Chapter 10

59 4 0
                                    

Chapter 10

|Cahira's POV|

Grabe naman ang baklang 'to. Hindi niya iniisip kung ano ang mararamdaman ko tungkol sa mga sinabi niya sa akin kanina. Sinigawan niya ako at pinahiya. Nakakainis! Akala mo kung sino. Baka kapag nalaman niyang EX ako Jude lalo siyang magalit sa akin. Baka nga isumpa niya ako.

Nakakatawa lang na sobrang OA niya kanina. Minuto lang naman ang late ko, ang arte niya!

Hindi ako mapakali rito sa laboratory ng CelebShine. Bukod sa fragile ang mga kagamitan, puro MATALINO lang ang nakakaintindi sa mga bagay na mayroon ang lugar na ito.

"Cahira!"

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng isang silid kung saan nagaganap ang meeting.

"Y-Yes?" utal kong saad.

"What can you say about the new shade?" binigay ni Kesden sa akin ang isang papel.

'Golden Era Shade.'

Tumango naman ako. Don't tell me na GOLD talaga ang kulay ng tint. Nakakatawa 'yon!

"Nice name." sabi ko.

"Pwede ka ba mag-suggest ng colors for that new product?" Kesden asked me.

Naupo ako sa tabi niya. Nakatingin sa akin ang mga doktor at iba pang staffs ng CelebShine laboratory.

"Since it's called Golden Era Shade, bakit hindi natin lagyan ng gold dusts ang mga liptints?" sabi ko.

Tumango ang mga staff.

"What do you mean by golden dusts?" Kesden immediately asked me.

"Alam mo naman sa panahon natin ngayon nauuso na ang exaggerated make-up. Sa tingin ko'y magiging mabenta ito lalo na sa mga social media influencer na ang content ay all about cosmetics. We can also use them to promote the product by doing a video review." I explained.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kesden. Oh? Ano'ng tingin 'yan? Sh*t! Grabe yung plum lips niya. Umiling ako. Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Cahira, mag-focus ka nga. Malapit mo nang makuha ang tiwala ng baklang 'yan.

Hindi magtatagal ay huhupa rin ang galit niya sa akin. Magiging magkaibigan kami.

"May point ka." saad ni Kesden.

"You mean gagawin natin ang sinabi ng sekretarya mo?" tanong naman ni Doc Kloe.

"Don't underestimate my SECRETARY. Siya ang kauna-unahang secretary na nagbigay ng magandang ideya tungkol sa business ko. Wala namang masama kung susubuka natin 'di ba?" ani ni Kesden.

OMG! Hindi ako makapaniwala na ipinagtanggol niya ako mula sa babaeng mayabang na kasam namin.

"Meeting adjourned. You can go back to your stations and office."

Isa-isang umalis ang mga tao. Nag-akma rin akong tatayo mula sa aking kinauupuan ngunit hinila ako ni Kesden pabalik. Nakatitig niya sa akin, sobra akong naiilang dahil hawak pa rin niya ang kamay ko.

Ano kayang iniisip niya?

May iba ba siyang binabalak?

Stop it!

"B-Bakit po?" kabado kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya. F*ck! Ang gwapo.

"Bakit ngayon ka lang dumating?" he asked me while caressing my hair.

Tumatayo ang aking mga balahibo. Nakakapangilabot 'tong ginagawa niya sa akin. Alam kong bakla siya, pero bakit ganun? Iba yung epekto sa akin ng mga titig niya.

Bwisit! Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano.

"Uh- lalabas po muna ako." dali-dali akong tumayo upang lumabas.

Argh! Stop acting like that Mr.Kesden Lawson. Huwag mo naman akong paasahin. Hindi ako pwedeng mahulog sa gaya mo. Please stop treating me like this.

Hindi ako sanay!

"Saan ka pupunta?" hinarang naman ako ni Fred.

"Doon na ako maghihintay sa labas. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan si Kesden." nagmamadali kong sabi.

Tumango lang si Fred at tumakbo naman ako palayo sa kaniya.

Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o natutuwa dahil sa nag-iba ang trato ni Kesden sa akin.

'Hindi ka pwedeng magkagusto sa kaniya Cahira.'

What?!

I slapped myself. Bakit naman ako magkakagusto sa kagaya niya? Ano ba itong iniisip ko? Mali 'to!

Hays! Think positive Cahira. Huwag na huwag mong hahayaan na mahulog ka sa gaya niya. Bakla si Kesden, hindi siya papatol sa mga babae. Please stop assuming that he likes you.

KESDEN IS GAY. That's it!

~

🖋author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon