Chapter 30

55 4 0
                                    

Chapter 30

Hindi pa natatapos ang diskusiyon naming dalawa ni Kesden. Kakatapos ko lang kumain at pagbalik ko sa opisina ay nakaabang agad ito sa pinto. Ano na naman kaya ang pagtatalunan namin?

Tahimik lang ako, habang siya ay nakatingin sa kaniyang laptop.

What should I do this time?

Buti na lang at may nagpasa ng papers and resumes ng bagong aplikante. I scanned those papers to choose the right and deserving applicants.

"Ako ang gagawa niyan." pagsita ni Kesden sa akin.

Marahan ko siyang tiningnan.

"A-Ako na." hinawakan ko ng mahigpit ang mga papel.

Nilapitan niya ako atsaka tumitig ng matagal sa akin. Ano'ng gagawin ko? Minsan masyado na akong nahuhumaling sa mga titig ni Kesden, para kasing totoo na 'tong landian naming dalawa e.

Lord, siya na po ba ang para sa akin?

"Maaga na lang akong uuwi mamaya. I really don't like the atmosphere here today." saad ni. Kesden habang pabalik sa kaniyang kinauupuan.

"Ano ba'ng problema mo?" I asked him.

"Wala. Ikaw, ano'ng problema mo?" taas-kilay pa niyang sabi.

Wow! Parang pinapalabas pa ata niya na ako ang nagsimula nitong away naming dalawa.

"Kung palagi tayong mag-aaway, huwag na natin ituloy ang agreement. Lalong hindi maniniwala si Jude sa atin kung palagi tayong ganito." seryoso kong sabi.

Nanatili lamang nakatingin si Kesden sa akin, bigla akong kinabahan sa mga nasabi ko.

"Nag-aaway ba tayo?" natatawa nitong tanong.

Nababaliw na siya.

Kung siya ang totoo kong boyfriend, ngayon pa lang ay makikipaghiwalay na ako. I really hate his attitude.

Maghapon kaming nagbabangayan ni Kesden. Buong buhay ko mag-aaway na lang ata kami palagi.

*****

Akala ko matatahimik na ang aking mundo, hindi pa pala. Hindi agad ako pinauwi ni Kesden dahil may gagawin pa raw kami. Ano naman kaya 'yun? Sinama ako ni Kesden sa kaniyang bahay nila.

Nakaabang ang kaniyang mga magulang sa sala, including his maids. Ano ba'ng meron?

"What are we doing here? Bakit nandito ang parents at mga kasambahay mo?" nagtataka kong tanong kay Kesden.

"Dito ka magdi-dinner at matutulog." seryosong sagot niya.

What?!

Seryoso ba siya? This is the very first time na matutulog ako sa bahay ng ibang tao, except for my best friend's house.

"Uuwi ako, Kesden! Hindi ako pwedeng mag-stay dito." inis kong saad.

He glared at me. Parang papatay na naman yung titig niya sa akin.

"Kailangan mong sundin lahat ng sasabihin ko dahil girlfriend kita." saad ni Kesden.

"Hey, listen. Sa isang relasyon, hindi lang babae ang dapat sumunod sa lalaki. Ano'ng klaseng boyfriend ka kung ganun?" inis kong sabi.

Kesden smirked at me.

"Mabait. Mabait na boyfriend." saad niya.

"Kesden ayaw ko rito. Ano ba kasing meron?"

"Wala naman. E 'di ba girlfriend kita? Natural lang na matulog ka kasama ko." lumapit si Kesden sa akin.

"Kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi ako matutulog dito." inis kong sabi.

Lumayo siya sa akin. Nagtungo na kaming lahat sa dining area at nakahanda na roon ang mga pagkain. Buffet ata itong napuntahan ko.

"Maupo na tayo." saad ng mommy ni Kesden.

"T-Thank you po." naiilang kong sabi.

Paninindigan ko na ba 'to?

"Siya ba ang bago mong secretary?" tanong naman ng daddy niya.

Tumango lang si Kesden habang busy siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"So nandoon ka rin pala noong may gulong nangyari sa party?" saad ng mommy niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Tumingin ako kay Kesden na tila naghihintay sa aking sasabihin.

"A-Ako po yung umawat." tugon ko.

"Really?" hindi makapaniwala yung daddy niya.

Ngumiti naman ako.

Feeling ko bad mood na si Kesden, hindi kasi siya nagsasalita. Lalo pa't sila ni Jude ang topic namin. Manunuyo na naman ako ng ma-pride na bakla mamaya.

~

🖋author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now