Chapter 24

55 2 0
                                    

Chapter 24

|Jude's POV|

What is happening? Am I dreaming? I can't believe that Kesden is ignoring me. I know that he loves me, and he will never leave me. Maybe Cahira is influencing him to ignore me, she's doing this because she thought that Kesden will believe her.

Syempre hindi ko hahayaang mangyari 'yon.

Hindi ko intensyon na lokohin si Kesden, wala akong balak na ipagpalit siya. Hindi ko inaasahan na darating si Victoria at hahalikan ako. It's all Victoria's plan.

Saan ba kasi nanggaling ang babaeng 'yon?

Paano siya nakapasok sa party ni Kesden na pinalibutan ng maraming guards?

May access pa ba siya sa CelebShine?

Mababaliw na ako kakaisip!

Si Victoria ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na kami nagkaayos ni Cahira noon. At hanggang ngayon ay sinusundan pa rin niya ako. Naging magkaibigan din sila ni Kesden, pero dahil sa dakila siyang traydor ay tinapos na nilang dalawa ang kanilang pagkakaibigan.

Bakit kailangan pang bumalik ng mga taong parte na lang ng nakaraan natin? And now my life is ruined again. Mahal ko si Kesden, totoo ko siyang mahal, wala akong masamang intensyon sa kaniya.

Gagawa ako ng paraan para magkaayos kaming dalawa. Handa akong magpaliwanag dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginawa o ginagawang masama.

"Kuya." Hyacinth approached me.

"Uhm?" nagkunwari akong nakatutok sa aking cellphone.

Tumabi siya sa akin at isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ko.

"Are you okay?" she asked me with her sad voice.

Kinabahan ako bigla.

"Oo naman." ngumisi ako.

"I don't believe you. Alam kong hindi ka okay, I just want to comfort you" she added.

Tumingin ako sa aking kapatid, she's the sweetest person ever. Maswerte akong may kapatid ako na gaya ni Hyacinth.

"Really?" I replied.

"Yup. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung eskandalong nangyari. Unexpected yung ginawa ni Kuya Kesden." saad ni Hyacinth.

She's right. Unexpected talaga yung mga nangyari doon pa mismo sa anniversary party ng company ni Kesden. Sa tingin ko'y nawalan na ng tiwala sa akin ang kaniyang mga magulang, even his friends.

Si Cahira ang dapat kong makausap, dahil siya ang palaging kasama ni Kesden.

May mga tao talaga mula sa nakaraan natin na babalik para lang sirain ang maganda at masayang hinaharap natin. Hindi ko inaasahan na magagawa 'to ni Cahira.

Does Cahira still love me?

Why did she have to intervene in our problem?

She's nothing.

*****

I tried to talk to his staffs, but none of them have an idea where their boss is. Hindi naman ako makapunta sa mansyon nila, baka masapak lang ako ng Daddy niya. Sinubukan kong tawagan ang magaling niyang sekretarya, pero hindi rin ito sumasagot. Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng CelebShine.

Naririnig ko na pinagkekwentuhan ako ng mga empleyado, pero hindi ko na lang sila pinapansin. Masasayang lang ang oras ko.

"What are you doing here?"

Bumungad sa akin mula sa loob ng elevator si Cahira na may dalang mga papel.

"Sino ka para tanungin ako ng ganiyan? Wala kang karapatan!" inis kong tugon sa kaniya.

Lumabas siya mula sa elevator at tinulak ako. Sinundan ko si Cahira at pumasok ito sa loob ng marketing room, nagulat ako sa dami ng tao roon. Nagmadali akong lumabas dahil mukhang mapapahiya na naman ako.

She's really protecting Kesden. For what? Magkaibigan na ba talaga silang dalawa? Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito.

Magtitiyaga akong maghintay kay Kesden. I really want to explain everything on him.

Muli kong nakita si Cahira, and this time ay nagmamadali naman siyang magpunta sa opisina ni Kesden. Balak ko sana siyang habulin, pero naisip ko na dapat dalawa lang kami ni Kesden na mag-usap.

Hindi ko na dapat pang idamay si Cahira rito dahil parte na lamang siya ng aking nakaraan.

*****

|Cahira's POV|

Nakakainis ang lalaking 'yon! May gana pa siyang magpakita rito matapos ng ginawa nya sa boss ko. At bakit galit na galit siya kanina nang tanung ko siya? Ang yabang.

Imbes na intindihin ko pa si Jude, tinapos ko na lang ang mga trabahong binilin ni Kesden sa akin. Ako na lang ang pinagkakatiwalaan niya sa ngayon, kaya ang tiwala na ibinigay niya ay hinding-hindi ko sisirain.

Work.

Just work, Cahira.

Magiging maayos din ang lahat, sa ngayon ay kailangan ko munang intindihin ang sitwasyon ni Kesden. Kailangan ko ng malawak na mindset upang magkasundo kami ng aking boss. Kung pwede lang sana na mag-leave muna ako para makaiwas sa gulo nilang dalawa, baka kahapon pa ako umalis.

Ako yung nahihirapan sa sitwasyon nilang dalawa.

~

🖋️ author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Onde as histórias ganham vida. Descobre agora