Chapter 21

53 3 0
                                    

Chapter 21

Bumalik kami ni Kesden sa venue ng party. Wala nang mga bisita, malinis na ito, patay na rin ang mga ilaw. His parents decided to end the party immediately. I'am distressed about Kesden's situation right now.

Nakatitig lang ito sa venue habang walang tigil sa pagpatak ang kaniyang luha.

"Napahiya ako, napahiya ko sila." saad nito.

"Walang may gusto ng nangyari. At isa lang naman ang dapat sisihin dito." tugon ko.

Tumingin siya sa akin at tila napuno ng pag-asa dahil sa aking sinabi.

"What do you think?" he asked me.

"Ha?" hindi ko na-gets ang punto niya.

He smirked at me.

"Gusto kong pahirapan si Jude." taas-noo nitong sabi.

"H-How?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Hindi na sumagot si Kesden. Naglakad na ito patungo sa kaniyang opisina. Argh! Hanggang anong oras kaya kami maglalakad-lakad dito sa CelebShine? It's already eleven, wala nang mga tao rito kundi ang security guards at utility staffs na lang.

E ano pa nga ba ang magagawa ko?

Boss ko siya, at dapat lang na sundin ko ang kaniyang mga utos. Dapat palagi akong nasa side niya, dapat sang-ayon ako palagi sa kaniya. We both got dumped by Jude. At sa puntong ito, kaming dalawa ang dapat na magkakampi.

Pumasok si Kesden sa loob ng kaniyang opisina, tinanggal niya ang lahat ng pictures nila ni Jude sa wall, he even threw all the things that reminds him of that bullsh*t.

"Ano kaya ang magandang gawin para magtino ang lalaking 'yon?" Kesden asked me while throwing all the stuffs of his ex.

"Walang gamot sa taong manloloko. Hindi 'yon pagkakamali, sakit na nila 'yon." saad ko.

Tumawa ng malakas si Kesden atsaka humarap sa akin.

"I love that!" tumuro pa ito sa akin.

Mukhang gumagaan na ang loob niya sa 'kin. Ito na ba ang simula ng pagbabago between us? Sana tuloy-tuloy na 'to.

'Cause I really, really want to help him.

"Uuwi na ako." palabas na sana ako nang biglang hawakan ni Kesden ang aking kamay.

"Stay here." seryoso nitong sabi.

"H-Huh? Hindi pwede." pagtanggi ko.

"Please, Cahira."

Wait! Mali itong nararamdaman ko. Bakit parang sobra akong kinakabahan?

Pumiglas ako mula sa kaniyang pagkakahawak at bahagyang lumayo. Ang awkward! Iba pala ang pakiramdam kapag bakla ang tumitig sa'yo.

"A-Ano ba'ng gusto mong gawin sa mga oras na 'to?" tanong ko sa kaniya.

"Mag-iinom." pumasok siya sa pantry ng kaniyang opisina.

Ano daw? Mag-iinom? Sana nasa matinong pag-iisip pa itong amo ko. Hindi dapat siya magpakain sa kalungkutan, kayang-kaya niyang lagpasan 'to.

Lumabas siya na may dalang apat na bote ng beer at inilapag ito sa coffee table. Uuwi ata akong bangag mamayang umaga.

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now