Kabanata 8

4.8K 187 8
                                    

Kabanata 8

Pagkapasok ni Kristoff sa loob ng kanilang barracks ay napahinga siya ng malalim. Olivia's words made him uncomfortable.

Ganoon ba talaga mag-isip ang isang iyon? She's too straightforward and doesn't afraid to talk.

He can't believe it. Hindi siya nagmamalinis dahil una sa lahat, lalaki siya. Normal na usapin ito sa kanya. He did play around in his last year in highschool. He slept with his ex-girlfriend twice and kissed girls in a club with his friends. Anila'y iyon na ang huling beses na mabubuhay siya ng ganoon.

He may be an honest soldier but he's no saint. Malala ang mga ginagawa niya noon bago magsundalo. If the people will only see it, the perfect captain image he has will be tainted.

"Penny for your thoughts, my friend?" tanong ni Paris na nakaupo sa harap na bunk bed. Nakaboxer shorts ito at may iniinom na gatas.

"Tell me more about Olivia." Aniya na nagpagulat sa kaibigan.

"Woaah. Alam niyo, pareho kayong halata. Crush niyo ang isa't-isa ano? Tinatanong ka niya sa akin at ikaw din." May ngisi ito.

Hindi niya napigilan ang sarili at tinungo ng kanyang kamay ang likuran para kuhanin ang baril. Kinasa niya iyon at nananakot na tinapat sa harap ni Paris. Nagtaas agad ng kamay si Paris.

"Grabe ka, Kristoff! Babarilin mo talaga ako?" Medyo kinakabahang sabi nito.

"Stop playing with me, Paris. You know that I never miss."

Binaba niya ang baril. Nakahinga ng maluwag si Paris at muling sinipsip ang straw ng gatas na iniinom. Nilunok niya iyon at binuka ang bibig para sa sasabihin. Kristoff remained silent. Olivia's a big mystery. Narinig niya kung paano nito tratuhin at pagsalitaan ang asawa ni Senator.

"Olivia just moved in here last year. Hindi maganda ang tratuhan nila ng pamilya. She's the black sheep which is obvious."

"Where are her parents?"

"Luisito Villafurte's in the US with his new wife. Olivia's mother was shot dead sa isang ambush noong ten years old siya. Nag-iisa siyang anak and ayon sa mga nabalitaan ko, pinalayas siya ng step mother niya noong mag-eighteen siya."

Eighteen? She's just twenty. How could a step mother do that? At anong ginawa ng tatay niya? He can't believe it. Sa kanilang bahay, kahit na selyado na ang karera ng mga bagong silang, ni minsan ay hindi ito pinabayaan. Querio values close family ties si much. Maka-Diyos ang pamilya niya.

Bumukas ang pintuan ay pumasok doon si Dylan, Jack and Louie. Sumaludo agad sila sa kapitan at nagsintungo sa kanilang barracks para sa damit pang ligo. Nauna kasi si Paris at may pinagawa si Borris sa kanila kaya ngayon pa lang sila makakaligo.

Juniors nilang dalawa ang mga ito. Tandang tanda nila na bata man sa kanila ay talagang magagaling din sa baril ang mga ito. Luigi Crisanto excels in deciphering codes, Dylan Montealto knows bombs and explosive and how to diffuse it. And lastly, Jack de la Vega is one of the best hackers he had seen.

"Anong pinagawa ni Borris?" tanong ni Paris.

"Nagpatulong po sa pagset-up ng mga tables. May munting salu-salo sa pagdating ni Mrs. Villafuerte." Sagot ni Jack.

"Yes! Makakachibog na naman." Sabi ni Dylan na parang nanalo sa lotto.

At hindi nagtagal, nagging maingay ang labas dahil sa pagdating ni Esmeralda Villafuerte. Nakakulay green na bestida ay lumabas ito sa limousine na akala mo ay isang artista. Nakatayo naman ang pamilya sa harapan niya na akala mo ay reyna ang sasalubungin. Olivia pasted a sarcastic smile.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now