Chapter 3

89 6 0
                                    

Chapter 3

Umuwi muna ako sandali sa bahay. Kinukulit na rin ako ng baklang CEO na pumasok bukas at mag-start na bilang secretary niya. Well, wala pa ako sa mood. Atsaka wala na dapat siyang paki sa mga desisyon ko.

Naabutan kong naghahanda si Mama ng pagkain sa mga tupperware.

"Para saan 'yan?" walang-gana kong tanong sa kaniya.

Tumitig siya sa akin.

"Third year death anniversary ni Charles ngayon." ani niya.

"Hindi mo siya tunay na anak..."

"Hanggang ngayon ba selfish ka pa rin? Naging bahagi ng pamilya natin si Charles, at dala niya ang apelyido ng Papa mo. Kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan." galit na saad ni Mama.

Gusto kong maiyak. Masyado na akong pinapahiya ng pamilya ko. Sobra na.

"May pasok ako, hindi ko kayo masasamahan." dumeretso na ako sa kwarto.

Inis at padabog kong isinara ang pintuan. Charles, Charles, Charles! You're dead already, but they're still remembering you than me. Why Charles?! Why?

Ginawa ko ang lahat tatlong taon ang nakalipas simula nang mamatay ka. Pero ikaw at ikaw pa rin ang iniisip nila. Ito na siguro ang tamang panahon para iparamdam sa kanila ang presensya ko.

Papasok ako bilang secretary ni Kesden sa CelebShine Cosmetics. Gagawin ko ang lahat para maging proud sila sa akin kahit minsan.

****

Nasa lobby na ako ng CelebShine at hinihintay si Kesden. Excited na akong makatrabaho ang baklang 'yon, at aalamin ko kung paano sila nagkakilala ni Jude. Hindi naman sa nagseselos ako, nakapagtataka lang na kung bakit umabot siya sa ganitong punto.

He's a decent person back then. Very respectful, malinis at maayos na lalaki. He knows what's wrong and what's right for him. I just want to know kung ganun pa rin ba siya hanggang ngayon.

Sa ugaling nakita ko kay Kesden, hindi malayong mabago rin nito pati ang pag-uugali ni Jude. At kung sakaling tama ang hinala ko, I will do what Amelia have told me.

REVENGE.

Yes.

Sisirain ko silang dalawa. Hindi ko hahayaan na maging masaya sila.

"Nandiyan ka na pala."

Napatingin ako sa baklang nakatayo sa harap ko at nakasuot pa ng navy blue shawl collar cardigan sweater, navy blue slacks and oxfords shoes.

Nagmumukha akong mahirap kapag nakikita ko siya. Kumikinang rin ang skeleton piaget altiplano watch niya. Sh*t! Nahihiya ako. Sobrang simple lang ng suot ko, walang-wala ako sa kaniya.

"Uh- yeah, kanina pa." naiilang kong sagot.

"Mabuti naman at maaga ka, ganyan dapat ang mga secretary." ani pa niya.

Imbes na sagutin pa ang tila nakakainis niyang sinabi ay pinili ko na lamang na manahimik at bigyan siya ng matamis kong ngiti. Sumama na rin ako patungo sa kaniyang opisina.

Bakit kaya tila may nagkakarera sa puso ko? Ang bilos ng tibok nito, kinakabahan ako.

"This is my office, at sa katabing kwarto ang sa 'yo. Medyo maliit 'yon, tama na sa mga gaya mo. Please maintain a clean and neat office. Bihira lang ako pumasok doon. Once I push that small button on my table, may tutunog sa office mo and you need to come here. Understand?" he explained.

I nodded.

"Thanks for accepting me." nakangiti kong sabi.

"Okay. I don't want to waste my time, magsimula ka na." he disclosed our conversation.

Nagtungo na ako sa aking magiging opisina upang mag-ayos. Ayon sa baklang so Kesden, kailangan daw ay palaging maayos at malinis ang tila bodega na opisinang 'to. Nagsimula ako sa pagwawalis at pag-lalampaso ng sahig. Nagtanggal din ako ng agiw.

Grabe! Wala manlang nag-maintain ng kalinisan dito. Wala ba silang utility? Duh!

Kailangan ko rin makabili ng document drawer, humidifier, lamp and other stuffs that will make this office vibrant and immaculate.

Pinag-iisipan ko rin kung ilalagay ko ba ang family picture namin dito. E halos 'yon kasama si Charles.

"Hi ma'am." nilingon ko ang lalaking bumati sa akin. Nginitian ko siya.

"H-Hello po. Bakit ho kayo nandito?" ani ko.

Ngumiti rin siya sa akin. Pumasok siya sa loob ng opisina at may dala pang mga gamit na panglinis. Nakakatuwa ang isang 'to.

"Ako nga pala si Mang Felipe." panimula niya.

Mukhang mabait naman siya.

"Cahira. Ako po yung bagong secretary slash assistant ni Kesden. Bakit nga po pala nandito kayo?" saad ko.

"Nakakahiya naman kasi sa bagong empleyado na gaya mo, ikaw pa ang maglilinis dito. Gawin mo na ang iba mo pang gagawin, ako na ang bahalang maglinis." dagdag pa ni Mang Felipe.

"T-Talaga po?" hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi.

Mabait naman pala talaga siya. Sa wakas, nagkaroon ako ng NFF (New Found Friend) dito sa CelebShine. Nagtungo muna ako sandali sa malapit na office store sa tapat ng CelebShine.

Bibili ako ng mga documents rack at kung anu-ano pang mini storage cabinet. Kailangan kumpleto ang gamit ko dahil masyadong maselan ang boss ko.

Ballpen, check!

Rulers, check!

Notebooks, check!

Other office stuffs, check!

Ano pa ba ang nakalimutan ko? Siguro naman si Kesden na ang bahalang mag-provide ng iba ko pang mga pangangailangan.

Nagtungo na ako sa counter area upang magbayad.

"This is my card Miss. I'm gonna pay her bills."

Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking katabi ko. Pamilyar sa akin ang kaniyang amoy.

"I-Ikaw?!"

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon