Chapter 15

54 2 0
                                    

Chapter 15

"Seryoso ka ba?" kanina pa tanong nang tanong si Fred sa akin habang nasa byahe kami papunta sa bahay namin.

"Yes, I'am f*cking serious!" tumigil ako sa paglalakad.

"Ano ang gagawin natin dito? Imbes na humanap tayo ng—"

Natigil ang pagtatalo naming dalawa nang buksan ni Mama ang gate. Pinapasok niya kaming dalawa sa loob at naghanda ng maiinom.

"Cahira." nakatitig lang si Fred sa akin.

"Mama, may ipapakiusap sana ako." saad ko.

Humugot ako ng lakas ng loob upang sabihin ito sa kaniya.

"May problema ba? At sino ang lalaki'ng 'yan?" ani naman ni Mama.

Naku, mukhang mali ang kaniyang iniisip.

"Si Fred po, katrabaho ko." saad ko.

"Bakit kayo nandito?" muling tanong ni Mama.

Umayos ako ng pagkakaupo. Ito na siguro ang tamang oras upang ibaba ko ang aking pride.

"I need Tita Jackie's help." tugon ko.

And yes, may sariling party and event business si Tita Jackie. Isa siya sa palaging iniimbitahan kung mayroong special events and occasion. Magaling mag-host si Tita and she's good at decorating the party venue.

Siya na lang ang pag-asa ko.

"Para saan?"

Binigay ko kay Mama ang folder na dala namin ni Fred. Binasa niya ang bawat detalye na nakasaad dito. Agad naman niyang tinawagan si Tita Jackie. And thank God dahil wala siyang ibang appointment!

Nakahinga ako ng maluwag.

"Papunta na ang Tita mo." saad ni Mama atsaka dumeretso sa kusina.

Sinundan ko naman siya upang makipag-usap. Panandaliang namayapa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Ma." pagtawag ko sa kaniya.

Humarap naman siya sa akin. Paano ko ba 'to sisimulan?

"May kailangan ka pa ba?" mahinahon niyang tanong sa akin.

Umiling naman ako at mabilis siyang niyakap. Tuluyan nang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata.

"Sorry 'Ma." humihikbi kong saad.

Agad niyang hinawakan ang magkabila kong braso atsaka tumitig sa akin.

"Alam kong masakit pa rin para sa'yo ang mga nangyari. Pasensya ka na rin." ani ni Mama.

"Susubukan kong tanggapin ang lahat." saad ko.

Tumango naman si Mama habang nakangiti.

Maya-maya pa ay dumating na si Tita Jackie, may dala siyang mga gamit at isinama namin siya ni Fred sa CelebShine.

****

Nag-aabang kami sa lobby dahil nasa meeting pa ang baklang palaka. Sa totoo lang ay bahagya akong kinakabahan, dahil iba ang mag-oorganize ng party bukas.

Pero wala kaming magagawa, walang magagawa si Kesden.

Malay ko ba'ng paunahan pala ang pagpapa-book!

"You're here!"

Sabay-sabay kaming tumayo upang lapitan si Kesden.

"Sino siya?" tanong niya sa akin.

"Si Tita Jackie, siya ang magiging party coordinator natin bukas." kalmado kong tugon.

Nagcross-arms ang bakla, tiningnan niya si Tita mula ulo hanggang paa. He's not familiar with her.

"What happened?" he asked me again.

"Kuya, may nauna na kasing magpa-book doon sa dating coordinator natin. So naisip ni Cahira na yung Tita na lang niya ang ipalit." Fred explained.

Agad namang inabot ni Tita Jackie ang folder na dala niya upang ipaalam kay Kesden na legit, magaling at maaasahan talaga siya.

Kinuha naman 'yon ni Kesden. He scanned every pages of it. Tatango-tango pa ang bakla, mukhang satisfied siya sa kaniyang mga nakikita. One point! Mukhang unti-unti ko nang maibabalik ang tiwala ng baklang 'to.

"Kaya ba bukas?" Kesden raised his left eyebrow.

"Yes, what decoration do you want?" confident namang saad ni Tita.

"Gold kasi ang theme ng party, and I want the tables and chairs to be gold-colored. As well as the whole venue." saad ni Kesden.

Nakahinga ako ng maluwag.

Medyo maayos naman pala siyang kausap paminsan-minsan.

Niyaya niya si Tita Jackie na magtungo sa kaniyang opisina upang makapag-usap ng mas maayos. Naiwan naman kaming dalawang ni Fred sa lobby, at saktong dumating naman si Jude.

Hindi ko na naman alam ang gagawin. Binati niya kami, pero umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Bakit nga pala kayo narito?" he asked us.

"Hinihintay namin si Kuya Kes." tugon naman ni Fred sa kaniya.

Naupo si Jude sa tabi ko. F*ck! Bakit ganito yung pakiramdam ko? Matagal na kaming hiwalay but I still felt some awkwardness between us. Nakakainis!

"Nakahanap na ba kayo ng party coordinator?" muli niyang tanong sa amin.

Naiilang naman akong tinanguan siya.

"Buti naman." sumandal siya sa couch.

"Muntik pa nga magalit e, buti may dalang proofs ang Tita ni Cahira na legit siyang party coordinator." saad naman ni Fred.

"You did a great job, Cahira." inakbayan ako ni Jude.

WAAAAH! What-the-hell?

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Naiilang ako, kinikilabutan ako, naiinis ako. I hate him! His smell, his face, everything.

Bahagya akong lumayo sa kaniya.

"Buti na lang talaga kamag-anak siya ni Cahira." dagdag pa ni Fred.

"P-Pupunta muna ako sa office." paalam ko sa kanila atsaka ako nagmadaling umalis.

~

🖋author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now