Kabanata 40

4.4K 194 22
                                    

Kabanata 40

Nagmamadaling tinakbo ni Olivia ang hindi pa nakakalayong matanda. Tinakpan niya ito sa bibig at hinila papasok sa kanyang dating kwarto. Nakatingin sa kanya ang matanda na may halong takot pero nagawa niyang ilagay ang daliri sa tapat ng kanyang bibig senyales na tumahimik ito.

"Papakawalan ko kayo pero ipangako niyo na mananahimik kayo. Hayaan niyo muna akong magsalita, pwede?" Tanong niya.

Tumango ang matanda kaya naman kinalas niya ang kamay. Tumungo siya sa may pintuan at nilock iyon. Huminga siya ng malalim at nilingon ang taong halos nagpalaki sa kanilang tatlo.

"Manang... pasensya na po pero hindi ito pwedeng malaman ng pamilya ko." Panimula niya.

Kumunot ang noo ng matanda.

"Bakit? Hija, buhay ka. Bakit mo inililihim ang napakagandang balitang ito sa iyong pamilya. Kung ako nga, natutuwang makita ka. Sila pa kaya?" Tanong ng matanda na agad inilingan ni Olivia.

"Manang makinig ka. Hindi pwede. Lalo akong mapapahamak sa oras na malaman nila na buhay ako. Mahalaga ito sa akin kaya nakikiusap po muna ako" Pagmamakaawa niya.

Ngumuso ang matanda sa kanya at tumango ng paunti-unti. Umupo ito sa kama niya na timabihan din naman ni Olivia. May tuwa sa mata ng matanda at hinawakan nito ang braso niya para himasin.

"Hindi ako makapaniwala noong sinabi na nagpakamatay ka sa dagat. Pero noong magkaroon ng bangkay sa harapan ko doon lang ako naniwala. Paanong nangyaring buhay ka? At sino ang bangkay na iyon?" Tanong ni Manang.

"Manang... Iyan din ang gusto kong malaman. Noong araw na mawala ako, pinagtangkaan ang buhay ko. Totoong sa dagat iyon nangyari. Hindi ko alam kung paniniwalaan niyo ako pero si Diana ang nag-utos noon." Pagpapaliwanag niya.

"Pinapatay ka ni Diana? Hindi niya iyon magagawa... Baka nagkakamali ka lang, Olivia?" Tanong ni Manang sa gulat na tono.

"Sana nga, ganoon kadaling sabihin, Manang. Pero nakausap ko ang taong pumatay sa akin. Malinaw na malinaw ang sinabi nito na mga Villafuerte ang nagpapatay sa akin. Saka noong araw na iyon, walang ibang tao sa dagat kung hindi ako, at ang papatay sa akin... kung hindi sila, paano nila malalaman na sa dagat ako namatay?" Makahulugang tanong ni Manang. "Saja bago mangyari iyon, nakausap ko ang attorney ni Lolo at nalaman ko na kinakamkam ni Diana ang lupa sa Bohol na pamana sa akin."

"Olivia... hindi mo ako masisisi. Ako ang nagpalaki sa inyong tatlo. Hindi ko kayang isipin na merong isa sa inyo ang may kayang pumaslang." Ani Manang.

"Naiintindihan ko, Manang. Hindi kita pinipilit na paniwalaan ako pero isa lang ang pakiusap ko. Huwag na huwag sanag makarating ito sa kahit na sino hanggang hindi ko napapatunayan kung sino ang nagpapatay sa akin noon."

"Sige. Kung iyon ang gusto mo, tutuparin ko ang hiling mo. Nagpapasalamat ako at buhay ka. Pero, ano ang ginagawa mo sa study ni Diana?" Tanong ng matanda.

"Kinailangan ko lang ng mapapagtaguan, Manang. May mga kinuha lang akong gamit rito sa kwarto ko. Manang, pwede pa ba akong humingi ng pabor? Tulungan ninyo naman akong makatakas." Paghingi niya ng tulong.

Natigil ang usapan ng may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan sila ni Manang at tinuro nito ang cabinet na nasa likuran niya. Sinunod naman niya ang utos ni Manang at walang atubiling pumasok doon.

Binuksan ng matanda ang pintuan at bumungad doon si Dolores, dala dala ang vacuum na iniutos ng matanda kanina.

"Manang? Ano ang ginagawa niyo rito sa kwarto?" Tanong nito.

"Sinuro ko lamang, Dolores. I-vacuum mo rin ito."

"Po? Sige po, unahin na po muna natin ito para matapos na kaa-"

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now