Chapter 19

46 3 0
                                    

Chapter 19

|Cahira's POV|

Okay, I'm ready.

Masyado na akong maganda at baka makabog ko pa ang inggitera at bakla kong boss. Ayaw ko naman na magkagulo kaming dalawa dahil lang sa mas maganda ako sa kaniya.

Enough Cahira!

It's already seven o'clock in the evening. Kanina pa nagba-vibrate ang cellphone na napulot ko sa CelebShine.

"Sino na naman kaya ito?" I asked myself.

📨From: Kes
[Hey! Kung sino man ang may hawak ng phone ni Kyler, kindly return that to the owner!]

Hala. Galit na galit si bakla. Ibabalik ko 'to sa tunay na may-ari, hindi sa kaniya. At baka bugbugin pa niya ako.

****

I already arrived at the venue. Medyo marami nang tao, nagsimula na rin silang magpatugtog ng party songs. Halos lahat ng guests ay nakasuot ng black and gold clothes, sinunod nila ang theme ng party.

Naglakad-lakad muna ako upang hanapin si Kyler, ang may-ari ng cellphone na ilang araw nang nasa akin. Alam ko naman ang itsura niya dahil nakita ko 'yon sa gallery ng cellphone niya.

Matangkad, medyo brown yung buhok niya. This is insane! Ang dami kong nakikitang kahawig niya. Nakakahilo.

"Nasaan ka na ba Kyler?" mahina kong sabi habang naglalakad.

"Sinong hinahanap mo?"

Napatigil ako sa paglalakad nang may lalaking humarang sa aking dinaraanan. Si Jude pala. Small world! Nagkita na naman kaming dalawa.

"W-Wala." matipid kong sagot sa kaniya.

Tumango siya.

"Kanina pa kasi kita pinagmamasdan, palingon-lingon ka sa paligid at hindi mapakali. So I thought that you're looking for someone or something." ani ni Jude.

Sabihin ko na kaya sa kaniya? Baka matulungan niya ako. Tutal boyfriend naman niya si Kesden na pinsan ng may-ari ng cellphone na hawak ko.

"Hinahanap ko yung may-ari nito." pinakita ko sa kaniya ang cellphone.

"Ikaw pala." saad ni Jude.

"Huh?" nagtataka kong saad.

Ngumiti siya atsaka kinuha ang cellphone sa akin.

"Kyler is looking for this all over the CelebShine building." natatawa niyang sabi.

"Ako na ang magbibigay sa kaniya!" nag-akma akong aagawin sa kaniya ang cellphone. Pero saktong dumating ang mag-pinsan.

Nakatingin silang dalawa sa akin.

"Is that my phone?" a tall guy asked me.

Tumango ako ng dahan-dahan.

"Kailan mo napulot 'yan?" tanong naman ni Kesden sa akin.

"Three days ko nang hawak ang phone na 'yan." tugon ko.

"What?! E bakit ngayon mo lang naisip ibalik sa akin 'yan?" halos maglumpasay na si Kyler sa sahig.

Yumuko ako. Nakakahiya. Bakit nga naman kasi ngayon ko lang ibinalik 'yon sa kaniya? Mukhang importante sa kaniya ang cellphone na 'yon. Sabagay, nakita ko naman sa emails niya na puro business talag ang purpose ng cellphone niya.

Nako-konsensiya tuloy ako.

"W-Wala kasi akong time na kausapin ka. P-Pero wala naman akong intensyon na agawin or nakawin 'yan sayo." paliwanag ko.

"Anyways, salamat." he said.

Hindi na nagsalita pa si Kesden. Nagsimula na ang programa, nagsalita si Kesden at nagpasalamat kung kani-kanino. Nag-kiss pa sila ni Jude.

"Are you okay Ate?" biglang sumulpot sa tabi ko si Fred.

Dahan-dahan naman akong tumango.

"Kanina pa kasi kita napapansin habang nagbibigay ng speech si Kuya Kes." dagdag pa niya.

"Huh, bakit?" nagtataka kong tanong.

"Yung mga reactions and expressions mo." ani niya.

"What?! HAHAHA. Ano'ng masama roon?" natatawa kong saad.

Ngumiti na lamang siya.

Hays! Nahuli pa ako. Nagpunta na lang ako sa drinks station upang kumuha ng maiinom.

"May I know your name nga pala?" si Kyler pala.

He offer his hand on me, syempre nakipag-kamay na rin ako.

"Cahira Bluebell." pormal kong saad.

"Wow, nice name." tugon niya.

Ngumiti na lang ako. Ipinagpatuloy ko na ang pagkuha ng maiinom. Ang yayaman at ang babango ng mga guest. Pero ang kaisa-isa kong ay kung totoo ba silang lahat kay Kesden? Are they really happy for him?

Kanina ko pa kasi napapansin na medyo masama yung approach ng iba sa boss ko. Ang dami kong naririnig na bad comments tungkol sa kaniya. Kaya nag-aalala ako.

Kesden invited them to this important milestone of CelebShine dahil mahal sila nito, tapos hindi ko akalain na paplastikin nila ang boss ko.

Paano pa kaya kung si Kesden ang nakarinig 'nun? Panigurado akong magkakagulo rito.

"Ehem!" muntik ko nang mabitawan yung baso na hawak ko.

"Fred?" ani ko.

Ngumiti siya.

"Kasama mo si Amelia?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ayaw niya pumunta. Kaya hindi ko na lang pinilit." tugon niya.

Pinahiram pa naman niya ako ng damit. Wala tuloy akong makausap dito.

"Cahira."

Dahan-dahan kong nilingon yung tumawag sa akin, si Kesden pala.

~

🖋️ author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon