Kabanata 42

4.8K 230 21
                                    

Kabanata 42

Binagtas nila Olivia ang daan papunta sa chopper. Nanginginig niyang tinawagan si Victoria sa takot na kung ano ang gagawin sa kanya ni Kristoff.

Hindi ito sumasagot sa mga tawag niya kaya wala siyang nagawa kundi ang magmura, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang binata.

Nag-iwas siya ng tingin at dinial ulit ang numero ng mga kaibigan. Tila wala namang pakialam si Kristoff na nagmamaneho.

She's scared to go with Kristoff. His agendas are remaining as a mystery to her. The memories of what happened is still haunting her. As the doctor said, she's not fully recovered of all her traumas from the accident. 

"Fuck!" She almost screamed. Nagkatinginan sila ni Kristoff sa rear view mirror. "Why am I with you? Release me and you stay away from me." Giit niya.

Wala nang pakiam si Olivia kung magalit  niya si Kristoff. She wants to push his button ng sa ganoon ay iwanan na siya nito.

Kristoff stepped on the gas kaya napahawak siya sa likuran ng passenger seat. Fear rose up in her chest.

Mapanganib ang mga mata ni Kristoff at halos maglabasan na ang ugat sa braso sa higpit ng pagkakahawak sa manibela.

Halos mapamura siya dahil sa parteng iyon ay wala ng signal. At kahit na anong panalangin niya na sana may nakasunod na pulis sa kanila ay wala.

Tahip tahip na ang kaba sa kanyang dibdib ni Olivia ng matanaw nila ang chopper sa hindi kalayuan. Tumigil ang sasakyan sa harap nito. Padabog na lumabas si Kristoff mula sa sasakyan at binato ang susi sa isang lalaki na naroon.

Lumapit siya sa chopper at may kinausap na tao doon. Tinuro naman niya ang direksyon kung nasaan si Olivia kaya nagsimula ng humakbang ang lalaki papunta sa kanya.

Binuksan nito ang pintuan. Tumalon sa kaba ang dibdib ni Olivia. She has no idea of what's happening. She's still dizzy on what happened in the wedding.

"Saan niyo ako dadalahin? Sino kayo?" tanong ni Olivia lalo na ng gabayan siya nito papunta sa chopper.

Nakasakay na doon si Kristoff na may suot na headphones at chineck ang mga buttons na naroon.

Sumakay siya sa tabi nito at agad na ginabayan ng lalaki para makaupo dito. Nang akmang lalagyan ng lalaki ng seat belts at nagsalita si Kristoff.

"I will manage from here, Theo. Inform Gerard that we will be there in an hour." Malamig na utos nito na nagpabitaw sa lalaki sa hawak niyang seat belt.

Lumunok si Olivia.

"Saan tayo pupunta? Bakit tayong dalawa lang? Are you kidnapping me?" Hindi niya maiwasan ang takot sa kanyang boses.

Lumapit si Kristoff at sa takot niya na may gagawin itong masama ay sumandal siya sa pintuan at pumikit pero ilang sandali ay nakita niyang nakayuko ito at nilalagyan siya ng seat belt.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong niya ng maramdaman ang mainit na hininga ni Kristoff na tumatama sa manipis na tela ng kanyang bohemian dress.

Lumayo si Kristoff at walang salitang iniabot ang headphone sa kanya. Seryoso pa rin ito ng kinabit ang sariling seat belt at binuhay ang makina. Gusto man niyang tunalon ay hindi na niya nagawa dahil sa unti-unti nang sumusubok ang chopper na umangat.

Nagsimula na si Kristoff na palipadin ang chopper palayo sa isla ng Balesin. Paminsa minsa ay sumisilip ang binata sa magandang dagat sa baba. Malamig naman ang kamay ni Olivia sa iniisip na sa oras na mahulog ang chopper ay sa nakakatakot na dagat siya babagsak. Ang kanyang mga alaala sa dagat ay labis na nagbibigay sa kanya ng takot.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now