Kabanata 26

4.8K 226 10
                                    

Kabanata 26

Dahil wala pa si Manong Bert, ang driver ng mga Luna ay napilitan si Paris na ihatid si Bernice sa bahay nila. Hindi naman siya pinigilan ni Kristoff.

"Sa passenger seat ka. Ako magdadrive. I  can't protect you sa backseat." Aniya.

Tumango si Olivia. Sumakay siya at nagsuot ng seatbelt. Ito ang unang pagkakataon na para silang normal na couple na magtatabi sa driver's at passenger seat.

"Ano iyong binalita ni Lui? Ano ba ang problema?" Tanong niya.

Nagsimula nang magdrive si Kristoff. Seryoso ang mukha nito at panay ang tingin sa rear mirror.

"Wala. Hindi mo maiintindihan. It's classified information, too." Sagot niya at mas binilisan ang patakbo.

May pinindot si Kristoff sa tenga niya.

"Liliko tayo at 3 o'clock. May shortcut akong alam." He ordered at niliko sa kanan ang sasakyan. Medyo walang sasakyan doon at tanging mga talahib.

Mabilis ang patakbo ni Kristoff na para bang may humahabol sa kanila. Hindi rin ito matigil sa pagsulyap sa rear mirror kaya lilingunin sana ni Olivia para silipin iyon pero hinawakan ni Kristoff ang kamay niya ng mahigpit.

"Don't." Tanging sabi nito at tumingin sa daan.

Sumunod naman si Olivia at sumandal sa sasakyan niya. Napatingin siya sa malakas na ugong ng nag-oovertake na sasakyan. Kulay itim iyon at nang maunahan ang sasakyan nina Lui na nakaconvoynay nagmura si Kristoff at mas lalong binilisan.

"Jack, huwag niyong hayaang makadikit sa amin ang sasakyang iyan." Sabi ni Kristoff.

Bago pa makasagot ay may putok ng baril ang pinakawalan ng sasakyan. Napamura si Kristoff at mas pinalipad pa ang sasakyan.

Tinagtag niya ang baril sa kanyang sabitan gamit ang isang kamay at iniabot iyon kay Olivia. Natatakot naman si Olivia na hinawakan iyon.

"Ikasa mo ang baril ko. I can't do it, I am driving." Utos niya. Sinunod naman iyon ni Olivia at iniabot kay Kristoff.

Kaunti na lang at matatapatan na sila ng sasakyan. Panay na rin ang baril nina Dylan at Lui sa sasakyan pero walang epekto iyon. Walang nakakarinig sa kanila. Bukod sa walang sasakyan, nasa liblib na parte na sila.

Nang makatapat na nila ang sasakyan ay mabilis na binuksan ni Kristoff ang bintana at tinapat doon ang baril.

"Shit. Duck your head, Olivia. Now!" Sigaw ni Kristoff. Agad na sinunod ni Olivia sa takot.

Bakit kami sinusundan? Sino sila? Sila din ba ang may kagagawan sa Araneta? Iyon ang nasa isip niya habang si Kristoff ay nakikipagpalitan ng putok.

Nagkagitgitan sila ng sasakyan at may dalawang armado doon. Patay na ang nasa passenger seat, natamaan ng kanyang baril. Pero ang driver ay kagaya niya, buhay na buhay pa. Mabilis na niyapakan ni Kristoff ang gas. Kailangan niya ng oras dahil ayaw niyang ipahamak si Olivia.

Kung alam lang niya na aatake na sila ngayon, sana ay hindi na niya linayagan ang dalaga sa Araneta. Ayon kasi sa report at investigasyon ni Borris, haka haka pa lang ang lahat. At ngayon, napatunayan na nila.

"Lui, target the tires. Hindi ako makatama dahil nagdadrive ako." He ordered.

"Sir, Yes, Sir." Ani Lui at kita niya sa side mirror na lumabas si Luigi dala dala ang isang mahabang baril at pinutok iyon sa gulong. Nawalan ng kontrol ang nagdadrive hanggang mahulog ito sa palayan sa gilid ng kalsada.

Tumigil din sila para tingnan iyon.

"Dylan, bantayan mo si Olivia. Tumawag ka din ng ambulansya." Utos ni Kristoff at bumaba doon para tingnan ang naipit na lalaki.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now