Chapter 31

6.6K 184 227
                                    

Chapter 31

Natigilan ako sa sinabi niya pero agad akong nag-iwas ng tingin. Deretso lang ang tingin ko sa mga punong natatakpan ngayon ng fog.

"You don't like me, you just like my presence." Wika ko sakaniya.

It's been what? Three months? Three months since I saw how wasted he is and now he's telling me he likes me?

"I already know you'll answer that." May halong pait na wika niya "But let me prove it to you," punong-puno ng sensiridad na sabi niya.

"I really don't know what to say now." I honestly said.

Hindi porket soft ako sakaniya, bibigay na agad ako. Hindi ko ng alam kung anong meron sa amin sa mga nakalipas na buwan, he's sweet. Really. Minsan nga hindi ko na nakakasama si Iverson dahil kasama ko si Jonas.

T'wing kasama ko naman si Jonas, dumidistansiya lagi sa akin si Iverson. Ewan ko kung nawala lang 'yong bond talaga naming tatlo nina Gail or dumidistansiya talaga sa akin si Iverson. Nagkakasama na lang kami kapag related sa school works ang pinag-uusapan.

"It's okay, I won't pressure you." He assured me.

Just like that. Jonas become extra sweet. Ever since that day, his effort was priceless. Sasamahan niya akong magreview kahit inuumaga na, he also make sure I have enough sleep. Tinuturuan niya ako, hatid-sundo. Food trip buddy. He always lightens up my mood.

Kahit pagod sa med-school, naging siya ang pahinga, lahat ng pagod at stress nawawala kapag nandiyan na siya.

"Wala si Jonas?" Naglalakad kami ngayon ni Iverson papunta sa Louisian Cafe. Gusto ko ng turon e.

"May duty pa siya. Hanggang mamayang seven." Nagbago kasi ang duty niya ngayong October.

"Hanggang five lang tayo ah? Hintayin mo siya?" He carefully asked. Umiling ako.

"Hindi na. Pinapauwi niya na rin ako para makapagpahinga." Sagot ko sakaniya. Ano naman kasing gagawin ko sa school o sa hospital sa dalawang oras?

"Hatid na kita." He offered. Tumango ako, namiss ko na rin ang kotse ni Iverson. Ilang buwan na akong hindi nakakasakay roon.

"Huy!" Nagulat naman ako ng biglang pumagitna sa amin si Addie.

Addie became one of my close friends in med school. Hindi niya rin daw in-expect na sa SLU siya magmemed. Naging magkaka-block pa kami kaya kami ang unang nag-uusap tatlo sa noong pasukan.

"May quiz daw mamaya?" Tanong niya sa amin. Sumabay na rin siya papuntang Lousian Cafe.

"Hindi pa sure." Sagot ko habang papasok na kami sa cafe.

Alas tres na pero syempre malamig pa rin. Summer lang ata mainit dito sa Baguio. Super foggy pa.

Umupo na kami, si Iverson na ang bumili sa amin, syempre nagbigay kami ng pera ni Addie. Nilagay ni Addie ang dalawang kamay niya sa baba niya tiyaka tumingin sa akin.

"Alam mo kung wala ka lang jowa ngayon, iisipin ko na may gusto sa'yo si Iverson." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wala akong jowa."

"We? E anong meron sa inyo ni Jonas? Fling? Ano tayo? High school? High school nga nagseseryoso na tapos kayo fling?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

"Hindi nga kami magjowa."

"Eh ano? Kayo? Ay don't tell me, wala kayong label?" Gulat na tanong niya "But he looks serious naman tho, but he didn't give you a label? Wait, ikaw yung magbibigay dapat ng label. Ikaw yung babae." Madaldal talaga si Addie, nasanay na rin ako sa kadaldalan niya simula nung August.

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon