Kabanata 5

5K 196 4
                                    

Kabanata 5

Nakaupo si Olivia sa living area habang kinakausap ng mga pulis si Senator. Panay ang tingin niya sa mga sundalong labas pasok sa bahay nila dahil sa nangyari. Geron and his team is currently in the hospital for their check-up samantalang hindi siya nagpagamot dahil ligtas siya.

Napatalon siya ng pumasok si Borris sa loob. Even Senator Villafuerte turned his attention to Borris.

"Senator," he nodded.

"Borris! What the hell?" Boses iyon ni Diana na humahangos pababa sa grandstaircase. Hindi naman maiwasan ni Olivia ang mapairap dahil sa maala-teleseryeng arte nito.

"Diana." Sinalubong ito ni Borris. Agad na hinawakan ni Diana ang pisngi ng fiance para tingnan iyon.

"Ano ba ang iniisip mo at sumugod ka roon? May sariling protection squad si Olivia. You shouldn't stick your nose where it doesn't belong." Pangaral nito.

Umirap siya sa sinabi nito.

So, kung hindi ko siya protection squad dapat ay hayaan na lang akong mabaril? Tanong ni Olivia sa utak niya. Binalingan siya ni Borris at tumango. Tumayo siya para lumapit rito. Nabalitaan niya kasi ang pagsugod ng ilang teams para sa back-up.

"Kamusta na, Olive?" tanong ni Borris sa kanya. Sinulyapan ni Olivia si Diana bago tipid na sumagot.

"Ayos lang. Ikaw? Ang team mo?" tanong ko.

"They're fine. But Kristoff was shot." sabi ni Borris.

Napanganga siya sa balita. What? He was there? Buong akala niya, umuwi na ito kanina pa. Agad naalarma ang utak niya. What that pokerface soldier was wounded?

"May sugat pa siya, Borris! Anong nabaril na naman siya?" tanong ko.

"He's okay, Olive. Huwag kang mag-alala sa isang iyon. He killed a sniper and managed to catch one witness." sabi ni Borris at bumaling kay Senator.

Hindi naman pinalipas ni Olivia ang pagkakataon at lumabas para hanapin si Paris. Ngayon nakasakbat na ang bag nito at nakadamit civilian na.

"First Lieutenant!" sigaw niya. Napalingon si Paris na naglalakad na patungo sa gate.

"Oh? Ma'am Olivia." aniya.

"What happened to Kristoff?" tanong niya. Nagkibit balikat si Paris sa tanong at tumingin sa dalaga.

"Don't worry, he's okay for sure. He's home." sabi ni Paris.

Gustio niyang suntukin si Paris sa sinabi nito. How could she not worry? Eh, may nabaril na tao dahil sa kanya! It's a big deal. Hindi naman iyon kagaya ng simpleng pagkakadapa! Kristoff and his idiot decisions.

"Your boss is an idiot!" ani Olivia na nagpataas ng kilay sa binata. Maya-maya pa ay tumango ito.

"Yeah. You're right. He's an idiot at times. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay matagak mamatay ang masamang damo. Sige na, Ma'am... Uuwi na muna ako. Dami kong date this weekend." Kindat ni Paris at umalis na.

Naiwan siyang nakatayo roon. Nang maghapunan ay ramdam ang tensyon. Kauuwi lang ng media. Silang apat ang nasa hapag kainan. Si Senator ay nasa dulo at sa tabi nito ay si Diana. Sa tapat ni Diana at si Stefania at siya naman ang nasa tabi ni Stefania.

"You should stop going to that cemetery until the election's over, Olivia." sabi ni Senator.

Natigil si Olivia sa pagkain.

"And why should I do that?" tanong niya sa malamig na boses. No one can stop her from going wherever she wants.

"Olivia!" saway ni Diana. Tiningnan niya ang dalaga ng may galit dahil sa pambabastos sa ama. Ginantihan rin ito ni Olivia. If she only has a choice, matagal na siyang umalis sa mansyong ito.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now