Kabanata 47

4.9K 202 16
                                    

Kabanata 47

Hinatid sila ng isang van sa kung saan naroon ang bahay ni Felicity. Marami ang bantay na nasa paligid nito.

"Unique taste." Bulong ni Jack habang pinagmamasdan ang bahay.

Sinuri ito ni Olivia. Medyo maliit ang bahay kumpara sa bahay ni Kristoff sa Malabrigo. Mukhang bakasyunan ang dating nito dahil sa malawak na garden.

Pumasok sila sa loob kung saan nag-aabang ang dalawang babae na nasa sofa at umiinom ng tea.

"Oh my gosh!" Matinis ang boses ni Bernice na tumayo at lumapit kay Olivia. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

"Bernice." She whispered.

Kumalas si Bernice ng yakap at hinawakan ang balikat ni Olivia na gulat pa rin. Alam niyang tumutulong si Bernice dahil na rin sa sinabi ni Kristoff pero hindi niya inakala na magpapakita ito rito.

"Olivia! I cannot believe it! After all these years na inakala namin nina Clarence na you are dead! Damn, girl! I missed you."

Tumikhim si Felicity na ngayon ay sinalubong din ni Kristoff. Nakahawak ito sa braso ng kapatid at titig na titig kay Olivia. Wala naman itong reaksyon na nagpakaba sa dibdib niya.

"Mukhang gutom na kayo. May pagkain sa hapag. Kuya, can we talk?" Tanong ni Felicity.

Tumango naman si Kristoff kaya nagpaalam sila. May isang katiwala doon ang nagdala sa kanila sa hapag. Panay naman ang kwento ni Bernice kay Olivia tungkol sa mga kaibigan nila.

Kumain naman sina Tori na nakikinig din pero hindi nakikisali. Hindi naman maisingit ni Olivia sa usapan ang mga kasama dahil hindi iyon napapansin ni Bernice na masaya pa rin sa pagkwento.

Nakakalahati na sila sa pagkain ng dumating sina Felicity mula sa pag-uusap. Umupo si Kristoff sa pinakadulo at sa tabi naman niya ay si Felicity na seryoso pa rin.

Pinagsilbihan sila ng katulong. Nag-angat naman ng tingin si Felicity sa kanila at tipid na ngumiti bago tingnan muli si Olivia. Batid ni Olivia ang pagkawala ng ngiti ng dalaga sa kanya.

Tumikhim siya at iniiwas ang tingin.

"I hope this is okay with you, Felicity." Saad ni Victoria ng mapansin ang pag-iiba ng aura ng hapag.

Pinunasan ni Felicity ang gilid ng bibig niya at tumango kay Tori.

"That's okay, Victoria. Ayoko na madamay si Kuya sa gulong ito pero hindi ko siya kayang pabayaan. Truth to be told, this is only for my brother..." Sumulyap siya kay Olivia na natigilan sa pagsubo.

"Fel..." Tawag ni Kristoff at umiling sa kapatid.

Huminga si Felicity at uminom sa kanyang tubig.

"Sorry." Mahinang usal niya at pinagpatuloy ang pagkain..

Tila kulog iyon at walang nangahas na magsalita sa kanila. Nawalan na rin ng gana si Olivia kaya paminsan minsan na lang siya sumusubo at tinatagalan ang paghiwa niya sa karne.

Mukhang naramdaman naman iyon ni Bernice kaya inumpisahan niyang interviewhin si Tori na maligaya namang sinasagot nito. Paminsan minsan ay sinasali niya sina Jack at Borris sa usapan.

Hindi maiwasan ni Olivia na tingnan ang banda ng magkapatid. Seryoso si Kristoff na nakatingin kina Tori samantalang si Felicity ay sa pagkain lamang nakatuon.

Hindi maikaila ang pagbabago kay Felicity. Sa loob ng isang taon ay naging matured ito sa pananamit at kilos niya. Ibang iba sa Felicity na gumamot sa kanya noon.

"I will go home after lunch, Kuya. I need to fix some things for the company." Aniya sa kapatid.

Nilingon siya ni Bernice.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now