Kabanata 49

4.5K 168 8
                                    

Kabanata 49

Nakaupo ngayon si Olivia sa isang hospital bed. May mga nurse na gumagamot sa paa niya. Tulala lang siya na para bang manhid na siya.

Nasa labas naman si Paris. Hindi na sila nag-usap matapos siyang kalmahin nito. Alam niyang marami itong tinatawagan ngayon. Sa pagmamadali nga nito, sa pinakamalapit na hospital siya dinala ni Paris.

Bukas ang kurtina ng kanyang kama. Kalmado ang buong emergency room. Nanginginig ang kamay niya na puno ng dugo niya.

Naaalala niya ang nagawa niya kanina. She killed somebody. Nanginig ang kamay niya sa takot.

"Excuse me!" Nagulat siya sa sigaw ng isa sa mga nurse na naroon.

Binuksan nito ng malaki ang pintuan. Sunud-sunod ang pagpasok ng mga kama na may mga dalang katawan.

Nawalan ng kulay ang mukha niya ng makita si Tori na punong puno ng dugo at walang malay. Sa kabila ay naroon si Dylan na may malay pero may tama sa gilid at iniinda iyon.

Tumulo ang luha niya. Marami pang sinugod doon na katawan. Kahit na nababalot ng ingay ang emergency ward, hindi iyon naririnig ni Olivia sa lakas ng kabog ng dibdib niya para sa mga kaibigan.

Sinubukan niyang bumaba matapos isara ng mga nurse ang kulay asul na kurtina. Hinawakan siya ng nurse na gumagamot sa kanya.

"Ma'am! Bawal kang gumalaw." Pigil nito pero umiling siya.

"Miss. Kaibigan ko siya, gusto ko siyang makita!" Turo niya sa kung nasaan si Tori.

"Hindi pwede, Ma'am! Ooperahan na siya ngayon din. Magpahinga ka muna at hintayin na matapos sila." Utos ng nurse pero wala na atang magpapakalma sa kanya.

Nagpupumilit siyang makababa hanggang sa maramdaman niya ang malalakas na braso ni Lui at Paris na pumipigil sa kanya. Mabilis naman ang nurse sa pagturok para kumalma siya.

Nanghihina siyang hiniga sa kama. Bumibigat na ang talukap ng mata niya hanggang sa nakatulog na ito.

Madilim na ang labas. Pagtingin niya, nasa isang pribadong kwarto na siya. Nakaupo sa sofa si Bernice at nagbabasa ng magazine habang si Paris ay nanonood ng tv.

Gumalaw siya ng kaunti at nilingon ang mga kaibigan na napatingin din sa gawi niya. Mabilis na tumayo si Bernice para alalayan siyang umupo.

"Are you feeling good?" tanong nito sa kanya.

Hindi siya sumagot. Mabilis dumapo ang tingin niya kay Paris.

"Nasaan si Tori? Kamusta siya? Si Dylan? Si Kristoff? Si Borris?" Naiiyak niyang tanong.

"Victoria needs a lot of rest pero stable na siya. Nasa kwarto niya si Jack. Captain Hernandez is buying food for us." Sagot ni Bernice.

"Paris," Utos ni Bernice. "Pumunta ka sa ward at humingi ka ng pagkain para kay Olivia."

Tumango si Paris at lumabas. Hinaplos ni Bernice ang kamay ni Olivia.

"Bernice, nasaan si Kristoff?" Tanong niya.

Huminga ng malalim si Bernice.

"Saka mo na itanong 'yan kapag nakakain ka na, okay?" Ngumiti ito sa kanya.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan. Pumasok si Borris na may dalang take-outs ng isang chinese food.

Gumaan ang pakiramdam ni Olivia. Borris is safe. Si Jack din. Sana gumaling na talaga si Victoria.

"You are awake." Puna ni Borris at hinalikan ito sa ulo.

"You scared me, Olive." Bulong nito ng mas marahan at sinamahan pa ng mahigpit na yakap.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now