Kabanata 1

7.9K 242 6
                                    

#BPKab1 Please do tweet or follow me on twitter: Barneyeols

Kabanata 1

Nilibot niya ang mga mata sa loob ng silid na magsisilbing kwarto niya sa loob ng ilang buwan hanggang hindi pa natatapos ang eleksyon.

"Captain!" bati nang mga lalaking sundalo na nakasama niya Sa Military Academy.

"Ilan tayo sa barracks na 'to?" Tanong niya matapos ibalik ang saludo sa mga ito.

"Dalawang team po. Sa kabila pong team ay si Sir Borris ang namamahala. Protection squad po tayo ni Miss Olivia at sila Sir Borris kay Miss Diana."

Olivia. Hindi niya ito kilala pero sigurado siya na isa iyon sa mga babaeng nasa litratong binigay sa kanya.

"Olivia?" tanong niya sa kasamahan. Hinagilap niya ang bag na dala at nilagay ang mga damit sa loob ng locker na nasa tabi ng kanyang kama.

"Iyong pamangkin ni Senator. Iyong may kulay ang buhok. Iyon po ang pinakapasaway, Sir. Paniguradong sasakit ang inyong ulo."

Tumaas ang sulok ng labi niya habang iniisip ang payo ng kasamahan. Hindi na siya magtataka sa sinabi nito dahil unang oras pa lang niya, nakaengkwentro na niya ang babaeng iyon. Ni hindi pa nga niya nakikita ang barracks, ay binigyan na agad siya ng sakit ng ulo.

"Thank you for the report, Second Lieutenant Gerardo. You may go back to your post."

"Sir. Yes, sir." anito at umalis sa kanyang tabi para sundin ang kanyang superior.

Umupo ang sundalo sa kama niyang kapag humiga ay halos kayang sakupin ng buong katawan niya dahil sa kitid noon. Pero sanay siya sa ganoon kaya walang reklamo. Mas mabuti pa iyon kaysa sa naranasan niyang paghiga sa damuhan tuwing may pagsabak sa giyera.

Napadaing siya ng mapansing dumudugo ang hita niyang sinipa ni Olivia. That, damn brat. Tinatag niya ang telang binalot niya rito at pinakatitigan iyon. May kalaliman ang sugat kaya naman siguradong matagal na tagal ang paghilom noon.

Bumukas ang pintuan ng barracks at pumasok ang sumisipol na si Paris. Lumapit siya sa kaibigan at halos manglaki ang mga mata ng makita ang tumatakas na dugo rito.

"Napaano iyan? Sinong bumaril sa'yo?" tanong nitk at agad na iniabot ang isang alcohol na mula sa drawer niya. Sinalo ito ni Kristoff at agad na binuhusan ang sugat.

"Nadaplisan lang. Gagaling din naman. Nasipa lang kaya dumugo."

"Sinipa? Sinong naglakas loob na sumipa sa isang kagalang galang na Captain ng Academy? Babae ba iyan?" may patuya niyang sabi.

Marahas ang titig na binigay ni Kristoff rito kaya naman umakto itong sinasara ang bibig niya. Nagpatuloy ang binata sa paglinis ng kanyang sugat. Muli ay binalutan niya ito ng benda.

Tumayo na muli siya na parang walang nangyari. Tila namanhid na nga ata siya sa dami ng sugat na natamo niya sa ilang taong pagiging sundalo. Saksak, tama ng baril, pasa, gasgas at kung ano pa man ay naranasan na niya.

Marahas na bumukas muli ang pintuan na akala mo ay may bagyong papasok. Nagkatinginan ang dalawa dahil sa pagpasok ni Borris  na nakadamit sibilyan at nakapamulsa.

"Sir," bati ni Paris rito. Tumango lamang ito at binalingan si Kristoff na nakatayo sa harap niya. Isang taon siyang nauna sa serbisyo kaysa kay Kristoff.

"Captain Borris Hernandez. " Tango ni Kristoff at iniabot ang kamay niya rito. Tumango ito at tinanggap ang kamay nito.

"Captain Kristoff Querio." bati din nito pabalik.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now