Kabanata 32

4.5K 180 10
                                    

Kabanata 32

Hindi na nakabalik pa si Olilvia sa eskwelahan. Hindi niya alam kung nagpunta nga ba ang kausap niya sa eskwelahan kanina. Siguro ay nagalit ito sa hindi niya pagsipot. Hindi naman niya macontact ito dahil wala siyang number o kung amo mang koneksyon. Sinubukan niyang tawagan ang muero para wala iyon.

Nakahiga na ngayon sa kama niya si Olivia. Nakatulala siya sa kisame at walang ginawa kundi tumunganga doon. Mariin niyang pinikit ang mata at nagtakip ng unan. Sumigaw siya sa loob noon sa frustration na nararamdaman niya.

How could he leave me like that? Tanong niya sa sarili. Halos mapunit na niya ang unan ng may tumamang  bato sa bintana niya. Bumalikwas siya sa pagkakahiga at agad na tiningnan kung ano iyon. Nakita niya si Kristoff na nakatingala sa kwarto niya at nakapamulsa.

Binuksan niya ang bintana at sinilip ito. Umiling siya pero nagsimula nang umakyat si Kristoff sa bahay. Napailing na lang siya at hinayaan ang binata sa kanyang ginagawa. Binuhay niya ang lampshade na katabi ng mesa.

Mabuti pa ay mag-usap na sila ng matapos na ito. Alam niyang hindi susuko si Kristoff hanggang hindi sila nakakapag-usap. Umupo siya sa kama at sinullay ng daliri ang buhok.

Nang matagumpay na nakaakyat si Kristoff, umupo ito sa hamba ng binatana.

"Can we talk?" Tanong nito.

Huminga si Olivia at tumango.

"Sige." Aniya at hinarap ang binata. Iba ang pagkakataong ito, pareho silang seryoso sa sitwasyon. Huminga ng malalim si Kristoff.

"I know why I want to talk to you. Olivia, I am leaving next week."

"I know. Wala naman akong magagawa diba?" Tanong ni Olivia at tumingin sa mga mata ni Kristoff.

Nakakapagod pala talaga. Hindi niya kaya na panghawakan ang pangako niya noon na handa siyang magtiis. Everything's bothering her. Hindi lang ang buhay pag-ibig niya ang may problema. Honestly, she needs to fix every aspect of her life.

Tumayo si Kristoff at umupo sa tabihan ni Olivia. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga.

"You need to understand. This is my duty. Olivia, this is my life. I want you so bad but I can't give this up. I am a man of law." Paliwanag ni Kristoff. "And I don't want to leave you like this. Ayoko na hindi maayos ito."

"Kristoff, this cannot be fixed easily. I have too much on my plate." Ani Olivia. Totoo iyon. Mahal niya si Kristoff pero marami siyang dapat unahin at maging ito rin.

"So, what do you suggest?" Tanong ni Kristoff.

"Hindi ko alam. Ang hirap magdesisyon dahil biglaan ang nangyari. Ayokong magpadalos dalos, Kristoff." Aniya at kinagat ang labi.

"Tell me what you want me to do baby. I don't want us like this." Pagsusumamo ni Kristoff.

Lumunok si Olivia at pumikit para pigilan ang luha niya. Honestly, ayaw niyang umalis ang binata. Kapag narito si Kristoff, feeling niya safe siya. Noong naging siya ang bantay niya, unti-unting nagkadireksyon ang buhay niya. Kung noon ay pasaway siya, in just months... parang magic na naging mature ang kanyang pag-iisip.

She learned how to prioritize things. Nalaman niya ang kahalagahan ng mga bagay bagay. From a happy go lucky girl, she's grown to be a woman.

At ngayong mawawala si Kristoff, hindi niya alam ang gagawin. Iniisip pa lang niya, nawawala na siya.

"Baby... please, tell me we are okay."

"Don't leave." Nag-iwas siya ng tingin at pinunsan ang luha niya.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now