Kabanata 44

4.7K 195 9
                                    

Kabanata 44

Tila natauhan si Olivia at mabilis na tinulak ang binata papalayo sa kanya.

Mabilis na tumama sa mukha ni Kristoff ang palad niya at tumayo.

"Huwag na huwag mo nang uulitin ito. Lumayo ka sa akin." Aniya at naglakad na papunta sa kwarto niya.

Malakas ang kabog ng puso niya habang pinipilit na dalawin ang antok. Ang agos ng tubig mula sa malapit na dagat lang ang naririnig niya.

Kaya naman noong umaga, hirap na hirap siyang bumangon sa kama. Tatlong oras lamang ata ang naitulog niya. Nais pa niyang matulog pero nakakahiya naman kay Sarah kung magpapaasikaso pa siya.

Naligo at bumaba siya noong oras na ng agahan. Maingay ang mga ibon at marahas ang lipag ng mga kurtina sa mga bintana dulot ng hangin.

Nakasuot siya ngayon ng summer dress. Pababa siya sa hagdanan ng marinig ang ilang boses sa kusina at ang paglapat ng mga kubyertos sa pinggan.

Hindi lamang si Sarah at si Kristoff ang naroon. Mabilis siyang bumaba at bumungad sa kanya ang kumakaing si Jack kasama si Victoria.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat pero prenteng nakatingin lang ang dalawa sa kanya. Sa pagkain naman nakatuon ang atensyon ni Kristoff.

"Kumain ka na muna, Olivia." Nilahad ni Sarah ang upuan.

Umupo siya roon at agad na pinaulanan ng tanong si Victoria na humihigop ng kape.

"Iuuwi niyo na ako? Paano niyo ako nakita?" tanong niya.

Umirap si Tori sa kanya.

"Obvious ba?" Irap nito at nginuso ang banda ni Kristoff.

Sinulyapan niya ang binata na saglit na tumingin sa kanya at nag-iwas ng tingin. Kinagat niya ang labi at binalingan ang orange juice na sinalin ni Sarah.

"Dalawang araw tayong mananatili rito para sa plano. Borris would catch a flight later."

"Borris? Alam ni Borris na nadidito ako?" Tanong niya.

"Yes. We heard you tried to escape last night? How could you be so careless?" Litanya ni Tori.

Kumunot ang noo ni Olivia. So, alam nila na nandidito siya? She's confused.

"What? Wait, that man said I was being kidnapped. Natural na tatakas ako." She pointed Kristoff.

Tumaas ang kilay ni Jack sa pagtataka at nilingon si Kristoff.

"You told her that, Captain?" tanong niya. Padabog namang binaba ni Kristoff ang kubyertos at pinunasan ang gilid ng labi.

"Yeah. You think kapag sinabi ko, ay sasama siya? I used force just to bring her here."

Sa bagay. Totoo iyon. Hindi nga siya madadala ni Kristoff sa lugar na ito kahit pa anong pakiusap niya.

Nagkibit balikat si Victoria at nilingon si Olivia na naguguluhan.

"Babalik tayo sa Manila sa araw ng pagdinig. Kailangan ng mabuting plano para sa kaligtasan mo lalo na at pinapatawag ka sa kongreso." Ani Tori.

"W-What?"

"Kristoff said alam mo na ang about sa impeachment case ng presidente? We made that happen." Proud na anunsyo ni Tori.

"Tayo?"

"Yes. We cannot sue the President because of the law. We must first remove his immunity." Jack responded.

Tumikhim si Kristoff at tumayo na. Madilim ang titig nito na tumingin sa kanila.

Bulletproof (Querio Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن