Kabanata 11

4.6K 180 5
                                    

Kabanata 11
Hurt

They did treat each other in a civil way. Ginawa ni Kristoff ang trabaho niya gaya ng dati. Si Olivia naman. Nagbago ang pakikitungo niya sa lalaki. Kung dati ay hilig niyang inisin ang binata, ngayon ay naging tahimik ito.

"Paris, take me to the nearest mall." Sabi ni Olivia kay Paris. Hindi niya magawang tingnan man lang ang tabi niya kung saan nakaupo si Kristoff.

"Sige, Ma'am." sabi ni Paris at walang imik na nagdrive. Siguro ay nararamdaman nitong may tensyon mula noong bumalik sila mula sa klase ng dalaga.

Bumulahaw ang tunog ng tawag mula sa cellphone ni Kristoff. Sinilip ito ni Olivia at tanging letter A lang ang pangalan nito. Tiningnan siya ni Kristoff kaya naman nag-iwas siya ng tingin at bumaling na lamang sa sariling cellphone.

Akala niya ay sasagutin ito ni Kristoff pero cinancel noon ang tawag. Binalingan nito si Paris at nagsalita.

"Itigil mo sa sakayan ng taxi, Paris. May pupuntahan lang ako saglit." utos ni Kristoff.

Nagkatinginan sila ni Paris sa rear view mirror. Ramdam na ramdam ni Olivia ang pagmamadali sa boses nito.

"Bakit? Aalis ka? Papaano si Ma'am?" Tumaas ang kilay ni Olivia sa sinabi ni Paris. Anong paano siya? Kung iba ang makakarinig noon, ang iisipin ay may namumuong kung ano sa kanila.

"Hayaan mo." sagot ni Olivia kay Paris.

Nagkatinginan silang dalawa ni Kristoff pero pinanatili niyang matigas ang aking mukha. Tumango na lang si Olivia para sabihing okay lang.

"I'll meet you in the mall in thirty minutes. Paris, keep me in the line. Okay? Take care." Sabi ni Kristoff at binuksan ang pintuan para makaalis doon.

Nang makababa na ay tiningnan ni Olivia muli ang cellphone.

Ano naman kaya ang nakain ng isang iyon at himalang umalis para sa ibang bagay? Isip niya.

Kadalasan eh halos maging isa na lang sila ni Kristoff sa kadidikit nito at pagiging paranoid. Kaya kataka-taka na ganito ang inaasal. Well, sabagay... Ano ga ba ang pakialam niya? Hindi ba malinaw na sinabi niya sa binata na huwag na huwag siyang ituring na kaibigan? Kung hindi boss lamang at empleyado.

Tumuloy sila ni Paris sa mall. Hindi man niya ipakita, pansin naman ng binata na sobra ang itinamlay ni Olivia simula ng bumaba si Kristoff.

"Uy, girl! Over here!" sigaw ni Dani, tila hindi nahihiya sa mga nagtitinginang tao.

Ngumisi si Olivia at sumakay sa escalator.para marating ang kaibigan. Natanaw din niya sa kalapit na food stall si Brent kasama si Clarence Cho na pamay ang papicture ng mga tao na nakakakilala sa kamya bilang player ng UAAP.

Napalingon sina Brent sa banda nila kaya tinapik nito si Clarence. Kumaway ito kay Olivia, na sinuklian laman niya ng tipid na ngisi.

"So, you set me up?" Tanong niya kay Dani. Alam niya ang ginagawa nito, she always said no to Clarence.

Humalakhak si Dani sa sinabi ni Olivia. She knew something's fishy when she texted her to hang out. She never did that. She's the type would go in her house, drag her outside and go berserk when she said no.

"No. More like, Brent set you up! Sino ba naman ako para tumanggi sa boyfriend ko?" tanong niya.

Umiling si Olivia. Well, she might enjoy this. Mukhang enjoy si Kristoff sa pinuntahan niya na nagawa pa siyang iwan habang duty siya.

"Well, let's go?" tanong niya kay Dani. Lumapit sina Clarence sa kanila. He smiled widely at her.

"Hi, I thought you're busy?" tanong ng lalaki.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now