Kabanata 35

4.4K 190 19
                                    

Kabanata 35

Isang buwan ang nakakaraan mula ng maitapon sa dagat si Olivia, isang balita ang gumunaw sa lahat ng pag-asa ng mga taong naghahanap sa dalaga. May nakitang bangkay na palutang lutang sa dagat ang mga mangingisda, babae ito at tila naagnas at bloated na dahil sa tubig. Hindi na makilala ang mukha nito dahil wala na sa dating porma.

Umiiyak sa harapan ng camera si Esmeralda sa isang conference. Nilalahad nito na si Olivia nga ang nakita. Ibinahagi nito kung paano sila nagdadalamhati sa kaanak na namatay.

"Tinuring na po namin siyang anak. Akala po namin nag-aaral siya sa ibang bansa at panatag na po kami. Hindi naman po namin alam na hindi ito pumunta sa ibang bansa at piniling magpakamatay." Umiiyak na sabi nito.

Dumating din sa press conference ang mag-asawang Luisito at Alicia na parehong namumula ang mata, kasunod si Toby na walang reaksyon. Sumali sila sa pag-upo sa mahabang table.

"Ninanais po naming mag-asawa, bilang magulang ni Olivia na gawing pribado ang pagdadalamhati ay sa pamilya lamang. Balak po naming dalhin ang kanyang abo sa America para doon ilagak." Ani Luisito sa press.

"Alam ho namin kung gaano kasuwail ang batang iyon pero hindi po namin akalain na aabot sa pagkitil niya sa sariling buhay. Ayon po sa autopsy, uminom siya ng maraming alak at maaring nagsagwan siya sa gitna ng dagat at doon ay nagpakalunod. Masakit po ito sa akin bilang isang ina." Umiiyak na sabi ni Alicia at niyakap pa ni Toby.

Napailing si Tori habang nakaupo sa sinehan at pinapanood ang pagkapeke ng nga ito. Agad niyang kinuha ang cellphone at may tinawagan.

"Are you watching this crap?" Tanong nito at isinantabi ang mga papel na nasa sa harap niya.

"Yes. What's the progress?" Tanong ng kausap. Tiningnan ni Tori ang mga papel sa harap niya.

"Nagkaroon ako ng lead. Malaki ang posibilidad na hindi si Olivia ang nakita sa dagat ng mga awtoridad. Ayon sa private investigator, may nakakuha sa katawan ni Olivia noong araw na iyon at naisugod sa hospital. Kaso pagkarating ko doon, walang katawan." Aniya.

"Tori, do everything. Baka maubusan na tayo ng oras."

"Yes, I will. Dinamihan ko na ang naghahanap kay Olivia. I hope na may makahanap na sa kanya bago pa mabalitaan ng mga Villafuerte na buhay siya. She's the only person who can make this happen."

Lumipas ang isang taon na walang naging balita. Lahat ng mga lead ni Victoria sa paghahanap kay Olivia, ay hindi magtugma tugma. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na buhay pa ang dalaga. Maayos na ang lahat sa kanilang mga buhay. Mabilis na nalimutan ng mga tao ang issue ng pagpapakamatay ni Olivia. Naging matunog din ang mga Villafuerte sa masa. Mas lumaki pa ang tagahanga ng mga ito sa kabutibang ipinapakita ng mga ito.

-
Malakas ang simoy ng hangin na gumagakaw sa puting kurtina ng kanyang kwarto. Rinig ang paghampas ng tubig sa dalamapasigan kasabay ng mga ibon. Nakaupo siya sa bintana, nakalabas ang paa para damahin ang lamig ng hangin. Nakapikit siya para pakalmahon ang sarili gaya na rin ng sinabi ng kanyang taga-alaga.

"Katherine..." boses iyon ng babaeng doktor. Nilingon niya ang pintuan. That's her name. She's Katherine.

Bumukas ang pintuan at niluwa noon ang kanyang psychiatrist, dala dala ang chart nito. Humarap siya rito at tumango. Muli niyang binalik ang tingin sa dagat.

"Anong nararamdaman mo ngayon? Natatakot ka pa rin ba sa dagat?" Tanong nito.

Umiling siya at huminga ng malalim.

"I don't feel anything when I am just looking. But when I go near it, I feel like it will still swallow me like in my dreams."

"That's okay. But now I see ypu are getting better from the trauma. Sa ganoon, pwede na nating bawasan ang dosage mo. You should take the pills whenever you feel insomiac." Payo ng doktor sa kanya.

Bulletproof (Querio Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora