want to become a business woman, you know Chinese genes,” she chuckle “Pero nung nag high school ako, naadik ako sa mga medical drama ng korean kaya ayon, tapos it runs on our blood nalang din siguro.” Kibit-balikat na dagdag niya. 

“How about you, Daisheen?” Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko, akala ko hindi na nila kami napansin dito. 

“It runs on the blood,” simpleng sagot ko “Most of my relatives on my father side are health workers.” tanging sabi ko. Which is true. 

“Ask Iver.” wika ni Gail na excited pa. Parang hindi ganon kalalim yung dahilan kung bakit namin pangarap maging doctor. 

Pero kahit gaano pa kababaw o kalalim ang rason, it is still a dream. A dream we will touch someday.

“Why do you want to become a doctor, dude?” Jonas ask. Napabuntong hininga si Iver bago sumagot.

“To save lives,” simpleng sagot niya pero bahagyang natigilan si Jonas, ganyan din ang reaction namin ni Gail nung sinabi niya sa amin iyon. 

“Nice, that's deep,” Jonas commented somehow amazed by Iver.

“It’s not deep. Doctor’s function is to save lives so I don’t think that so deep?” Nagtatakang tanong ni Iver “Even a child knew that a doctor tend to save people lives.” He added. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now