Kabanata 50

5.6K 211 19
                                    

Kabanata 50

Huminga siya ng malalim habang tinatanaw ang lugar kung saan naroon si Kristoff. Matataas atng talahib pero kita pa rin sa hindi kalayuan ang isang abandonadong warehouse.

Naglakad siya papunta doon at binuksan ang pintuan. Magdadapit hapon na at sumungaw doon ang kaunting liwanag dahilan para mahapyawan niya ang kabuuan ng lugar. Puro tambak ng kahoy sa loob.

Mahigpit niyang hinawakan ang dog tag na may nakaukit na pangalan ni Kristoff at humakbang papasok.

"Tao po. Nandidito na ako!" She called but no one answered.

Gumapang ang takot kay Olivia hanggang sa humakbang na naman siya ng isa pa. Dumadagundong doon kahit na ang maliit na ingay na ginagawa niya hanggang sa nakita niya ang anino ng kung sino sa likuran niya pero huli na para lingunin pa iyon dahil may panyo na tinakip agad sa bibig niya para mawalan siya ng malay.

Nagising siya ng maramdaman ang malamug na likidong pumapatak sa kanyang mukha. Minulat niya ang mata ng maramdaman ang pagiging agresibo ng pagpatak ng likido dahilan kung bakit hindi siya makahinga.

Pinunasan niya ang mukha at tiningnan ang isang lalaking nakatingin sa kanya ngayon. Malaking lalaki iyon at puro tattoo ang katawan. Tumawa naman ang isa pang kasama nito na naninigarilyo.

"Gising na pala si Miss Beautiful." Puna nito at tinapon ang sigarilyo sa kanyang paaan at tinapakan ito.

"Nasaan ako? Hindi ito ang warehouse ah?" Tanong niya. Mas maaliwalas ang lugar na ito at maliwanag kumpara sa warehouse.

"Hindi lang maganda. Matalino pa." Kumento ng lalaking may tattoo.

Hindi makagalaw ng husto si Olivia dahil nakatali na siya ngayon. Pumasok naman ang isang lalaki na may dalang tray ng pagkain. Dumiretso ito sa maliit na mesa na naroon sa gitna.

"Oh! Ayan na pala ang pagkain mo, Miss. Kumain ka muna bago tayo magkwentuhan."

"Nasaan si Kristoff? At sino sa mga Villafuerte ang amo niyo?" Tanong niya habang kinakalagan ito ng isa para makakain.

"Huwag kang masyadong mainipin, Miss. Baka mainip din ang boss namin at ipapatay ka. Ngayon, kumain ka muna bago ka namin dalahin dun sa blondie'ng hinahanap mo." Baritonong utos ng lalaki sa kanya at hinigit siya sa  mesa.

Kumulo ang sikmura niya sa amoy noon. Isang take-out mula sa isang kilalang fast food chain ang naroon at isang bottled water. Hindi na siya nakipagtalo pa at kinain iyon.

Pinanonood naman siya ng tatlong bantay. Pinagmasdan niya ang paligid. Madilim iyon at ni walang bakas ng bintana. Tanging pinto lamang ang lalabasan niya kung sakali.

"Nasaan tayo?" Tanong niya pagkatapos kumain. Tinatali na ulit siya ng isa sa mga lalaki.

"Nasa ilalim ka na ng lupa. Buhay ka pa pero nasa ilalim ka na kaya walang makakarinig sa iyo at sa hiyaw blondie na iyon." Sabi noong isa.

Tama ang hula niya. Nasa isang basement sila. Pero nasaan si Kristoff.

"Dalahin niyo ako kay Kristoff. Gusto kong malaman kung buhay pa ba siya." Aniya.

Umiling ang lalaki at nagsindi ulit ng sigarilyo. Binuga nito ang usok sa mukha ni Olivia kaya napaubo ito.

"Miss, ano ang sabi ko tungkol sa pagiging mainipin? Mamaya magkikita din kayo kapag nabigyan kami ng go signal. May appointment pa kasi si blondie. Paniguradong binubugbog pa 'yun ngayon sa harap ni Boss." Proud na anunsyo noong isa.

Dumiin ang kamao ni Olivia sa narinig. Ang marinig na sinasaktan nga nila si Kristoff ay nakakapagpagalit sa kanya.

"Sarap bugbugin noon. Masyadong matibay. Biruin mo pagkatapos ng lahat ng gawin namin nakakatayo pa rin? Ibang klase kaya naman pala mataas ang katungkulan." Tawa noong isa.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now