Chapter 11

54 4 0
                                    

Chapter 11

Pagkatapos ng meeting sa CelebShine Laboratory ay agad kaming nagtungo sa isang restaurant upang kumain. Binulungan din ako ni Fred na ililibre daw kami ni Kesden. Hmm~ sana totoo yung sinasabi niya dahil wala naman akong pera.

"You can order the food you want, I don't care if it's expensive." Kesden said.

Sounds like nagyayabang pero ayos na. At isa pa, siya naman ang nagsabi na babayaran niya ang pagkain na oorderin namin.

"Fiorentina Steak ang akin." saad ni Fred.

"What about you Cahira?" Kesden asked me.

"Ossobuco na lang." ani ko.

"Great! Italian foods here are the best. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang mga pagkain. Waiter!"

Tahimik ko lamang na pinagmamasdan si Kesden. Sana hindi niya 'to ibawasa sa sahod ko.

"Kuya, may bagong shade na ba ang liptint ng CelebShine?" tanong ni Fred kay Kesden.

Hinawakan naman ni bakla ang balikat ko at hinihimas-himas pa ito. Waaah! Huwag kang ganiyan, Kesden. Nanlalambot ang katawan ko, nanghihina ako.

Ewan ko, pero kinikilig ako.

"Salamat sa babaeng 'to, nagustuhan ng doctors ang suggestion niya." nakangiting sabi ni Kesden.

Napapikit ako. Say what?! Nakakainis, kakaiba talaga yung nararamdaman ko kapag ginaganito ako ni Kesden. Hindi dahil sa bakla siya, kundi kakaiba talaga ang pakiramdam na dinadala ng mga kamay niya sa katawan ko.

I don't know why!

"Your hobby is watching YouTube videos right?" Kesden asked me.

Bahagya akong lumayo sa kaniya, sobrang naiinis na ako sa mga action niya. Bakla pa ba 'to? Hays! Don't think too much Cahira. Kailangan maging positive ako palagi, hindi ko dapat hayaan na mahulog ako sa nilalang na 'to.

"And you're trusting me now." banat ko.

I hear him laughing. Sus! Wala akong tiwala sa mga ganyang tawa.

"Well, sige na nga. Pero huwag na huwag mong sasayangin ang tiwalang ibinigay ko sa'yo, dahil once na nagkamali ka ay baka magdilim ang paningin ko." saad ni Kesden.

Nakaramdam ako ng matinding kaba. Naalala kong hindi pa niya alam ang tungkol sa nakaraan namin ni Jude. E kailan ko ba dapat sabihin sa kaniya? Nanahimik na lang ako.

Dumating na ang pagkain namin at lahat kami ay naka-focus na sa masarap na italian food. Dahan-dahan kong nililingon si Kesden, may kinakalikot siya sa cellphone niya.

"Wow!"

Napatingin din si Fred sa kaniya.

"Bakit?" I asked him.

I gasped quickly. Buti na lang after akong lokohin ni Jude ay binura ko na ang lahat ng photos namin sa social media accounts ko. I'am born ready! Kung hahayaan ko pa kasi sa account ko ang pagmumukha ng lalaking 'yon, baka mapatay ko na siya.

Nginitian ko si Kesden. He even showed us the photo of me during the pageant.

"Same school pala kayo ni Jude." nabitawan ko ang kubyertos.

Kinakabahan talaga ako. Matalino si Kesden, and he will find out my secret soon.

"Uh— yeah. He's popular on our school, anak kasi siya ni Director Hugh." katuwiran ko.

"Yes, exactly. I'am pretty sure that a lot of women is hunting him. Am I right?" napapikit ako sa kaniyang sinabi.

Hindi ko na kaya 'to!

"H-Hindi ko alam e. Maging masaya ka na lang kasi ikaw ang pinili niya." sabi ko.

Tumango naman si Kesden atsaka itinuloy ang pag-scroll sa social media account ko. Kailan ba siya titigil? Pati sexy photos ko makikita niya, pati yung high school photos ko. No way!

Maya't maya ko nililingon kung ano'ng ginagawa ni Kesden.

"You are quite sexy. Bakit hindi na lang ikaw ang maging model ng CelebShine? Kaysa naman magbayad pa ako ng malaki sa mga social media influencer o artista. Great idea 'yon, right Fred?"

Nagkatinginan kami ni Fred.

A-Ako?!

Model?

AYAW KO!

"Hindi 'yon maaari." pagtutol ko sa kaniyang ideya.

Nagsalubong ang kilay ni Bakla.

"And why?" he immediately asked me.

"Hindi ako sikat, hindi ako maganda at walang nakakakilala sa akin." tugon ko.

"Huwag mo nga i-down 'yang sarili mo! No matter what they say, you are the newest CelebShine Cosmetics model." hinawakan pa niya ang magkabila kong pisngi.

Ano ba ang nakain nito at bigla siyang naging mabait sa akin?

Mukhang nagkatotoo ang dasal ko. Huwag lang niya malalaman ang nakaraan ko.

~

🖋author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon