Kabanata 9

4.5K 163 9
                                    

Kabanata 9

Natulala si Olivia. In her front is Felicity cleaning her wounds habang nakatayo sa likuran nito si Kristoff. They looked perfect together. Sa maputing balat ni Felicity, ay nagkakatugma ito sa kulay tan na balat ni Kristoff. Even their heights compliment each other. Hindi gaya niya, na kung tatabi sa binata ay magmumukhang kapatid.

"Where's Mama, Fel? Iniwan mong mag-isa?" tanong ni Kristoff habang pinapanood.

"Yup. She's with your flirt brother." sabi ni Felicity.

She seemed close to his family. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa kadahilanan na naiinggit siya. Hindi dahil sa nararamdaman niyang kaunting paghanga sa binata kundi dahil malayang nakakausap ni Felicity ito.

Nagtama ang paningin nilang dalawa. Tumayo ng maayos si Kristoff at tumikhim. Binalutan naman ni Felicity ng bandage ang kamay niya.

"Change your clothes after this, Olivia. Hinahanap ka nila sa baba." sabi niya sa babae.

Tumango si Olivia. Of course, everyone wants to see her. Sa tuwing naaalala niya ang mukha ng mga taong nagkukunwaring mabait sa kanya, ay naiirita siya. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi makuha iyon.

"Yeah." Tipid na sagot niya. Nag-angat ng tingin sa kanya si Felicity. Tipid siyang ngumiti.

Huwag mong sabihing nagseselos ito? Hindi ba niya nakikita kung gaano kalamig ang trato ng boyfriend niya sa akin? Tanong ni Olivia.

"Tapos na. Nadisinfect ko na saka natagtag ko na rin ang mga bubog. Mauuna na ako at baka hinahanap na rin ako sa baba. Kristoff," tawag niya at nilapitan ang binata para pisilin ang braso nito na parang normal iyon.

Hindi naman nakatakas iyon sa paningin ni Olivia. Nagsalubong ang kilay ni Kristoff na parang may lihim silang pinag-uusapan gamit ang tingin. Lalo namang lumawak ang ngiti ni Felicity at tinapik pa ang lalaki sa pisngi.

"Talk to you later, okay?" sabi nito at nilingon si Olivia.

"Mauuna na ako, Olivia. It was nice meeting you."

Olivia forced a smile.

"Ah, thank you." sabi niya at umalis din agad si Felicity. Nang maiwan ay tila naging tahimik sila. Hindi niya maalis sa isip ang ginawa niyang pag-iyak sa bisig ng binata. Tiningnan na lamang niya ang palad na may benda at ngumisi kay Kristoff.

"Ang ganda niya ano?" sabi niya para maibsan ang namumuong katahimikan. Hindi niya akalain na minsan, mas nakakabingi pala ang katahimikan.

Tumango si Kristoff.

"Yes. She's sweet and kind too."

She didn't expect his answer. Unang beses niyang marinig na nagagandahan ito at may papuri pa.

Sabagay, girlfriend naman nita kaya natural magagandahan iyon.

"Ah! Aakyat lang ako para makapagbihis." sabi niya at agad na nagpaalam. Naglakad siya papunta sa kanyang kwarto.

Halos mahulog ang puso niya sa nangyari.

"Ano ba 'yan! Ano bang nangyayari at nahihibang na ata ako?" bulong niya habang hinuhubad ang white dress.

Bigla namang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Kristoff. Nagkatitigan silang dalawa sa parehong pagkagulat.

Unti-unti ay bumaba ang tingin ni Kristoff sa katawan ni Olivia na tanging bra at cycling shorts ang suot. Ganoon din ang ginawa ni Olivia. Agad niyang tinakpan ang sarili.

"W-What are you doing here?" tanong niya kay Kristoff.

Mabilis namang tumalikod si Kristoff.

"You left your purse." Tinapon patalikod ni Kristoff ang purse papunta sa kama. Mukhang hindi pa rin nakakaget-over ang boses nito.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now