Epilogue

1.4K 136 52
                                    


EPILOGUE

10 YEARS LATER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

10 YEARS LATER...

"One question, sir!"  Nagtaas ng kamay ang isang estudyante.  "So, nabuhay po ba 'yung leading lady or hindi?"

Umalingawngaw ang bulungan sa loob ng classroom. Ang mga estudyante, which are sitting on their respective seats, ay mukhang nagtataka at interesadong nakikinig. 

Professor Mikhel who stands in front of the class, folded his arms against his chest. His manly features are so appealing, that even the female students admire— or secretly have a crush on— him.

"Well, that's your assignment for today,"  the prof said.  "Kayo ang maglalagay ng ending sa kinuwento kong story. In one whole yellow pad, make your own ending chapter. Essay format and in English. Ipapasa ninyo sa akin 'yan sa Monday."

"AAAWWW, ano ba iyan?"

"Haysh! Homework na naman!"

"Sir, bitin naman eh!"

"Tapusin n'yo iyung story, sir! Bitin!"

The students groaned in disappointment. Marami sa kanila ang nagreklamo at umingay ang kanilang mga daing sa loob ng silid aralan.

Prof. Mikhel stood firm on his feet, facing his students with blanked face.   "Class, settle down! If you have questions, you're free to ask. Kung wala naman, pwede na kayong mag-dismiss."

"Sir, last question!"  At isa muling estudyante ang nagtaas ng kamay.   "Nanatili pa rin po bang Atheist 'yung leading man or tuluyan na siyang nagbago at naniwala kay God?"

"Well, duh? Siyempre nanampalataya na 'yung leading man,"   sagot ng estudyanteng ka-seatmate nito.   "Hindi ba't in-imply na ni sir na... Jesus answered the leading man's big question in the story? 'Matik na doon pa lang ay nag-start na ang kaniyang pananalig sa Diyos. Hindi po ba, sir?"

Hindi sumagot si Prof. Mikhel, bagkus ay ngumisi lang ito at nagtaas ng kilay.

"Eh, sir! Ano nga pong nangyari do'n sa leading lady? Curious po talaga kami eh!"  hirit naman ng isa pang estudyante sa klase.

Sumang-ayon ang iba at tumango ang mga ito.  "Oo nga, sir! Tapusin n'yo na 'yung kwento, sir!"

Umiling ang prof at bahagyang inayos ang eyeglasses nito.  "I don't want to spoil the ending. Siguro 'pag naipasa n'yo na sa akin ang mga assignments ninyo, saka ko ire-reveal ang ending."

Say That You BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon