Chapter 4

73 4 0
                                    

Chapter 4

|Jude Hugh's POV|

It's been five years. And I'am genuinely happy with Kesden Lawson, my partner for almost one year. Okay naman siya, maayos makisama. Inaalagaan niya ako, binibigay niya ang mga bagay na gusto ko. Let's say he's SPOILING me.

Hindi ako nagsisisi na pumatol ako sa gaya niya. Wala namang masama sa desisyon ko, sinunod ko lang ang sigaw ng aking puso.

Kesden and I just finished talking about the lipstick he was going to make. At ayon pa sa kaniya ay related ito sa aming dalawa. He's the sweetest ever.

Naisip kong magtungo muna sa office store na malapit sa CelebShine upang bumili ng character pens, mahilig kasi si Kesden doon. Mag-iikot na rin ako at baka may magustuhan akong bilhin.

"Ako talaga ang magpo-provide ng mga kailangan ko sa opisina?" nilingon ko ang babaeng nagdadabog sa kabilang stall.

Nahulog na sa sahig ang ibang mga notebook, isa-isa ko itong pinulot dahil wala siyang balak ayusin ang mga bagay na ginulo niya. Matapos mag-pulot ng mga notebook ay sinundan ko siya papunta sa counter area.

Wait.

I know her!

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya, "This is my card Miss. I'm gonna pay her bills."

Tumingin siya sa akin at tila nakakita ng multo sa sobrang pagkagulat.

"I-Ikaw?!" ani niya sabay tumakbo palabas.

Agad kong hinabol ang babaeng ipinagbayad ko ng kaniyang mga pinamili. Tatawid na sana siya sa kabilang kalye ngunit mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay.

Nagkatitigan pa kaming dalawa.

'Hindi pa rin siya nagbabago.'

Pumiglas siya at galit akong tinulak palayo sa kaniya.

"S-Sino ka ba? At bakit mo binayaran ang mga pinamili ko?" ani niya.

I smirked.

Hindi ako naniniwalang hindi niya ako nakikilala. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang totoo niyang nararamdaman sa mga oras na 'to.

"Talaga? Imposibleng hindi ako nakikilala ni Cahira Bluebell." nakangiti kong tugon sa kaniya.

Dahan-dahang nagsalubong ang maganda at maayos niyang mga kilay.

"Dapat pa ba kitang makilala ulit?" naging seryoso siya bigla.

Wow. Nagbago na siya.

"Hindi ko sinasadya yung nangyari noon. I saw you standing outside the mansion, pero hindi kita nahabol agad. Handa naman akong magpaliwanag sayo." saad ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

"I'm desolate that time. Kasi ikaw ang first boyfriend ko, pero nakilala ko si Amelia and she taught me a lot of realizations in life. I don't need your explanation Jude, I'am absolutely contented with my life now." she pointed out.

Tuluyan nang umalis si Cahira. Walang halong biro yung plano kong magpaliwanag sa kaniya. Hindi rin malinaw ang paghihiwalay naming dalawa noon, alam kong nasasaktan pa rin siya. Kailangan ko siyang makumbinsi na makipag-usap sa akin.

****

|Cahira's POV|

Argh!

Umiiwas na nga ako pero nagkita pa rin kaming dalawa. Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng malaman ni Kesden na nagkaroon kami ng relasyon ni Jude noon. Sigurado akong pag-iinitan niya ako palagi.

Ano ba'ng dapat kong gawin?

Ayaw ko ng away o gulo. Gusto ko lang ng trabaho, gusto kong kumita. Huwag sanang malaman ni Kesden, dahil pareho kaming mananagot ni Jude.

"Ma'am, okay na yung opisina." sinalubong ako ni Mang Felipe.

Nawala naman agad ang pag-aalala ko.

"Salamat po ng marami." nginitian ko siya.

Tumango naman si Mang Felipe atsaka siya nagtungo sa opisina ni Kesden. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang malinis at maayos na bagong opisina. I immediately prepare all the stuffs that I'll need to renovate this place.

Marami pa akong dapat bilhin.

"Wow."

Anak ng— nakakagulat naman ang baklang 'to, bigla-bigla na lang sumusulpot.

"Okay po ba?" tanong ko sa kaniya.

"Don't ask for my opinion. Ipapadala ko rito mamaya ang computer at iba pang gamit na kakailanganin mo. I'll give you extra one day to make this office immaculate." sabi ni Kesden habang naka-crossarms.

Tumango na lamang ako, but deep inside I'am enraged and perplexed.

Malinis na ang opisina, konting gamit na lang ang kailangan. Pero bakit ganun pa rin ang kaniyang opinyon? Ano pa ba'ng gusto niya? E hindi naman siya ang gagamit nito. Ang arte! Sobrang ARTE. Nagkaroon naman ako ng mga kaibigang bakla, pero lahat sila ay malayong malayo sa nilalang na kaharap ko ngayon.

Wala naman akong magagawa dahil siya pa rin ang masusunod sa kumpanyang 'to. Imbes na makipag-diskusyon pa sa kaniya ay nanahimik na lang ako at nagsimula nang mag-ayos.

"Bilisan mong kumilos, dahil simula ngayon ay bayad na ang araw mo." Kesden proclaimed.

Hindi na ako sumagot at hindi ko na rin siya nilingon. Hahabaan ko na lang ang aking pasensya dahil ito na lang ang natitirang pag-asa ko.

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon