Chapter 27

50 3 0
                                    

Chapter 27

Gaya ng sinabi ni Kesden, maaga niya akong pinuntahan sa bahay. Nagtataka si Mama at Papa dahil nagpakilala itong manliligaw ko. Nakakainis, sabi ko sa kanila bakla ang boss ko. Tapos ngayon magsasabi siya sa parents ko na nililigawan niya ako.

"Siya ba yung kasama mo last night?" tanong ni Mama sa akin.

"Yes, Tita." nakangiting sagot ni Kesden.

He looks so masculine today. He's not wearing his favorite neck scarf, wala rin siyang liptint and foundation. Nakakapanibago ang taong ito. Pinaninindigan talaga niya yung kasunduan naming dalawa.

Ano na'ng gagawin ko?

Lord, tulong! Nababaliw na po ang boss ko.

"Anak, sabi mo bakla–" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mama. Hinila ko na palabas ng bahay si Kesden.

May kasama siyang driver at isang bodyguard. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse that makes me so awkward towards him.

"May kasalanan ka sa 'kin." he whispered.

Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa buo kong katawan. Nakakainis! Bakit ba ganito si Kesden sa akin ngayon? Hindi ako sanay sa mga ikinikilos niya, nandidiri ako.

Nakaupo kami sa backseat, tahimik lang ako dahil wala naman akong gustong sabihin sa kaniya. Pero iniisip ko kung ano'ng klaseng kasalanan ba yung sinasabi niya, wala naman akong ginawa o nagawa sa kaniya.

"Bakit tahimik ka dyan?" tinapik niya ang aking braso dahilan ng aking pagkagulat.

"What?" iritado kong tugon sa kaniya.

Ngumiti naman siya.

"Naiinis ka na ba sa 'kin? Tandaan mo, pumirma ka sa kasunduan nating dalawa. It means wala kang karapatan na magalit sa akin." tila nang-aasar nitong sabi.

Argh! Naninibago kasi ako sa pag-uugali at sa mga kilos niya. Although fake couples kami, dapat ilabas pa rin niya yung gay side niya kapag kaming dalawa lang yung magkasama. Na-mimiss ko na yung masungit at maarteng Kesden Lawson.

Please ilabas nyo ang totoong Kesden!

Nakarating na kami sa CelebShine at agad niyang hinawakan ang aking kamay. Nakatingin sa amin ang lahat ng tao at tila nagtataka sila kung bakit hawak ng baklang 'to ang kamay ko.

Nasa tapat na kami ng elevator, he's still holding my hand at pinipisil-pisil pa ito.

"Ouch." pabulong kong reklamo.

Tumingin siya sa akin. OMG! Matutunaw ata ako.

"Behave Ms.Bluebell." ani niya.

Nagtangka akong bumitaw mula sa kaniyang pagkakahawak, pero masyado itong mahigpit.

"Bitawan mo na ako." saad ko.

Bumukas na ang elevator, hudyat para pumasok na kami upang makarating sa opisina ni Kesden.

"Where's Fred?" tanong ni Kesden sa staff na kasama namin.

"Bakit mo siya hinahanap? May ipapagawa ka ba?" sumabat naman ako.

Tumingin si Kesden sa akin at nakaramdam na naman ako ng kaba at pagkailang. Bwisit talaga ang baklang 'to! Ano'ng klaseng laro ba ang gusto niya?

"Girlfriend kita at hindi mo deserve na mapagod." umakbay siya sa akin.

"Nakakainis ka na." bulong ko sa kaniya.

Tumawa siya ng mahina.

Maya-maya pa ay dumating na si Fred at may dala itong folders.

"Tulungan na kita." I was about to carry the folders pero hinawakan ni Kesden ang kamay ko.

"Fred, I have something to tell you." saad ni Kesden.

Naupo kaming tatlo. Ano ba 'yon?

"Ano 'yon, Kuya?" Fred asked him.

Laking gulat ko nang hawakan ni Kesden ang aking kamay sabay hinalikan ito.

"Girlfriend ko na si Cahira."

Napatingin si Fred sa akin at hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Nahihiya ako sobra! Kanino pa ba niya balak sabihin ang tungkol sa peke naming relasyon?

Sh*t!

"Totoo ba?" Fred asked me.

Dahan-dahan akong tumango.

This is so insane. Hindi ko na kaya 'tong mga nangyayari.

~

🖋️author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now