Chapter 37

66 5 0
                                    

Chapter 37

We're ready for take-off.

Grabe na talaga 'tong boss ko. Nagagawa niya ang mga gusto niya without asking me kung busy ba ako or hindi. Ano na naman kaya ang idadahilan ko sa aking mga magulang? Magtatampo na naman si Mama sa akin.

'Di bale sana kung malapit lang ang lugar na pupuntahan namin.

"Welcome to Thailand!" nakataas pa ang dalawang kamay ni Kesden.

I hate this!

I hate him!

I hate everything about him!

"Bakit ganyan ang mukha mo? Dapat nga masaya ka kasi sinama kita rito." saad ni Kesden sabay nag-cross arms.

"This is not my dream destination." kalmado kong tugon sa kaniya.

"What? O.M.G! Ang cheap mo, sobrang cheap mo. Hello girl? Nasa Thailand ka na umaarte ka pa riyan." inis naman niyang sabi.

I smirked.

Naiinis na siya sa akin. 'Yan ang gusto kong mangyari. Baka sakaling mapaaga ang balik ko sa Pilipinas.

"Tara na." saad ko.

Naglakad na ako palayo sa kaniya. Nagtataka ako siyang nilingon. What the f*ck! Ang taas talaga ng pride ng baklang 'to. He's still standing and waiting for me to carry his luggages.

Padabog ko siyang binalikan.

"I knew it." saad niya atsaka inunahan ako sa paglalakad.

Ang sarap batuhin ng baklang 'to! Punong-puno na talaga ako sa kaniya.

"Bilisan mo!" he shouted at me.

Nagmadali akong maglakad. May sumundong kotse sa amin, wala akong idea sa mga nangyayari ngayon. Ang naaalala ko lang ay nasa bahay ako at nagpapahinga tapos bigla akong tinawagan ng bakla kong boss.

Inaalala ko na naman sila Mama at Papa.

Ano kaya ang nararamdaman nila sa mga oras na 'to?

"Bakit nasa iisang kwarto na naman tayo? Hindi mo ba afford 'tong hotel?" inis kong saad kay Kesden.

"Huwag kang maarte. As you can see, dalawa naman yung kama. Atsaka hindi ako mag-iisip o gagawa ng masama sa 'yo. Duh!" inirapan pa niya ako.

Nakakainis na talaga siya!

Sobra siya makalait sa 'kin. Akala mo ang ganda niya, yuck! Kahit saang anggulo tingnan, mas maganda ako. Kaya nga ako yung unang minahal ni Jude–

NEVERMIND!

Inayos ko na ang mga gamit namin. Habang si Kesden naman ay nakadungaw sa bintana at tila may malalim na iniisip.

"Nakakasawa."

Napatigil ako sa aking ginagawa. Tumayo ako upang lapitan ang nagda-dramang bakla.

"What?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Dahan-dahang humarap si Kesden sa akin habang nakasimangot. Ano na naman kaya ang trip nito?

"Ang sabi ko nakakasawa na." he replied.

"Ang alin? Sino?" naguguluhan pa rin talaga ako sa mga sinasabi niya.

He drew a big smile on his face.

"Lahat. Even my job." saad niya.

"C-CelebShine?" ani ko.

Tumango siya. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. Nataranta ako at hindi ko alam ang aking gagawin.

Bakit umiyak bigla ang baklang 'to?

"Hoy, umayos ka nga!" saad ko.

Maya-maya pa ay muli siyang ngumiti.

BALIW!

"Nakakatawa no? Bakit kaya kailangan pa tayong pahirapan bago natin makamit yung real and genuine happiness?" saad ni Kesden.

Tumitig lang ako sa kaniya. I saw the pain on his eyes. Naaawa rin naman ako sa kaniya.

"Deserved natin pagdaaanan lahat 'yon." sabi ko.

"Kayo. Pwes ako, hindi!"

What the– I can't believe this person. Akala ko seryoso na yung topic namin.

"I thought you're serious." kunwari ay nagtatampo ako.

Hindi ko inaasahan na yayakapin ako ni Kesden. Nakaramdam na naman ako ng matinding kaba. Pumikit ako at hinihintay ang mga susunod pa niyang gagawin.

Nakayakap pa rin siya sa akin.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

"Stop!" mabilis akong pumiglas mula sa kaniyang pagkakayakap.

"Why?" he asked me with his confused face.

Nababaliw na ata ako.

"Simula ngayon huwag mo na akong yayakapin." saad ko.

"Huh? Ano na naman ba'ng problema mo?" natatawang saad ni Kesden.

Nahihiya ako para sa sarili ko. Ano nga ba 'tong mga sinasabi ko?

"I mean– huwag na huwag mong ididikit ang ano mang parte ng katawan mo sa balat ko. Nakakadiri!" tugon ko.

Tumawa siya ng sobrang lakas. Sh*t!

"You know what? Wala namang malisya kahit yakapin kita o halikan ko pa 'yang pisngi mo. Mas maganda ako sayo kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa akin." taas-kilay pang sabi ni Kesden.

Naiiyak na ako sa sobrang inis sa kaniya. Kahit kailan hindi talaga ako mananalo sa baklang 'to. Maarte na, ang lakas pang manlait. Buong bakasyon ata namin puro na lang asaran at bangayan ang mangyayari.

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now