Chapter 1

244 6 0
                                    

Chapter 1

|Cahira Bluebell|

Ang usapan sa email ay alas tres magsisimula ang interview, pero alas kuwatro na at wala pa ata silang balak na tawagin ako. Hays! Naiinip na ako, after kasi nito ay may tutorial pa ako sa Saint Valerina Subdivision. Hindi ako pwedeng mahuli dahil maldita si Paula na isang first year high school sa magandang school.

Oo, sobrang maldita ng batang 'nun.

"Ms.Bluebell, your turn."

Salamat naman! Agad akong tumayo at pumasok sa loob ng CEO Office. Ay, wow! Purple na purple ang opisina, hindi ako na-inform na beki pala ang boss dito.

Naupo ako sa malambot na couch habang hinihintay ang mag-iinterview sa akin na nasa comfort room pa. Inilibot ko muna ang aking paningin. Infairness naman ay mabango, malinis at maayos ang opisina niya.

"Nandito ka na pala." saad ng CEO sa napakalambot nitong boses.

Naupo siya sa kaniyang swivel chair atsaka binasa ang resume na ipinasa ko.

"Cahira. What a wonderful name."

Napangiti ako. Wow, bihira lang may magsabi ng ganyan sa akin. Pangalan lang ba yung maganda?

"Introduce yourself."

Umupo ako ng tuwid atsaka ako tumingin sa kaniya.

"Ako nga pala—" pinutol niya ang aking sasabihin, nagsalubong bigla ang kaniyang kilay.

Huh?

Problema nito?

"In English please."

"Uh– I'm Cahira Bluebell from St.Valerina Subdivision. Graduate ako ng–"

Tumayo siya atsaka hinagis ang resume sa akin.

"Ang sabi ko mag-English ka! I don't accept a person like you." nanggigigil niyang sabi sa akin.

Aba, hindi ata maganda na sigawan niya ako. Tumayo rin ako at ibinalik sa kaniya ng maayos ang aking resume. Lalo pa siyang nainis sa akin at nagtangka pang ihagis ang telepono sa table, buti na lamang at may dumating na babae kaya hindi natuloy ang kaniyang binabalak.

Nginitian ko lang siya. Tingnan natin kung saan aabot 'yang marumi niyang ugali.

"Pauwiin mo na ang mga applicants, may napili na ako." tumingin siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, at mula sa leather bucket bag na dala ko ay kinuha ko ang aking CelebShine Powder Tint na limited edition. Nakuha nito ang atensyon ni Kesden, ang baklang CEO.

Inagaw niya yung tint sa akin atsaka ito tinitigan, inamoy at sinuri pa ang label.

"Legit?! Ang isang katulad mo ay naka-grab ng limited edition ng CelebShine Powder Tint? Duh! I can't imagine that." natatawa pa siya.

Binawi ko sa kaniya yung tint.

"E ano naman? Pasalamat ka pa nga at may bumibili nito, ngayon alam ko nang masama pala ang ugali ng may-ari nito." saad ko atsaka tumalikod sa kaniya.

Lalabas na sana ako sa kaniyang opisina pero mabilis niya akong pinigilan. Humarang siya sa glass but tinted door, medyo hinihingal. Infairness maitsura ang beking 'to. Sayang! Sobrang saya niya. Hmp! Kahit naman maging lalaki siya, at ganyan ang pag-uugali ay hindi pa rin ako magkakagusto sa kaniya.

Magkatitigan lang kaming dalawa. Nagpapakiramdaman. Maya-maya pa ay may lalaking yumakap mula sa kaniyang likuran.

"W-Wait." napatigil sila sa paglalandian.

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon