Chapter 35

71 4 0
                                    

Chapter 35

Isang araw na naman ang natapos. Nagmadali na akong bumaba sa lobby dahil baka patulugin na naman ako ni Kesden sa bahay nila. Palabas na sana ako ng CelebShine nang biglang may humila sa buhok ko.

"Aray!" malakas kong sabi.

Dahan-dahan akong humarap sa demonyong humila sa akin.

"S-Sorry." dagdag ko.

He smirked at me.

"Saan ka ba kasi pupunta?" he asked me.

Sh*t! Anong ibig sabihin ng tanong niya sa akin?

"Uuwi na ako. Why?" saad ko.

Tumawa siya bigla ng malakas at hinawakan ang kamay ko. Sumakay kami ng elevator pabalik sa kaniyang opisina. Sinasabi ko na nga ba! Nagmadali na nga ako, pero nahabol pa rin niya ako.

Alam ko na ang iniisip niya.

"Mag-stay ka ulit sa bahay." tugon ni Kesden.

"Hindi pwede! I mean... nag-aalala na ang parents ko sa akin." saad ko.

Biglang nag-iba ng expression ang kaniyang mukha. Why? May nasabi ba akong hindi maganda? Totoo namang nag-aalala na sila Mama at Papa sa akin.

*****

Nakaupo ako sa aking opisina at naghihintay na lang ng uwian. Sigurado akong may nag-aabang na sermon sa akin mamaya, hindi manlang kasi ako nagpaalam na hindi ako uuwi sa bahay.

Bahala na.

✉️From: Mama
[Hindi ka umuwi kahapon, nag-aalala na kami ng Papa mo. Tawagan mo naman kami kung ayos ka lang.]

Bigla akong na-guilty. Akala ko ilusyon lang na nag-aalala sila, totoo pala.

✉️To: Mama
[Sorry po. Marami po kaming tinapos dito sa opisina. Okay na okay ako 'Ma, huwag na po kayo mag-alala.]

Ang sarap sa pakiramdam na iniisip ng parents mo ang safety mo habang malayo ka sa kanila. At dahil diyan, uuwi ako ng maaga. Nag-ayos na ako ng mga gamit at inipon ko na rin ang mga documents na dapat pirmahan ni Kesden bukas.

Bibili ako ng dessert para extra special ang dinner namin mamaya sa bahay. Na-miss ko rin naman sila, hindi lang halata.

*****

|Kesden's POV|

Bakit ba masyado akong nag-aalala sa babaeng 'yon? At anong pakialam ko kung hindi siya matutulog sa bahay ko? She's not that special or important para mag-alala ako ng ganito.

Duh!

Kaya kong kumain, mag-trabaho at matulog nang wala siya.

Wait...

What's happening?

My heart was pounding so hard. Don't tell me na seryoso na 'tong nararamdaman ko para sa haliparot na 'yon?!

Yuck!

No!

Never.

Nakakadiri! Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakagusto sa isang babae. At bakit si Cahira Bluebell pa?

"May problema ba?" Mom asked me.

"Nothing. Pagod lang ako." saad ko.

My laptop is completely broken. Wala na akong magagawa kundi ang bumili ng bago. Hindi ko masisisi si Cahira, lalong-lalo na si Jude. Kahit naman isang milyong beses siyang magpaliwanag ay hindi na maaayos ang laptop ko.

I need to get rid of that man.

But how?

Kung araw-araw niya kaming kinukulit ni Cahira. Hindi siya naniniwala sa palabas namin.

Hindi ko rin naman pwedeng totohanin yung relasyon namin ni Cahira dahil hindi ako pumapatol sa babae. Nakakadiri!

What if magpunta ako sa abroad?

For good. FOR MY OWN GOOD.

"Mom." ani ko.

Lumapit siya sa akin.

"May kailangan ka?" tanong niya.

"Paki-ayos ang mga gamit ko, passport at kailangan kong umalis." saad ko na dahilan ng pagtataka ni Mommy.

"Biglaan naman ata. Sa pagka-kaalam ko ay wala ka namang business trip this month. Nasaan ba ang secretary mo?" tila galit na saad ni Mom.

I chuckled. She's overreacting again. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang dahilan ng biglaan kong pag-alis.

"Nevermind." matipid kong tugon sa kaniya.

Nagpunta muna ako sa balcony dahil may tatawagan ako.

- dialing: Ms.Bluebell -

"Hey."

"What? Don't tell me na kailangan mo ako sa oras na 'to."

"Tama!"

"Seriously?!"

"Uh-huh. Pumunta ka ngayon dito sa mansyon."

- call ended -

Bakit ako natatawa?

Marami akong naisip na gawin ngayong gabi. Bukod sa pipilitin kong maniwala sa Jude sa mga pagkukunwari namin, gusto ko rin hanapin ang SARILI ko.

Ano ba talaga ang PURPOSE ko?

Para KANINO ba talaga ako?

Am I really meant to be a GAY?

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon