Kabanata 31

4.6K 203 8
                                    

Kabanata 31

Suot ni Olivia ang isang itim na hoodie. Patay na ang ilaw at tanging mga dim lights na lamang ang nagbibigay liwanag dahil madaling araw na. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at naglakad papunta sa hallway. Maingat ang mga yabag niya patungo sa study kung saan malimit mag-opisina si Diana.

Hindi pa man nakakalapit sa study ay nakarinig siya ng yabag at ilang usapan.

"Ikaw talaga, Isa. Hindi mo pa agad dinala sa study iyang bag ni Ma'am. Kung hindi ko pa naalala, bukas panigurado sasabunin ka na naman." Boses iyon ni Manang.

Mabilis na pumasok si Olivia sa kanyang kwarto at sinara ito hanggang sa maliit na bahagi para masilip. Nakita niya si manang kasama ang isang medyo batang kasambahay. Nakasuot sila ng pantulog at dala dala ang isang laptop bag.

"Pasensya na po. Inutusan kasi ako ni Senator kaya hindi ko po nagawa hanggang sa nakalimutan."

Binuksan ni Manang ang study. Doon ay nilapag ng katulong ang laptop bag. Halos mapamura si Olivia ng makitang nilock iyon ni Manang. Nang nawala na ang mga katulong, muli siyang nagtangka papunta sa study. Pinihit niya iyon pero nakalock talaga ito.

Bumalik siya sa kwarto para kunin ang isang hairpin. Muli, nagmatyag siya sa paligid at dahan dahan ang mga galaw. Malamig man ang klima hindi niya maiwasang pagpawisan. Sinundot sundot niya ang pintuan gaya ng napapanood sa pelikula. Wala siyang ideya sa mga ginagawa niya pero sinusubukan pa din niya sa ngalan ng kanyang kuryusidad.

Ilang sandali pa, nabuksan din niya ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag at agad na pumasok. Nilock niya ang pintuan at binuhay ang dalang flashlight.  Nagtungo siya sa mesa ni Diana. Binukalt nuya ang ilang dokumento doon.

Mga dokumento iyon tungkol sa kompanya. Kung titingnan ay walang mali doon. Binaba niya iyon at binuksan ang mga drawer. Marami ang folder doon. Isa-isa niyang binuklat iyon pero wala din. Natapos niyang tingnan ang lahat, wala kahit isa doon ang nagtuturo ng mga ilegal na gawain niyang narinig.

Hinilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Umupo siya sa swivel chair hanggang sa maalala niya ang laptop na dinala kanina. Maingat niyang binuksan iyon. Sa takot na mairecord. Nilagyan niya ng tape ang camera noon.

Napamura siya ng makita na kailangan ng password. Hindi niya ganoong kilala si Diana. Birthday lamang nito ang nilagay niya pero hindi iyon tinanggap.

"Shit, Olivia. Think, think, think." She closed her eyes. Napamulat na lang siya ng makita ang picture sa table na may larawan ni Diana at Borris noong engagement nila.

Mabilis niyang tinipa ang petsa noon at himalang nagbukas ang laptop. Gusto niyang magtatalon pero mas kailangan niyang unahin ang pag-iimbestiga. Sinend niya sa kanyang email ang lahat ng dokumentong naroroon at binura ang bakas ng kanyang ginawa. Pinatay din niya ang laptop, at binalik ito sa kanyang pinagkuhanan.

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan. Magagaan ang bawat yapak niya sa pagtakbo pabalik sa kwarto. Halos napasandal siya sa pintuan matapos ang nakakalabang ginawa niya.

Humiga siya sa kama at nagpasya na bukas na lamang basahin ang dokumento dahil may pasok pa siya at kailangan niya nang magpahinga. Kung totoo man na may illegal na ginagawa si Diana at ang pamilya niya, hinding hindi niya ito papalampasin.

Kailangan niya ang lahat ng  ebidensya sa laban na ito. Hindi na siya makapaghintay na makilala ang nagpapadala sa kanyabg ng mga sulat. Napabangon siya ng maalala ang mga pangyayari kanina. Curious pa din siya sa babaeng kausap ni Kristoff.

Kilala niya si Kristoff. Hindi niya magawang isipin na mangangaliwa ang nobyo niya. Ang pinagtataka niya eh ano ang koneksyon nila? Isa iyon sa mga misteryo ng binata.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now