Chapter 17

46 3 0
                                    

Chapter 17

[July 22, CelebShine 3rd Anniversary]

"Good morning!"

Masayang-masaya at hyper ang bakla ng taon. Malamang, anniversary ngayon ng company niyang 'SUCCESSFUL' daw kuno. Ang yabang! Niyayakap niya lahat ng tao rito sa venue, except sa akin.

E di huwag!

"Okay team, let's make this event successful. Wala sana'ng masaktan or mangyaring masama sa ating lahat. Let us enjoy this day." masayang sambit ni Kesden.

Sumagot silang lahat na may palakpak pang kasama, including Tita Jackie. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalagay ng sapin sa mga mesa. Huwag lang siyang topakin mamaya, dahil sigurado akong masisira ang magandang moood ng party niya.

Maya-maya pa ay dumating na rin sina Fred at Jude na tutulong sa amin na mag-ayos.

Sa labas ng CelebShine gaganapin ang anniversary party, naghanda rin kami ng daan-daang fireworks para mamaya. Tapos nag-hire pa siya ng live band to make the party 'BONGGA' raw.

"Cahira tulungan na kita." lumapit sa akin si Jude.

Automatic akong napaatras upang hindi magdikit ang aming mga braso. Hindi sa bitter ako, ayaw ko lang talaga sa kaniya. Pero pilit kaming pinaglalapit ng tadhana.

Sus! Hindi na ako aasa sa COMEBACK.

I don't want to ruin their relationship. Hindi ako ganun kasama, hindi ako inggitera. Tama na 'yung minsan akong minahal ng isang Jude Hugh.

Anyways, hindi ko na siya kailangan ikwento pa.

'STOP THINKING ABOUT HIM, CAHIRA.'

He's not in love with me anymore, we're no longer connected to each other.

Titigilan ko na ang kakaisip sa kaniya at sa nakaraan namin.

"Tita mo pala siya?" nakaturo siya kay Tita Jackie.

Ngumiti ako na may kasamang pagtango.

"Paano mo nalaman?" I asked him.

"Sinabi lang ni Fred." tugon naman ni Jude.

Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Matapos maglagay ng sapin ay tumulong ako kay Fred na mag-arrange ng mga bulaklak sa bawat mesa.

Dumating na rin ang catering team at nagsimula na rin mag-ayos. Busy ang lahat, sobra. Hindi rin mapakali si Kesden, dala ng excitement.

"Cahira, ikaw na ang bahala sa balloons." utos sa akin ni Tita Jackie.

Tumango naman ako atsaka nagsimula nang ayusin ang mga lobo sa magsisilbing stage ng venue. I saw Kesden hugging Jude, sobrang sweet nilang dalawa.

Masuwerte ka Kesden, totoong mahal ka ni Jude.

'STOP IT.'

Tumalikod ako at nagmadali nang mag-ayos.

"Cahira!" nilingon ko si Kesden.

Pinapapunta niya ako sa tinatambayan nila ng boyfriend niya. Tinapos ko muna ang pagkakabit ng mga lobo atsaka ko sila nilapitan.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"May isusuot ka na ba mamaya?" Jude asked me.

"H-Ha? Hindi naman ako invited." tugon ko.

"All CelebShine employees are invited. Huwag kang kj." taas-kilay namang saad ni Kesden.

"Pasensya na, pero may importante akong lakad mamaya." palusot ko.

Nakatingin lang si Kesden sa akin at tila nasira ang maganda nitong mood. Hindi ako mahilig umattend sa mga party. I don't like loud music, I don't wanna socialize with random people. Oo kj ako, at wala silang magagawa kung ganito ako.

Mabilis din akong malasing, at umiiwas lang ako sa gulo. Ayaw kong mapahamak at mas lalong ayaw kong mag-alala sila Mama't Papa.

"Kapag hindi kita nakita mamaya, hindi mo magugustuhan ang parusa ko sa'yo." galit na sabi ni Kesden.

"Grabe ka naman." inakbayan siya ni Jude.

"Fine." tinitigan ko siya atsaka ako naglakad palayo sa kanilang dalawa.

Ano'ng susuotin ko?

Hindi ako handa.

I need Amelia's help. Baka may mga damit siyang naitatago sa bahay nila.

"Uuwi muna ako." sabay na tumingin ang magkasintahan sa akin.

Tumango si Jude, habang si Kesden ay hindi ko maintindihan ang expression ng kaniyang mukha.

****

"Damit? Ano'ng klaseng damit naman ang kailangan mo?" Amelia asked me.

"Kahit ano, basta pang-party!" natataranta ako.

Magpapa-salon pa sana ako, kaso wala nang oras. Atsaka hindi naman importante ang event na 'yon para sa akin.

"What if ito na lang?" Ipinakita sa akin ni Amelia ang yellow-gold maxi dress.

It suits the theme of the party, perfect! Humiram na rin ako ng high heels sa kaniya, tapos inayusan na rin ako ni Amelia. Maaasahan talaga siya. Buti na lang may kaibigan akong gaya niya.

"Ayan ha, okay na." ani ni Amelia na mukhang manunumbat na naman.

I chuckled.

"Salamat!" saad ko sabay kurot sa magkabila niyang pisngi.

Habang tinititigan ko ang aking sarili sa salamin may ay tumunog na cellphone sa loob ng aking bag.

Sh*t!

- calling: Kes -

Ano'ng gagawin ko?!

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang