Kabanata 20

5K 192 19
                                    

Kabanata 20

Hindi na muling nagsalita si Olivia. Natulala lang siya sa kama niya at nakatitig sa dingding habang si Kristoff ay nakaupo sa kama niya at nakatitig sa likuran ng dalaga.

She is Senator Eduardo Villafuerte's daughter? Anong nangyari?

He's too curious to stop thinking about what she said. Alam niyang hindi nagsisinungaling si Olivia. Sa maikling panahon, ay kilala na niya ang emosyon ng dalaga.

Maya maya pa ay tumaas baba ang balikat ni Olivia at rinig ang mumunting hikbi nito. Hindi na napigilan ni Kristoff ang sarili at bumangon siya para silipin ang orasan.

Alas singko y media na ng magaling araw. Bumangon siya at kinuha ang wallet niya.

"Stand up," utos niya kay Olivia.

Tumigil sa paghikbi si Olivia. Akala niya ay tulog na ang Kapitan kaya hindi siya nagdalawang isip na umiyak. Pero tila nabato siya sa kinahihigaan ng narinig ang tinig nito.

"W-What?" Nanghihinang sabi nito.

"Stand up, Olivia. Sumunod ka sa akin kung ayaw mong buhatin kita." Sabi nito muli at tinuro ang pintuan.

Hindi na nakagalaw si Olivia dahil hindi siya hinintay na makatanggi ng binata at lumabas agad sa kanilang kwarto.

Napahinga siya ng malalim at kinuha ang kanyang jacket. Nakita niya ang malapad ba likuran nito, naghihintay sa elevator.

Nagtama ang tingin nila. Minuwestra ni Kristoff na tumabi ito sa kanya. Sinara na ang pintuan ng elevator at tanging sila lang ang laman dahil halos lahat ay nagpapahinga sa oras na ito.

"Where are we going?" Tanong ni Olivia.

"Coffee." Sagot ni Kristoff.

Kumunot ang noo ni Olivia. Coffee? Sinilip niya si Kristoff na diretso ang tingin sa kawalan.

"You can grab your coffee. Bakit sinama mo pa ako?" Tanong niya.

She's drained. Mas gugustuhin na lang ni Olivia ang mahiga kaya lumabas at makihalubilo sa iba. Ito na lang kasi muli ang pagkakataon na nanaginip siya ng ganito.

"Sa tingin mo, makakaalis ako doon nang umiiyak ka?" Tanong ni Kristoff.

Bumukas ang elevator at diretso silang naglakad sa double doors. Sinalubong sila ng malamig na hangin. May ilang turista na ang gising pero tahimik pa din ang paligid.

Tumungo sila sa isang breakfast stall sa loob ng isang open restaurant.

"One Americano and one," Tumigil si Kristoff at tiningnan si Olivia. Kinagat ni Olivia ang labi niya dahil sa klase ng tingin na ibinibigay ni Kristoff sa kanya.

"Uh... One hot choco na lang." She answered.

"Yeah. And one hot choco. Please give us pancakes with chocolate toppings. That's for take out." Utos ni Kristoff sa babaeng nasa counter.

Ilang sandali ay nag-abot na ito ng paperbag. Tinanguan naman siya ni Kristoff. Sumunod siya hanggang napadpad sila sa dalampasigan.

Umupo si Kristoff sa buhangib kaya umupo na rin siya. Malamig ang simoy ng pang-umagang hangin. Unti-unti na ding lumiliwanag at tumataas ang tubig.

Kinuha niya ang hot choco at hinigop iyon dahil sa lamig. Nakasuot siya ng manipis na T-shirt, di gaya ni Kristoff na nakahoodie.

"Are you cold?" Tanong ni Kristoff nang mapansin ang sunud-sunod na paghigop nito sa kanyang inumin.

"I can handle." Sabi niya at tinitigan ang unti-unting papasikat na araw. Ngayon lamang nakakita noon si Olivia, simula ng nawala ang kanyang ina.

Hinubad ni Kristoff ang hoodie niya, now exposing his black T-shirt. Iniabot niya iyon kay Olivia pero tinitigan lamang niya iyon at umiling.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now