Chapter 28

52 2 0
                                    

Chapter 28

Kesden browsed all the files that Fred bring on his office. It's all about product proposals and presentations. Binigay sa akin ni Kesden ang ibang folders para tulungan siyang magbasa.

Galing ito sa iba't ibang investors and brand partners. Magaganda ang mga plans and products nila, pero kita sa mukha ni Kesden na hindi niya ito gusto.

"Bulok na ang mga ito." saad ni Kesden.

Sa gulat namin ni Fred ay napatingin na lang kami kay Kesden na isa-isang pinupunit ang mga papel.

"K-Kuya," pag-awat ni Fred.

"Bakit ba kayo nagpe-present ng basura sa akin?!" galit na saad ni Kesden.

Moody talaga.

"Galing 'yan sa mga sikat na companies, makakatulong ito para mas mag-improve ang products ng CelebShine." saad ni Fred.

"Tama siya. Bakit hindi ka magpatawag ng meeting para makapag-decide ka ng maayos?" dagdag ko.

Tumingin si Kesden sa akin at parang galit ito.

"Huwag nyo akong pangunahan!" hinampas niya ang mesa atsaka tumayo.

Sa sobrang takot ay tumakbo na si Fred palabas. Nanatili naman akong nakaupo, but this time ay yumuko muna ako. Naka-beki mode na naman kasi ang boss ko.

Nagbibigay lang naman kami ng piece of advice tapos mamasamain niya. Ang hirap kasi kay Kesden, gusto niya siya palagi ang tama at sasang-ayunan ng lahat.

"Hoy, babae." tinapik niya ang braso ko.

Agad naman akong tumayo.

"May ipapagawa ka?" tanong ko.

He rolled his eyes.

"Sa susunod huwag kang aarte-arte kapag pinapakilala kitang magkarelasyon tayo. We already talked about this!" galit na tugon ni Kesden sa akin.

"Hindi naman ako nag-iinarte, ang hirap lang mag-adjust." saad ko.

"Always remember that I will pay you a lot just to help me. Don't disappoint me. Mataas ang expectations ko sa 'yo, Cahira."

Huminga ako ng malalim at matapang siyang hinarap.

"Huwag kang mag-expect ng mataas from me kasi sa una pa lang nag-aalinlangan akong tanggapin 'tong alok mo."

He's about to shout at me nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina. Bumungad sa amin si Jude na may dala pang mga bulaklak na naka-basket.

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko alam ang gagawin. Kita sa expression ng mukha ni Kesden na nagpa-panic siya. Humarap siya sa akin at tila nanghihingi ng tulong.

What should I do?

Nag-iisip ako ng pwede kong gawin para hindi na mag-panic 'tong kasama ko.

"Kes– Kakain tayo sa labas, right?" kabado kong saad.

Tumingin si Kesden sa akin na tila nagtataka. I grabbes his hands atsaka ko siya niyakap.

"What?" he whispered at me.

"Sumabay ka na lang." binulungan ko rin siya.

"Yes! Lunch date." saad ni Kesden sabay hawak sa aking baywang.

Napalunok ako at nakaramdam na ng matinding nerbyos. Nakatingin lang si Jude sa amin, tila ba nagtataka siya sa kaniyang mga nakikita't naririnig.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa, pero at this point kailangan kong protektahan si Kesden.

"Kailan ka pa natutong yakapin si Kesden? Ganoon na ba kayo ka-komportable sa isa't isa?" inis na tanong ni Jude sa akin.

Bumitaw ako kay Kesden atsaka nilapitan si Jude.

"Hindi mo pa pala alam." natatawa kong saad.

Nagtatakang tumingin si Jude sa akin atsaka ako hinila palabas.

~

🖋️author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon