Kabanata 22

4.9K 180 10
                                    

Kabanata 22

Tahimik silang dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Walang imikan lero tanging kumportable lang ang madarama sa kabila nito. Napalingon lang siya sa gawi ni Kristoff na nilalaro ang kanyang mga daliri ng bumuntong hininga ito.

"What's the problem?" Tanong nito.

"You are late for your class. You need to go. Sagot ng binata at binitiwan ang kamay niya.

Kumunot ang noo ni Olivia sa pagpoprotesta.

"But I'm already late, anyway. Let's just stay here." She tried to convinced him.

Mas gugustuhin niya pang umupo rito sa loob ng sasakyan kaysa makinig sa nakakatamad niyang mga professors, mas gugustuhin niya ang pakiramdam ng palad ni Kristoff sa palad niya.

"No... You're on your last semester. Stop being a brat and attend your class." Seryosong sagot ni Kristoff.

Umirap si Olivia at padabog na sumandal sa passenger seat.

"It's like papapasukin pa ako ng professor na iyon. She hates late comers." Pangunhumbinsi niya.

"Let me talk to her, then. Come on, Olivia." Lumabas si Kristoff at pinagbuksan pa siya ng pintuan. Umirap si Olivia at agad na lumabas.

Nakasimangot siya. So boring. Akala niya, magtatagal silang magkausap doon ganoong tungkol sa kanila ang pinag-usapan kanina.

"Akala ko kung ano nang ginagawa niyo sa loob."  Mapang-asar na utas ni Paris. Umirap naman si Olivia.

"Shut up, Paris. Not in this car." Saad ni Kristoff at hinawakan ang kamay ng dalaga.

Laglag ang panga ni Paris sa ginawa nito. Si Olivia ay nagulat din sa sobrang pagkamangha. He swiftly interlocked his fingers with hers.

"Let's go, Olivia." Binato ni Kristoff ang susi ng sasakyan kay Paris. Dali dali naman itong sinambot ni Paris, na halata pa din ang gulat sa mga nangyayari.

Nasa second floor na sila ng magsalita si Olivia. May ilang estudyante ang napapatingin sa kanila.

"Ah, C-Captain," pigil niya. Nilingon siya saglit ng binata at nagpatuloy sa paglalakad. "You are holding my hand."

"Yeah, so what?" Tamad na tanong ng binata.

"H-Hindi ka ba naiilang? Everyone's looking at us." Nilingon niya pa ang ilan na walang kahihiyan kung magbulungan.

Nilingon siya ni Kristoff na nahing dahilan ng pagtigil nila sa paglalakad. Nasa gitna sila ng hallway. May igting sa panga ni Krsitoff at nagsalita.

"Tss. Nahihiya ka ba? Ikinahihiya mo ba na ako ang kahawak kamay mo?" Tanong nito.

Mabilis na umiling si Olivia at hinigpita  ang hawak sa binata.

"Hindi! Inaalala lang kita. Baka napipilitan ka lang na hawakan ang kamay ko kasi nagtatampo ako." Sabi niya.

Umangat ang sulok ng labi ni Kristoff pero agad 'ding nawala.

"As much as I want to stay with you in the car, I can't. You're still a student and I want you to focus on your studies. Besides, it's working hours. I don't wanna be a lovesick dog." He answered.

Nag-init ang pisngi ni Olivia sa sinabi ni Kristoff kaya siya na mismo ang humigit sa bianta patungo sa classroom niya. Nagpakawala naman ng mahinang halakhak si Kristoff at nagpahila na.

"You knock and talk to my professor," utos niya. Tumango naman si Kristoff at sinunod ang utos niya. Lumabas ang propesor at may sinabi ito na nagpatango rito.

Bulletproof (Querio Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang