Kabanata 45

5K 209 15
                                    

Kabanata 45

Tahimik silang lahat sa hapag noong umaga. Tila ba alam na nila ang laban na kahaharapin. Tanging ang ingay lamang mula sa kubyertos ang maririnig. Mukhang ramdam din ni Sarah ang tensyon kaya hindi ito umiimik na nanonood sa kanila kumain. 

Nag-angat ng tingin si Jack sa dalaga na hawak ang pistel. Tumaas ang kilay niya sa babae. Si Olivia naman ay matamang nakatingin kay Sarah na nagsasalin na ngayon sa kanyang baso. 

"Kumain ka na ba, Sarah? Kumain ka na kasabay namin." Anyaya ni Olivia. 

Ngumiti si Sarah at umiling.

"Kumain na po ako sa bahay. Uh... Kuya Kristoff," nilingon niya si Kristoff. Tiningnan na din siya ni Kristoff. "Birthday po ni Steven ngayon. Inaanyayahan po kayo ni Nanay at Tatay sa bahay."

"Sige. Bibisita ako mamaya, Sarah. Maraming salamat." Sagot ni Kristoff. Ngumiti naman si Sarah at tiningnan din ang apat pang nasa hapag. Napansin niya ang atensyon ng mga ito ay nasa kanila. 

"Kayo din po. Sana po ay pumasyal kayo sa amin mga Sir at Ma'am." Niyaya niya ang mga ito. 

Ngumiti si Tori sa dalaga. 

"Sige ba! Gusto ko din munang mamasyal dahil aalis na tayo bukas. Asahan mo kami mamaya, Sarah. Diba? Olivia?" 

Natigilan si Olivia dahil tumingin na rin si Kristoff sa kanya. Tumikhim siya at nilipat ang tingin ay Tori. 

"Uh. Sure, sure." Sagot niya at binalik ang tingin sa pagkain. 

Pagkatapos ng pag-uusap nila kagabi, hindi alam ni Olivia kung paano niya mapapatunguhan ng maayos si Kristoff. Tila nabaliktad ang mundo sa nararamdaman niya ngayon. Parang siya pa ang may atraso sa binata. 

Natapos naman ang breakfast nila. Nagyaya si Tori sa dalampasigan. Ayaw niya sana pero mapilit ang dalaga. Ayaw naman niya maging rude kaya pumayag siya. Hindi siya nagpalit dahil sigurado naman siyang hindi siya maliligo. Doon lang siya sa malayo lalo na at hindi pa siya tuluyang gumagaling. 

Umupo siya sa isang sun lounger. Malamig ang hangin at bayolente noong inaatake ang buhok niya. Hinayaan niyang sumabog iyon. Sinandal niya ang ulo at pumikit. 

Gusto na niyang matapos ang laban niya. Masyado nang tumatagal ito at habang patagal ng patagal, lalo siyang nahihirapan. Pagkatapos nito, nais niyang magpakalayo layo. 

Naramdaman niyang may mga yabag sa buhangin na malapit sa kanya. Tumagilid siya para imulat ang mata. Nakita niya ang topless na katawan ni Kristoff. Basa ito at tila galing sa dagat. Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya at nagpretend na tulog siya.

Sa tabing sun lounger ay may tuwalya. Gamit siguro iyon ni Kristoff. Rinig niya ang pag-upo nito sa tabi niya. Maliit niyang sinilip at nakitang nakatingin sa kanya si Kristoff habang pinupunasan nito ang sarili. 

Pinikit niya muli ang mata at nagpanggap na kagigising lang niya. Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang mukha. 

"Naglangoy ka?" Tanong niya kahit obvious naman iyon. 

Tumango si Kristoff at pinunasan pa rin ang katawan. Hindi naman napigilan ni Olivia na tingnan ang mas malaki nang katawan ni Kristoff. Sa bawat galaw ng braso nito, ay mas lalong nagfiflex ang braso nito.

Pumula ang pisngi ni Olivia at tumikhim. Bumaba ang tingin niya sa abdominal muscles nito. Hindi maipagkakaila ang katigasan noon. Pero ang nakapukaw sa atensyon niya ay ang maraming marka doon na tila nagkaroon siya ng maraming sugat doon. 

"Marami kang naging assignment matapos sa mansyon?" Hindi niya maiwasang magtanong. 

Natigil naman si Kristoff sa tanong niya at tiningnan din ang katawan na tinititigan ni Olivia. Tinabunan niya iyon ng tuwalya at nagkibit-balikat.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now