Kabanata 48

5.1K 208 20
                                    

Kabanata 48

Hindi na nagreklamo pa ang mga kasamahan ni Olivia at sinunod na lamang ang gusto niya.

Inalerto ni Borris at Jack ang security. Si Bernice naman ay nanatiling doon na magpalipas ng gabi at tahimik na pinapanood ang preparasyon ng mga naroon.

"Wow. Para kayong nasa isang action film." She commented at pinagmamasdan pa din sina Borris na nasa labas at nagmemeeting.

Sinulyapan din iyon ni Olivia. Ngumiti siya ng tipid habang si Tori naman ay tahimik na nakatingin sa ilang papel.

"Yeah. Ang kaibahan, totoo ito." Pagsagot ni Olivia sa kaibigan.

"Hindi ka ba natatakot sa pwedeng mangyari, Olivia?" Tanong ni Bernice.

"Hindi mo nahahalata pero sobrang takot na takot ako." Tapat niya sa kaibigan.

Hinawakan ni Bernice ang balikat niya at masuyong ngumiti.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka pababayaan ni Kristoff kaya wala kang dapat na ikatakot."

Nag-angat ng tingin si Tori sa kanilang dalawa. Sinikop nito ang mga papel na pinagmamasdan.

"Matulog na kayo. Pupuntahan ko muna sina Borris sa baba. Good night, girls." Sinara ni Tori ang pintuan.

Sinunod iyon ni Olivia. Naghanda na siyang matulog. Alam niyang nagpadalos dalos siya pero hindi na niya kayang magsawalang kibo bago pa mabaliktad ng mga Villafuerte ang lahat.

Himala na ata na nakatulog siya sa dami ng iniisip. Nagising siya ng madaling araw at agad na naghanda para sa araw na iyon. Tumakbo siya sa malawak na garden at nagstretching pa.

Maliwanag na ng tumigil siya sa pagjojogging. Pinunasan niya ang katawan ng tuwalya bago pumasok sa bahay. Nakaupo na si Tori na busy pa din sa mga papel habang umiinom ng kape.

"Hindi ka pa din tapos diyan?" Tanong ni Olivia at nagsalin ng bagong brew na kape.

Saglit lang siyang sinulyapan ng dalaga.

"Yes. I need to finish this before your presscon. I just got a call from Kristoff..." Huminga ng malalim si Tori at hinilamos ang palad niya.

"I know, I promised him not to tell you... pero Olivia, they did scare all our possible witnesses. They play dirty. Talagang gagawin nila lahat mabaliktad lang tayo sa korte." Paliwanag ni Tori.

Natulala si Olivia. Alam niyang ito ang mangyayari.

"But do not worry, Olivia. Borris and Jack are out to talk to them. By the way, have some breakfast? Gisingin mo na din si Bernice."

Tumango si Olivia at umakyat para puntahan sa isa sa mga guest room si Bernice na tulog na tulog pa. Dahan dahan niyang tinapik ang kamay nito para magising. Ilang sandali ay nagtagumpay siya.

She smiled sweetly at her old friend.

"Rise and shine, Bernice. Breakfast?" Tanong niya.

Bumangon naman agad si Bernice at nagstretching. Umupo siya sa kama at pinanood ang kaibigan. Marami siyang gustong tanungin pero mas pinipili niyang ipagpaliban iyon hanggang sa maayos ang lahat. Naligo muna siya sa kwarto niya habang ganoon din si Bernice.

Sabay silang bumaba sa kusina kung saan naghahanda na ang isa sa mga kasambahay. Maraming pagkain doon at saka lamang siya dinalaw ng gutom. Mabilis na kumain si Tori at tumayo agad.

"May tatawagan lang ako regarding sa press conference. Maghanda na kayo after that." She instructed.

Mukhang busy ang lahat. Sa kalagitnaan ng breakfast ay dumating ang dalawang sundalo na seryoso. Nagkatinginan sila.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now