Kabanata 24

5.3K 206 13
                                    

Kabanata 24

Nadatnan ni Olivia na nakaupo ang mga sundalo sa dining. Nagsusuklay siya ng buhok at bumaba lang para uminom ng tubig.

Nang makita siya ng mga ito, nagsitigilan ang mga ito sa pagsubo. Ngumiti siya at sinenyasan sila.

"Sige lang. Kain lang kayo. Kung gusto niyo pa, ask Manang." Aniya.

Nagpatuloy ang ilan pero ang ilan ay nanatiling nanonood sa kaniya. Hindi niya pinansin iyon. Humarap siya sa ref dahil uhaw na uhaw siya. Napagod siya sa pagrereview ng kaniyang thesis. Matapos kasi ng make-out session nila ni Kristoff, umalis na siya at dumaan sa bintana para hindi mahalata.

Nagkulong lang siya sa kwarto dahil naroon pa ang mga Villafuerte kaya para maibsan ang pagkabagot, nireview na lang niya ang thesis niya at saka lang bumaba noong umalis na ang mga ito.

Nagsalin siya ng tubig ng bumukas ang backdoor. Pumasok doon ang seryosong si Kristoff at ang natatawang si Paris. Nagkatinginan silang dalawa. Halos manginig ang kamay niya at mabitawan ang pitsel pero pinigilan niya.

Kasunod nila aysina Jack, Lui, at Dylan. Kumuha ang mga ito ng plato at agad na tumungo sa mini buffet.

"Ma'am... kain na po tayo!" Alok ni Lui at pinakita ang plato.

Tumawa siya at tumango. "Sige lang! Kuha lang ng kuha."

Kumindat sa kanya si Paris at nginuso si Kristoff bago kumuha ng kanyang plato at makipila. Lumapit naman si Kristoff sa kanya at nagsalin din ng tubig sa isa pang baso.

"Kumain ka na?" Tanong ni Olivia.

Tiningnan siya ni Kristoff at umiling. Ininom niya ang tubig ng diretso.

"Hindi pa. Ikaw?" Tanong nito at sinilip ang relo. "Nakatulog ka ba? Gabi na para sa dinner mo?"

"Just thesis. You know, hinintay ko umalis sina Luisito." Sagot niya.

"Stay here. Huwag kang lalapit sa mga sundalo. Hintayin mo ako at kukuha ako ng dinner natin. How can you walk around them wearing that oversized shirt? May shorts ka ba?"

"Yes, natabunan lang ng shirt ko." Paliwanag niya pero walang talab iyon kay Kristoff at umalis na para kumuha ng pagkain. May ilang bumati sa kanya pero seryoso lang siya sa pagkuha ng pagkain.

Napanguso si Olivia at sumimsim ng kaunti sa kanyang tubig.

Ang sungit talaga niya kahit kanino! Pero, kanina kung makahalik naman...

Naputol ang pag-iisip niya ng bumukas muli ang pintuan ng kitchen, pumasok doon si Borris na nakapamulsa at sa likuran niya ay si Toby.

"Magandang gabi, Sir." Bati ng mga sundalo na patapos na sa pagkain.

Tumango si Borris at lumakad papunta sa banda niya. Nakasunod ang naninimbang na si Toby.

"Olive..." tawag ni Borris. May sasabihin sana pero natigilan ng isang tawag na agad nitong sinagot. Tumingin si Borris kay Toby at tinapik ito.

"Teka lang, Olive, Pare. Urgent lang." Naglakad ito papalayo.

Naiwan silang magkaharap ni Toby. Sumama ang timpla ng mukha ni Olivia sa pinsan. Lumunok siya at halos ikuyom ang palad.

"Anong ginagawa mo rito, Toby?" Tanong niya.

Namulsa si Toby at ngumiti na parang wala siyang ginawa ni minsan sa kanya.

"As if naman na hindi ako welcome dito, Olivia. Naririto ako para ayusin ang business ng pamilya natin. I am closing a deal with the Tansecos. It's for your own goo, too."

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now