Chapter 12

51 2 0
                                    

Chapter 12

Back to work. As usual, nakaupo lang ako at naghihintay ng utos mula sa aking baklang boss. Sa tingin ko'y hindi niya ako kailangan sa mga oras na ito dahil binisita siya ni Jude. May pa-kape at cake pa nga ang loko. Tss! Ginawa na niya 'yan sa akin noon.

Wait!

Why am I comparing myself to Kesden?

Hindi ko na dapat alalahanin 'yon. Masaya naman na ako sa buhay ko ngayon.

'Masaya ba talaga ako?'

Nevermind.

Habang naghihintay ng gagawin ay dumating naman si Fred, dala niya ang kaniyang laptop at may ipinakita siyang picture sa akin.

"Kilala mo siya?"

Hindi ko alam kung ano'ng irereact ko. Bakit mayroon siyang picture ng best friend ko sa laptop niya?

"S-Si Amelia." kabado kong tugon sa kaniya.

"I knew it!" sumandal pa siya sa upuan.

What does he means?

Ano'ng alam niya?

"Ano ba'ng meron?" curious kong tanong sa kaniya.

Napangiti ang loko.

"Wala, wala." natatawa siya.

"Hoy!" pinalo ko ang kaniyang braso.

"Okay fine. Sasabihin ko na sa'yo. Nakilala ko siya sa isang dating app, and mamaya kasi magkikita kami. Nabanggit niya rin na best friend ka niya." Fred explained.

Aba, small world! Hindi ko akalain na magtatagpo silang dalawa. Sana hindi siya kagaya ni Jude. Sabagay, mukhang hindi naman siya gagawa ng masama.

SANA NGA LANG TALAGA.

"Saan naman kayo magkikita?" tanong ko kay Fred.

"Sabi kasi ni Amelia doon na lang kami sa bahay nila." Fred answered.

Tumango naman ako. Mabuti kung ganun.

"Mabait ang kaibigan ko. And if ever na kayong dalawa ang magkatuluyan, please lang huwag mo siyang paiiyakin." sabi ko.

"Oo naman. E ako nga ang madalas na umiyak sa isang relasyon." natatawang saad ni Fred.

Naputol ang aming magandang usapan dahil dumating ang magkasintahang Kesden at Jude. Naupo sila sa couch at mabilis namang sinara ni Fred ang kaniyang laptop.

Nakangiti akong humarap sa dalawa.

"M-May kailangan po kayo?" kabado kong tanong sa kanila.

"Gusto sana namin kayong isama ni Fred sa family dinner mamaya." saad ni Kesden.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jude.

"Side mo?" Fred asked Kesden.

Umiling naman si Kesden at isinandal nito ang kaniyang ulo sa balikat ni Jude.

"Jude's side." nakangiti niyang tugon.

Tumango-tango lang si Fred. Hindi ako pwedeng sumama, kilala ako ng mga magulang ni Jude. Ayaw kong mabuking ngayong malaki na ang tiwala ni Kesden sa 'kin.

"H-Hindi ako makakasama, may family dinner din kasi kami." palusot ko.

"Ganun ba?" ani ni Kesden.

Sana makalusot!

"Sige, okay lang. May next time pa naman." sabi naman ni Jude.

Napalunok ako. Huwag kang magpapahalata! Tumingin si Kesden sa akin, sabay balik ng tingin sa kaniyang nobyo.

"Jude's right. May next time pa naman, sana makasama ka." nakangiting sabi ni Kesden sa akin.

Hays! Buti na lang uto-uto silang dalawa. Agad din umalis ang dalawa, sumunod naman si Fred. Jusmiyo, muntik na ako 'dun ah. At dahil nagsinungaling ako sa kanila, kailangan kong umuwi ng maaga at mag-pretend na may family dinner talaga sa bahay.

Paniguradong ipapahatid na naman ako ni Kesden sa company driver, and I need to buy cake to make my acting realistic. Sh*t! Ang dami naman kasing pwedeng idahilan.

Well, good luck na lang sa akin.

****

|Jude's POV|

Alam kong may ibang dahilan si Cahira kung bakit hindi siya sasama sa dinner namin mamaya. Well, hindi ko naman siya dapat pang pilitin dahil karapatan naman niyang tumanggi.

Niyaya ko nang umalis si Fred at Kesden.

Dadaan pa ako sa gift shop para bumili ng pasalubong kay Mommy't Daddy, at pati na rin kay Hyacinth.

"Kinakabahan ako." humawak si Kesden sa braso ko.

Tumingin ako sa kaniya.

"Matatanggap ka rin nila." ani ko.

Hindi na kami nagtagal sa shop dahil kanina pa naghihintay si Mom and Dad sa bahay. Nagmadali na kaming umalis. Kabadong-kabado pa rin si Kesden, dahil this is the second time na pupunta siya sa bahay.

But my parents still didn't accept him as my partner. Sabi ko sa aking sarili, hindi ako mapapagod na ipaintindi sa kanila ang sitwasyon at desisyon ko.

Nasa tamang edad na ako, and they don't need to control my love life.

****

We already arrived on our house. Naabutan namin na nanonood si Daddy sa sala, habang si Hyacinth naman ay nakaupo lang sa couch at busy sa kaniyang cellphone.

"Goodeve—" naputol ang sasabihin ni Kesden dahil biglang tumayo si Dad at tila umiwas sa paghalik ni Kesden sa kaniyang pisngi.

"Nandito na pala kayo. Anak pasensya ka na, hindi nakapagluto ang mga maid." sakto rin ang paglabas ni Mommy galing sa kusina.

Na-disappoint na naman ako at nahiya kay Kesden.

"Maupo ka muna." saad ko.

"Hyacinth, go to your room now." utos ni Mommy sa aking kapatid.

Sinundan ko si Dad na patungo sa library.

"I told you to stop bringing that person here in my house." inis na saad ni Daddy.

Napayuko ako at nagpipigil umiyak.

"Dad, hindi ninyo ba talaga siya kayang tanggapin?" I asked him.

"Jude stop forcing us to accept that gay! Mas mabuti pang itinuloy ninyo ni Cahira ang relasyon nyo." napaatras ako.

Cahira, Cahira, Cahira. So hindi pa pala niya nakakalimutan ang babaeng 'yon.

Ayaw kong masaktan at ma-disappoint si Kesden, kaya minabuti kong dalhin siya sa aming grand garden at doon mag-dinner.

Kitang-kita ko sa mukha niya na hindi siya komportable, kaya minabuti kong tabihan siya at bigyan ng mahigpit na yakap.

"Sorry ha." sabi ko.

"Sorry for what? Ayos lang ako. Hindi pa siguro sila handa to accept our relationship." tugon ni Kesden.

He's hurt deep inside. I felt that.

Hindi ko na alam ang gagawin sa parents ko. Malapit na akonf sumuko sa pag-intindi sa kanila, konting pasensya na lang ang natitira sa 'kin.

~

🖋author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now