Chapter 2

104 6 0
                                    

Chapter 2

Pansamantala muna akong nakitulog sa bahay nila Amelia, best friend ko since college. Nakilala ko siya after akong lokohin ni Jude, nagtangka akong magpasagasa noon pero hindi ko inaasahan na si Amelia ang nagmamaneho ng kotse. Tinulungan niya akong maka-move on, lahat ata ng advice sinabi na niya sa akin.

I appreciate her efforts and help.

And now I treasured our friendship, we treat each other like biological sisters. Pareho kaming only child, pareho rin kaming tutor.

"W-What?! OMG! Small world. Hindi ko akalain na magkikita pa kayo ni Jude after five years. Amazing!" ani ni Amelia habang naghihiwa ng pipino.

"Pareho tayo ng naisip. Paano kaya sila nagkakilala ng baklang 'yon? At bakit naman kaya niya pinatulan 'yon?" saad ko.

"Alam mo Cahira, ito na siguro yung sign na dapat ka nang maghiganti kay Jude." sabi ni Amelia.

Maghiganti?

Para saan pa?

Matagal ko nang binaon sa lupa ang sakit na idinulot ni Jude sa buhay ko.

"No need Amelia." sabi ko atsaka ibinaling ang atensyon sa paggawa ng sandwich.

"It's needed! Lalo pa't niloko ka niya, it's payback time girl." galit na ani niya.

"Gaya nga ng sinabi ko, naka-move on na ako. You helped me, right? Tapos ngayon pinipilit mo akong gantihan siya. Trabaho ang hanap ko, hindi away." paliwanag ko.

Nagtungo na kaming dalawa sa sala upang doon kumain ng almusal. Sakto naman at pagbukas ko ng TV ay mukha agad ni Jude at Kesden Lawson ang bumungad sa amin.

Muntik ko pang mabitawan ang sandwich na hawak ko.

"Ay, ang taray! Maitsura naman pala ang bago mong boss." saad ni Amelia.

"Hindi mo gugustuhin ang ugali niya kapag nakilala mo siya." sabi ko.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi ka pa nagsisimulang magtrabaho sa kaniya." tila pinagtatanggol pa siya ni Amelia.

I rolled my eyes on her.

"Tingnan natin. Pero sa ngayon kailangan kong mag-focus sa pagtuturo, malapit na ang exam at ayaw kong mapahiya." ani ko.

"Good idea! Sasabay ka na ba sa akin?" nag-prepare na si Amelia dahil dederetso na rin siya sa kaniyang tinuturuan.

Tumango naman ako at sumabay sa kaniya umalis.

****

Kasalukuyan kong hinihintay si Paula rito sa study room. Ang bratinelang batang 'yon ay may pagka-kupad sa pagkilos, kaya ang target time namin na makapag-study ng two hours ay inaabot ng apat na oras. At ayos lang sa mga magulang niya, spoiled bratt e.

Hays! It's been two years, at tila wala pa rin ata natutunan ang batang 'to sa lahat ng itinuturo ko sa kaniya. Lahat na ata ng methods at techniques sa pagsosolve ng math problems ay tinuro ko na, ngunit lahat 'yon ay walang bisa. Nakakainis!

Pero ayos lang, kumikita pa rin naman ako kahit wala siyang natutunan.

"Hi, teacher! Pasensya ka na medyo late ako. Sinubukan ko kasi yung bagong soap na pinadala ni Auntie galing sa Japan, it looks so great!" naupo na siya sa tabi ko.

Tss! Maganda nga, e nasaan ang talino? Sayang ang batang ito.

"I saw the results of your preliminary exam, I'm not satisfied with your score." saad ko.

"Huh? Bakit naman? Pangalawa ako sa highest score." giit pa ni Paula.

"Your parents blamed me about that. They want you to be the best." ani ko.

Hinampas niya ang mesa gamit ang kaniyang libro. Tinitigan niya ako ng masama.

"Dapat dinepensahan mo ako! You're my tutor, it's all your fault." she said with her highest voice.

Below the belt na itong ginagawa niya sa akin. Hindi na ako papayag na babastusin niya ako hanggang gusto niya. Wala akong paki kahit bata siya o menor de edad, ang pinag-uusapan dito ay RESPETO.

This f*cking bratt!

"Hoy, Paula. Isang beses ko lang sasabihin 'to sayo, hinding-hindi ako magpapadala sa mga kaartehan mo okay? Wala na akong pakialam kahit bumagsak ka pa sa exam. Aanhin mo ang talino kung masama naman ang pag-uugali mo." inis kong sabi sa kaniya.

Napatulala si Paula sa akin.

"What did you say?" tumayo siya at nag-tangka pang hahampasin ako ng libro.

"Sige, subukan mo! I will tell your parents that you cheated last year." gigil kong tugon.

Pinandilatan niya ako atsaka naupo. Maski na galit kami sa isa't isa ay ipinagpatuloy namin ang pag-aaral. Natapos ito ng maayos at tahimik, at nakauwi rin naman ako ng ligtas.

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now