Kabanata 43

4.5K 204 16
                                    

Kabanata 43

At gaya ng kahilingan niya, isang linggo na hindi umuwi si Kristoff. Nakaupo siya ngayon sa duyan na nasa labas ng bahay at pinagmamasdan ang maaliwalas na langit.

Iniisip niya ang mga nangyayari na siguro sa Manila. Hindi rin kasi niya alam ang lugar kung nasaan siya. Basta ang alam niya lang, malapit ito sa isang parola.

Bumangon siya para pagmasdan ang paligid. Puno iyon ng armadong lalaki. Mahihirapan siya. Kaya niyang patumbahin ang tatlo doon pero ang ganito karami ay hindi niya kakayanin.

Matinding palaisipan kung bakit siya tinatago ni Kristoff dito. Kung tutuusin, wala naman siyang matinong pakinabang sa binata para lumaki ng ganito ang interes nito sa kanya.

"Ma'am. Uminom po muna kayo ng mango shake. Naparami po ang ani ni tatay kaya gumawa po ako."

Nilingon niya si Sarah na may bitbit na mango shake. Ngumiti siya at tumango rito. Nilapag ng dalaga ang mango shake sa isang kawayang mesa doon.

Umupo ito sa upuang naroon. Kinuha naman ni Olivia ang mango shake at ininom iyon. Matamis iyon at puro. Napathumbs up naman siya sa dalaga na ikinangiti nito.

Doon ay natitigan niya ng malapitan si Sarah. Maganda ito. Morena at balingkinita ang katawan. Mahahaba ang pilik nito at may freckles ang maliit ng mukha.

"Ilang taon ka na, Sarah?" tanong niya.

"Nineteen po, Ma'am." Ngiti niya.

"Huwag mo na akong tawagin na, Ma'am. Hindi naman pala masyadong nalalayo ang edad natin."

Humigop ulit siya sa shake. Ang malamig na hangin mula sa dagat ay nakakarelax. Hindi masyadong mainit dahil na rin sa lilim ng puno.

"Bakit hindi po kayo maligo, Ma'am? Maganda ang panahon at hindi masyadong maalon sa dagat." Suhestiyon ni Sarah.

Umiling si Olivia. Yeah, nakakaenganyo ang dagat.

"Hindi ako marunong lumangoy." Pagdadahilan niya.

Tumango si Sarah at hindi na nagtanong pa. Umihip ulit ang malamig na simoy ng hangin.

"Uh... Olivia," nag-aalinlangang sabi ni Sarah.

Ngumisi naman si Olivia sa ipinakitang pagkailang ni Sarah doon. Hinalo niya ang shake habang pinipigilan ang ngiti.

"Bakit?"

Hindi sumagot si Sarah. Maya-maya pa ay umiling ito para maiwala ang usapan.

"Ano 'yon? Come on, Sarah. Paasa ka." She said.

Ngumuso si Sarah na tila pinag-iisipan ang itatanong. Naghihintay naman ang hitsura niya sa dalaga.

"Kasi..." Huminga ito ng malalim. "Kasi... Gusto ko lang sanang itanong kung kaano-ano ka ba ni Kuya Kristoff? Nagtataka lang kami nina Nanay kasi palagi ka noong kinakamusta."

Napawi ang ngiti ni Olivia. Inugoy niya ang duyan at tumango kay Sarah.

'So, palagi siyang nangangamusta? Para saan? Para mamonitor kung tatakas na ba ako?' Mura niya sa kanyang isipan.

"Ex-girlfriend niya ata ako, Sarah." Hindi niya siguradong sagot. Kumunot ang noo ni Sarah sa sagot niya.

"Ata? Hindi ka sigurado?" Tanong nito.

Nagkibit balikat si Olivia.

"Hindi ako sigurado, e. Hindi ko rin alam kung tunay ba ang pinakita niya sa akin o parte ng mga plano niya."

"Plano?"

Tumayo si Olivia at kinuha ang mango shake.

"Akin na 'to, ha? Aakyat na muna ako para maligo." Paalam niya at pumasok na sa enggrandeng bahay.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now