Simula

15.6K 327 20
                                    

Simula

Mantener el honor de la familia.

Keep the family honor.

Tiningnan niya ang tattoo sa kanyang dibdib na nasa ilalim ng kanyang dogtag. Ito ang laging sinasabi ng mga nakakatandang Querio sa kanilang magkakapatid simula pagkabata. They were always prim and proper at times. Ni isang gulo, wala silang kinasangkutan kahit noong nasa panahon ng pagbibinata.

Well, siguro kung meron man ay agad nilang nilulusutan bago pa ito malaman ng kanilang mga magulang. Bata pa lamang ay nakasulat na agad ang kanilang mga kapalaran. Nakatakda na agad silang humawak ng baril at magsilbi sa bayan.

Hinubad rin niya ang kanyang cargo shorts ng sa ganoon ay makita ang isnag sugat na nakuha niya sa isang engkwentro, ilang oras lamang ang nakakalipas. Nadaplisan siya ng bala sa pagtulong sa isang hostage crisis sa kanyang daan sa pag-uwi.

Huminga siya ng malalim at agad na sinabuyan ng alcohol ang medyo may kalalimang sugat sa kaliwang hita. He bit his lower lip sa pag-inda ng sakit noon. Wala na siyang oras para bumisita sa ospital dahil pinapatawag siya ng kanyang lolo sa kanilang mansyon. And he can't be late.

That wasn't an order of a grandfather to his grandson.

It was an order of the General to his subordinate.

Matapos masiguradong malinis iyon ay iniabot niya ang isang puting panyo at iginapos ito sa kanyang hita. Ni isang ungol ay walang narinig sa kanya. Isa siya sa pinakarespetadong tao sa kanyang post. Gaya ng pangalang binigay sa kanya sa Military Academy, hindi siya natitinag. He was known as the Bulletproof Captain of the Academy.

Pagkababa pa lang niya sa kanyang flat, ay may iilang babae sa elevator ang panay ang hagod ng tingin sa kanya. Pero, hindi siya ang tipo ng lalaking naaakit sa mga babaeng nakamaikling short at may malaking dibdib. Hindi siya basta basta bumibigay sa tukso kaya nagawa niyang hindi sulyapan man lang ang mga babaeng panay ang pagpapacute sa kanya.

Sumakay siya sa kanyang kotse. Nilagay ang baril na nasa baywang sa kanyang dashboard at pinaharurot ang sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Niliko niya ito sa isang private road sa gitna ng kakahuyan.

Ilang saglit pa ay natanaw na niya ang isang kulay gintong gate. Sa taas nito ay ang leon na simbolo ng kanilang pamilya. Bumusina siya at agad ding pinagbuksan ng mga katulong. Pinagmasdan niya ang pamilyar na landscape ng bahay kung saan siya lumaki. Marami ang pinagbago pero ganoon pa rin ang pakiramdam na binibigay nito.

Naaalala niya pa kung gaano niya kaayaw na iwanan ito ilang taon na ang nakakalipas. Pero wala siyang magawa dahil alam niya sa sarili niya na kailangan niyang lumisan para harapin ang buhay sundalo.

Nang makababa siya ay agad na lumabas ang isang babae sa terasa ng bahay. May malaki itong ngisi at agad na tumungo sa pintuan para malapitan siya.

"Anak," she greeted him with a hug. Hinayaan naman niya ang kanyang ina sa ginawa nito, bagkus ay niyakap niya rin ito.

"Nasa loob na ang mga Lolo mo." bulong ng kanyang ina.

Sinabayan siya ng kanyang ina sa pagpasok sa bahay. Nasa salas ang mga matatandang kalakihan ng kanilang pamilya, handa na para salubungin siya. Binaba niya ang bag at sumauldo sa mga ito. Tumayo ang kanyang Lolo para ibalik ang saludo.

"Maupo ka, Kristoff." Anito.

"Sir. Yes, Sir." Sagot niya at agad na umupo.

"Kamusta ang kalahating taon na pagkakadestino sa Cebu?" tanong ng kanyang Lolo.

"Maayos po, General." Sagot niya, nakaupo na akala mo ay nasa serbisyo pa din.

"Siguro ay nagtataka ka kung bakit kita pinatawag habang ikaw ay nasa sa iyong bakasyon." Sabi ng matanda.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now